Malugod na inasikaso ni Lord Heran ang kanyang mga bisita. Hindi din niya inaakalang magiging pamangkin niya si Steffy. Sobrang proud siya sa kanyang sarili dahil nagkaroon siya ng malakas na pamangkin.
Habang si Spyd naman nagluluksa.
"Inuman tayo. Samahan mo ako." Nagsalin ng alak sa isang maliit na baso at ininom. Hindi naman mahitsura ang kanyang mukha matikman ang lasa ng alak. Ayaw na ayaw kasi niya ang amoy at lasa ng mga alak kaya hindi siya umiinom dati maliban ngayon.
"Aji, ano bang nangyayari sayo? Kararating mo lang galing sa misyon pero mukha ka ng namatayan." Nag-alalang tanong ni Spyn.
"Naglaho nalang bigla ang mga pangarap ko." Naiiyak niyang sambit.
"Pinsan ko pala siya. Pinsan." Sabay tingin kay Steffy na kausap ngayon si Heran at ang iba pa.
"Dapat nga matuwa ka din dahil may pinsan tayong napakalakas at isang pitik lang, talo agad ang mga kalaban. Ano bang pinagluluksa mo don?" Halos magtatalon pa nga siya sa tuwa matuklasang pinsan pala niya si Steffy tapos itong nakatatanda niyang kapatid parang namatayan.
"Inspired na inspired na ako at panay imagine ko sa shidang hinahangaan ko. Pinangarap at ninanais maabot pagdating ng tamang panahon pero ano? Pinsan ko pala?" Sabi niya at nagngawa na. Tinakpan naman ni Spyn ang bibig ng nakatatandang kapatid sa pag-aalang baka may makakarinig na iba sa mga pinagsasabi nito at masipa pa sila ng kanilang ama kapag malaman nito ang nararamdaman ni Spyd.
Ang mga estudyante naman ng Wynx Military Academy, isa-isang pinagmamasdang mabuti ang sampung mga kabataang tumalo sa kanila at sa mga mandirigma ng Raimon Kingdom.
Inaakala nila na sa Wynx Academy lamang matatagpuan ang mga kabataang malalakas at may kakaibang mga kakayahan pero bakit meron sa lugar na ito? Hindi na nga sila nakakagamit ng Mysterian ki paano pa kaya kung nakakagamit na sila ng Mysterian ki?
"Kapag ba dito tayo mag-aaral magiging kasing lakas na natin sila?" Tanong pa ni Yohan.
"Magsanay ka na muna ng ilang libong taon." Bara din sa kanya ni Yinsu.
Si Dero naman kanina pa kinukulit si Histon.
"Heneral, bakit di mo sinabing kapatid mo pala ang kamahalan este ang cute na shida? Sabihin mo nga bakit siya cute ikaw hindi?" Tanong na naman ni Dero.
"Oo nga Heneral, paano mo nagiging kapatid ang prinsesa ng Zaihan? Nagkunwari ka bang mamamatay na dati tapos nakita ka niya, tapos ginamot ka niya at bilang pasasalamat inampon niyo siya?" Panghuhula naman ni Lance.
"Magsitigil nga kayo. Hindi ba't panay lait niyo sa kanya dahil gusgusin siya tapos makasabi kayo ng cute ngayon parang natural na natural?"
Hindi agad nila nakilala kanina ang bagong mukha ni Steffy na wala ng alikabok at buhangin. Kundi lang sa tono ng boses at mga kilos nito na pamilyar masyado sa kanila hinding-hindi sila maniniwalang ang cute na batang humarap sa hari ng Raimon at ang gusgusing malahalimaw na batang nakatagpo nila sa Hanje ay iisa.
Bahagya namang napaisip si Histon maalala kung paano sila nagkakilala ni Steffy dati. Totoong muntik na siyang mamatay dati at si Steffy ang nagligtas sa kanya pero hindi siya nagpapanggap na mamamatay na. At inampon ng kanyang ama si Steffy dahil wala itong bahay o pamilyang matutuluyan sa Wynx Empire noon.
Flashback...
Hinanap ng mga kawal ng Hanja clan ang nawawalang tagapagmana ng mga Hanja hanggang sa matagpuan nila itong buhat-buhat ng maliit at napakagandang bata. Nagulat sila sa kakaibang lakas nito na nakayang buhatin ng maliit na katawan ang siyam na taong gulang na si Histon.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...