"Kamahalan!" Sigaw ng mga kawal nang tumilapon muli ang kanilang prinsipe matapos tamaan ng buntot ng halimaw.
Pero bago paman sila makalapit sa prinsipe tumilapon na din sila. Hinigop lamang ng halimaw na ito ang kanilang mga kapangyarihan kaya walang silbi ang mga atake nila sa halimaw na ito.
"Kailangan na niyo ng makaalis sa lugar na ito. Gamitin niyo na po ang teleportation scroll na hawak niyo." Sabi ng kawal sa nakikiusap na tono.
"Ano na lamang ang mukhang ihaharap ko sa mga mamamayan kung tatakasan ko ang aking responsibilidad bilang prinsipeng tagapagmana ng kahariang ito?"
"Iligtas niyo po muna ang sarili niyo bago isipin ang mga bagay na iyan. Ikaw ang susunod na mamahala sa lugar na ito, kapag wala ka, paano na lamang ang kahariang ito?" Sagot naman ni Mesia na lumapit na rin sa gawi ni Ruffin.
"Anong saysay ng pamumuno ko kung wala ng matitira sa kahariang sinasabi mo? Sino ang pamumunuan ko kung hindi ko maililigtas ang bayang ito laban sa mga mananakop?" Sagot ni Ruffin. Itinayo pa rin ang katawan at nanginginig ang mga kamay na itinaas muli ang espada.
"Lalaban ako hanggang sa kamatayan." Determinadong sabi nito. Ngunit aanhin ang tapang at determinasyon kung mahina naman ang katawan at mas malakas ang kalaban.
Isang alon ng Mysterian ki ang dumaan sa kanila na ikinatilapon nilang muli.
"Ito na ba ang katapusan ko?" Ito ang halos ang nasa isip ng tatlong kawal na hindi na makagalaw sa sugat na natamo.
Napatingin naman si Ruffin sa langit.
"Bakit napakahina ko pa rin? Katapusan ko na ba?" Sambit niya makitang may lumilim sa kanya.
Natanaw ng nanlalabo niyang paningin ang higanteng paa ng halimaw na aapak sa kanyang katawan. Gusto man niyang umiwas ngunit hindi na kaya ng kanyang katawan.
Rinig niya ang sigaw nina Mesia at ng iba pa. Ngunit ano nga ba ang magagawa nila?
Ipinikit na lamang niya ang kanyang mga mata at tinanggap na ang posibleng mangyayari sa kanya.
Ngunit walang mabigat na bagay ang dumagan sa kanyang katawan. Narinig niya ang malakas na ungol ng halimaw. Kaya naidilat niyang muli ang mga mata.
"Nandito ako." Rinig niyang sigaw ni Hyper.
Dumungaw naman sa kanya ang magandang mukha ni Izumi. "Buti buhay ka pa." May kung anong likidong ipinainom sa kanya.
Ilang sandali pa'y naramdaman ni Ruffin ang panunumbalik ng kanyang lakas. Luminaw na ring muli ang nanlalabo niyang paningin.
Matapos gamutin ni Izumi si Ruffin nilapitan niya ang iba pang mga sugatan.
Ang halimaw naman, naglakad na palapit kay Hyper.
"Halika! Ako ang kalabanin mo." Matapang na sigaw ni Hyper sa halimaw. Nilislis pa ang kuwelyo at inikot ang mga braso at leeg. Saka hinamon muli ang halimaw.
Umungol ang halimaw at tumakbo sa gawi niya. Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan kaya iniisip ng lahat na may malakas siyang panlaban. Ngunit nang malapit na sa kinaroroonan niya ang halimaw bigla siyang kumaripas ng takbo. Kasunod nito ang usok na naiwan dulot ng dalawang nilalang na naghahahabolan palayo.
Sa di kalayuan, isang invisible na pigura ang nakaupo sa rooftop. Pinapanood ang limang mga kabataang di nalalayo ang edad sa kanya na inaatake ngayon ng mga halimaw.
Maliban kay Hyper na wala ng nakakaalam kung saan napadpad, nandito naman sina Aya, Rujin, Asana at Steffy na panay iwas sa mga umaatakeng halimaw. Hindi sila nagpalabas ng kahit kaunting kapangyarihan pero mabibilis silang kumilos kaya hindi sila nahuhuli at natatamaan ng mga atake.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasiRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...