Steffy 111: Kawawang Lucid

979 76 4
                                    

"Wow! Galing. Pano mo yan nagawa? Paturo nga."

"Hindi ka ba talaga natatakot sa akin?" Tanong ni Kurt.

Kumurap-kurap naman si Steffy habang nakatingin diretso sa mga mata niya. "Am I hallucinating? I think I am under some charm spell. Bakit kasi naku-cute-tan ako sa lapastangang shidang ito e hindi naman siya kagandahan?"

"Hindi. Kasi ampoge mo." Sagot ni Steffy sa sinabi niya na ikinatikhim ni Kurt ng hindi sinasadya.

"Ganyan ka ba sa lahat ng mga estrangherong nakilala mo?"

"Oo. Lalo na pag kasing gwapo mo."

Dumilim agad ang mukha ni Kurt sa narinig. "Talaga namang walang kasing kapal ng mukha mo ano." Naiirita nitong sabi. "Isa lang pala ako sa mga lalaking pinuri niya?"

"Hindi makapal mukha ko. Wala lang akong hiya."

"At proud ka pa?"

"Matagal na." Kung kaya lang niyang patayin ang lapastangang shidang ito baka matagal na niyang ginawa. Hindi nga lang niya kaya.

Mayamaya pa'y narinig nila ang tawag mula sa himpapawid.

May mga paparating na mga kawal sakay ng mga magic beast. Mukhang may hinahanap.

"Kamahalan!"

"Kamahalan! Nasaan na po kayo?"

Rinig ni Steffy na tawag ng mga boses lalake.

"Kamahalan?" Sabay tingin kay Kurt.

"Hindi ako ang tinutukoy nila." Tanggi ni Kurt.

"Di ko naman sinabing ikaw. Defensive to." Sagot ni Steffy at naglabas ng isang maliit na bote mula sa space ring.

"Kailangan ko ng umalis. Baka kasi umiyak na ang pipit na yon." Pagkasabi niya non, tinapon ang maliit na bote kay Kurt.

"May internal injury ka na naman. Palage ka nalang ganyan. Makakatulong yan sayo." Sabi ni Steffy at tumakbo na palayo saka naglaho sa paningin ni Kurt.

Si Kurt naman nagtataka. Mukha ni Captain Dremin ang ginamit niya noong binihag nila sina Steffy. At nakamaskara din siya noong nagkatagpo ang landas nila sa forbidden forest kaya paanong nakikilala parin siya? Walang nakakahalata sa tuwing nagpapalit siya ng anyo pero bakit nakilala siya ni Steffy?

"Nakikilala ba niya ako?" Takang tanong niya at napatingin sa nasalong maliit na bote.

"Kamahalan. Nandito ka lang pala." Tawag ni Rinju at agad tumalon pababa mula sa sinasakyang magic beast.

Agad na ipinasok ni Kurt ang maliit na bote sa kanyang space ring bago tingnan ang kanyang mga kawal na kasama ni Rinju.

"Anong kailangan niyo?" Tanong niya kay Rinju.

"Kamahalan, ginamit mo na naman ba ang teleportation stone na galing sa munting Shida? Saan ka na naman nagpunta?" Nag-aalalang sabi ng bagong dating na si Shinju.

"Pinatawag ka ng Emperador. Ipapadala ka raw sa Perzeton para hanapin ang isa pang pinili. May senyales na nagpapatunay na may isang pinili sa Perzeton na nagising na ang kapangyarihan." Sabi naman agad ni Rinju.

Iilang pinili na ang naipon nila pero mas maraming pinili ang namatay na o ba kaya nakuha na ng mga Dethrin.

Tungkulin niya bilang chosen protector na protektahan ang mga piniling tagapangalaga ng abilidad at kapangyarihan. At kung may piniling tagapangalaga ang mamamatay, magkakaroon ng internal injury ang mga chosen protector at chosen guardian. Manghihina at mababawasan din ang mga taglay nilang kapangyarihan at kakayahan. Kaya kailangan nilang iligtas at protektahan ang mga piniling tagapangalaga.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon