Naglakad palapit si Ashler sa nagbabantay ng gate. Ipinakita ang tatlong magic weapon na meron siya. Ayaw sana niya itong ibigay dahil napakahalaga ng mga magic weapon na ito sa kanilang angkan, ngunit mas mahalaga ang Empire Seal kumpara rito kaya isusugal na lamang niya ang mga bagay na ito.
Isang pamaypay na nagiging blade kapag ginamit na sa labanan at lumilikha ng apoy o hangin kapag ginawa pang-atake, isang balahibo na nagiging espada kapag gusto siyang gawing espada na lumilikha ng libo-libong mga mapanganib na mga balahibo kapag ginamit na sa pakikipaglaban at isang magic pills na kayang doblehin ng sampung beses ang lakas at kapangyarihan ng kung sinong iinom nito.
"Prince Ashler, di mo dapat to ginagawa. Magpapaiwan na lamang kami ni Akemi. Gagawa na lamang kami ng ibang paraan para makapasok." Sabi ni Amiro.
"Kailangan ko kayo sa loob kaya ayos lang na iwan ko ito." Sagot ni Ashler.
Nanghihinayang naman masyado ang dalawa dahil sa tatlong weapon na ibinayad ni Ashler sa tagapagbantay para lang makakapasok sila.
"Hindi ko alam kung magugustuhan ba ito ng amo namin pero susubukan ko nalang." Sabi ng tagapagbantay na ito.
"Hindi pa ba kayo papasok?" Tanong ni Akemi kay Steffy. " Kaya lang kailangan may maibigay kayong mahalagang bagay sa kanila." Sabi niya na halatang nanghihinayang dahil mapapahiwalay na siya sa grupo ni Steffy. Wala na siyang kadaldalan. Masyado kasing mga seryoso at tahimik ang dalawa niyang kasama kaya mas natutuwa siyang makasama si Steffy na maingay at may kakulitan din.
"Papasok na rin kami." Nakangiting sagot ni Steffy.
Natigilan ang tagapagbantay nang makita sina Steffy at Kurt.
"Ano ng nangyayari dito Harvey?" Tanong ng bagong dating na si Qin.
Bago pa man makasagot si Harvey, may mga Mysterian na nakasakay sa mga warbe ang dumating at nagpupumilit na pumasok kahit na di tinanggap ang mga spirit weapon at mga Mysterian ore na dala nila.
"Isa akong Akrinian kaya papasukin niyo ako." Sabi ng babaeng nakasuot ng itim na bestida. Pati ang suot na kapa ay itim din.
"Ang lahat ng mga dadaan sa lugar na ito kailangan sumunod sa aming batas." Sagot ni Qin na ikinagalit ng babae.
Inatake ng babae si Qin habang sakay sa kanyang spirit sword kaya lang bumangga siya sa isang invisible na harang na ikinabagsak niya sa lupa.
"Kahit saan clan man kayo, wala kaming pakialam. Tandaan niyo, teritoryo ito ng mga Tagakatay at hindi teritoryo niyo." Sagot ni Qin.
"Ang panget naman ng pangalang yan. Tagakatay talaga? Sino bang nakaisip sa pangalan na yan?" Tanong pa ni Rujin na nilalait ang pangalan sa grupo ng mga bandidong ito.
"May mahalagang bagay ako." Sabi ng isa pang Akrinian na kasama ng babae kanina. Inilabas nito ang isang kahon na may lamang pulseras. Ang pulseras na ito ay may kakayahang gumawa ng portal papunta sa kahit saang parte ng Mysteria.
Pipigilan sana siya ng babae pero tiningnan niya ito na tila sinasabi na wag ng magsalita pa.
"Pumasok na rin tayo. Masyadong maalikabok dito." Sabi ni Steffy at naglakad na palapit sa gate. Madadaanan nila sina Qin at Harvey. Inaakala nila na gulat sina Qin dahil sa ipinakitang pulseras ng lalaking Akrinian. Di nila pansin na kina Kurt at Steffy nakatuon ang pansin ng dalawang Tagakatay bandits na ito.
"Wala naman kayong dalang yaman kaya tumabi na nga kayo diyan at bumalik sa kung saan kayo nanggaling." Taboy naman ng iba pang mga Akrinian sa grupo ni Steffy.
"Kung tatanggapin namin iyang hawak mo, ikaw lang mag-isa ang makakapasok." Sabi ni Harvey na ikinagalit ng lalaking Akrinian.
Sa grupo naman ni Steffy, inihanda na nila ang mga sarili sa paparating na labanan. Wala naman kasi silang maibibigay bilang pambayad kaya naman sigurado sila na kailangan nilang lumaban kung gusto nilang makakapagpatuloy sa loob.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...