Madilim na ang gabi. Mahimbing na ang tulog ng iba at iilan na lamang ang gising kagaya na lamang ng isang prinsipeng hanggang ngayon ay hindi pa rin makakatulog.
Kanina pa siya galaw ng galaw.
"Bakit kailangan nilang matulog sa iisang kwarto?" Padabog niyang sinipa ang kumot.
"Pano kung hahalikan din niya ang mga lokong yon?" Naiinis siya. Naiinis siya dahil hindi napansin ang kagwapuhan niya at nilait pa siya. Naiinis siya dahil aminado siyang may hitsura si Sioji at mas kakilala siya ni Steffy at palage pang kasama.
"E ano naman kung Naicronian siya? Ano naman kung may hitsura siya? Prinsipe ako. Chosen protector pa. Saka may hitsura din naman ako a."
At dahil hindi makatulog, bumangon na lamang siya at lumabas ng silid. Nakita niya sa labas sina Rinju at Shinju.
"Kamahalan." Tawag ni Rinju na halatang nagtataka.
"Yung Kids team."
"Tahimik na po ang kanilang silid. Mukhang tulog na po sila." Sagot ni Rinju.
"Hindi ko tinatanong." Sagot ni Kurt at bumalik sa silid niya at marahas na sinara ang pinto.
Bakit kasi sila mahimbing ang tulog tapos siya hindi?
Nagkatinginan naman sina Shinju at Rinju. "Hindi raw tinatanong?" Sambit ni Rinju.
"Pinaglihi yata sa sama ng loob ang Prinsipe. Bigla-bigla na lamang sumasama ang loob e." Sambit na lamang ni Shinju. Tumango-tango namang sumang-ayon si Rinju.
Mahimbing ang tulog ng halos lahat sa gabing iyon maliban sa prinsipe at sa dalawang bantay na hindi natutulog.
Tatlong araw ang inilaan ng prinsipe bago sila magpatuloy sa paglalakbay patungo sa Norzian Capital City.
Sa ikalawang gabi pinilit ni Kurt na mag-iba ng silid ang bawat isa at kung hindi sila papayag sa gusto niya umalis na lamang sila. Napilitan namang lumipat sa ibang silid ang bawat isa sa Kids team.
Walang nangyaring kakaiba sa gabing iyon ngunit sa ikatlong gabi, may mga assassin ang lumusob sa bawat silid ng bawat misyonaryo.
Matagal ng bisita ng Inn ang mga assassin na ito at naghahanap lamang ng tamang oras bago umatake.
Nagising si Kurt dahil sa mga kalabog sa labas kaya naman agad siyang lumabas at nakitang nakikipaglaban sina Shinju at Rinju sa tatlong assassin.
Nakita niyang sira na ang pintuan ng iba at napansing bukas ang pintuan sa silid ni Steffy.
Ilang sandali pa'y may tatlong assassin ang tumilapon palabas. Kasunod nito ang paglabas ni Asana sa silid ni Steffy.
May assassin ang humarang sa prinsipe na agad din naman niyang natalo bago tumakbo sa silid ni Steffy.
"Hoy!" Inis niyang sigaw at hinila pa ang paa ng natutulog na dalagita.
"Aish! Disturbo naman o." Angal ni Steffy at sinamaan ng tingin si Kurt.
"May nagtangkang pumasok sa silid mo pero nakahiga ka lang diyan?" Hindi makapaniwalang sigaw ni Kurt.
"Alangan namang i-welcome ko sila di ba?" Sagot ni Steffy at muling humiga sa kama nito at nagtalukbong ng kumot.
"Seyriel!" Sigaw ni Kurt at inalis ang kumot ng dalagita. Naiinis namang napatingin si Steffy sa kanya.
"Ano bang pinag-alala mo, nandiyan ka naman di ba? Since nasa tabi naman kita magiging mahimbing ang tulog ko." Inayos muli ang unan at muling humiga sabay pikit.
"Huy! Wag kang matulog diyan!" Niyugyog na si Steffy. Pero tinakpan ng unan ang tainga.
"Agh!" Ungol ni Kurt dahil nilaglag siya sa kama.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...