Steffy 218: Vermin clan vs bratty gang

835 81 9
                                    

Pansin nila na halos lahat ng mga mata nakatuon ang tingin sa kanila. Sa lahat kasi ng mga grupo, at sa lahat ng mga clan na nandito, ang Wynx Academy lamang ang may mga kabataang nasa labing lima pababa ang edad. Lalo na sa grupo nina Steffy na maituturing na may pinakakaunting miyembro at may pinakabatang miyembro.

"Alam niyo ba yang mga tingin nila? Parang kakaiba." Sabi ni Shaira at nagtago sa likod nina Steffy at Izumi.

Naiilang siya sa mga tingin ng mga nilalang na di niya kilala. Hindi katulad ng mga Wynxian na binibigkas ang anumang nilalaman ng mga isip. Ang mga nilalang na nandito ngayon, manonood lamang at susuriing mabuti kung malalakas ba ang mga nakikitang mga Mysterian o hindi.

"Ganyan talaga kapag may kasama kayong kasing gwapo ko." Mayabang na sagot ni Rujin na ikinaikot ng mga mata ng mga kasama.

"May mga Hanaru at mga Dethrin." Mahinang sambit ni Aya. Napahigpit naman ang hawak nina Zion at ng iba pa sa kanilang mga sandata.

"Tingnan niyo, may mga Mizuto rin dito." Sabi ni Yuzin. Napahawak naman si Yuna sa kamay ng kapatid.

Nakaputing bota ang mga Mizuto na may mga puting pinong balahibo ang mga gilid ng bota ng mga ito. May mga mabalahibong scarf din ang nakapaikot sa kanilang mga leeg. Iilan sa kanila ay may mga sugat at halatang mula sila sa labanan bago dumating sa lugar na ito.

Iba't-ibang mga aura rin ang makikita at mararamdaman nila sa paligid. At kung bibilangin mahigit sampung libo ang mga Mysterian na naririto ngayon upang pumasok sa central area.

Napatigil sila sa paglalakad dahil sa grupong humarang sa kanilang daraanan. Ang grupo ng mga Vermin clan na binubuo ng mga isandaang mga master level na mga kabataang disipulo at tatlong daang mga grandmaster level na mga kawal.

Ang Vermin clan ay ang royal family na nagmumula sa Zi Kingdom. Isa sa mga maliliit na kaharian na kasama sa mga nasasakupan ng Wynx Empire. Pinaghaharian ang Vermin clan ni Haring Izenar Vermin. At ang lider ng mga humarang sa grupo nina Steffy ay sina haria Aviola ang pamangkin ng hari ngunit itinuring ng anak ngayon at si Icen na isang haran at ang panganay na anak ni haring Izenar. Siya ring nakatatandang kapatid ni Izumi.

"Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ng isang magandang babae kay Izumi.

Naikuyom naman ni Izumi ang kamao makita si haria Aviola. Ang pinsan niyang nagbinta sa kanya sa mga Dethrin.

Nang makitang hindi makasagot ang kaibigan, hinila ni Steffy si Izumi patungo sa kanyang likuran.

"Ikaw nga na panget nakapunta rito, ang kasingganda pa ba ng kaibigan ko?" Nakataas ang kilay na sagot ni Steffy.

Umusok naman ang ilong ni Haria Aviola sa tindi ng galit.

"Lapastangan! Wala kang galang sa mahal na haria." Sabi ng isang disipulo at itinutok ang hawak na spear kay Steffy. Kaya lang bigla na lamang itong tumilapon dahil sinipa pala ni Zion.

"Sino ka ring itutok iyang sandata mo sa haria namin?" Sagot din ni Zion sa nakahiga ng disipulo.

Akmang aatake ang iba pang mga desipulo ngunit itinaas ni Icen ang isang palad kaya tumigil sila.

"Izumi! Bakit nandito ka na naman?" Sigaw ni Icen sa kapatid. No'ng una kasi nagkita sila sa red forest tapos ngayon nandito na naman siya sa central area? Hindi na bilang isang Naicronian kundi bilang isang Wynxian.

Naikuyom naman ni Izumi ang kamao. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa mga tanong ng dating itinuring niyang pamilya. Nasasaktan parin siya kapag ganito ang pakikitungo ng nakatatanda niyang kapatid sa kanya. Hindi rin niya maiwasang malungkot.

"Wag mong itago ang kapatid ko. Problema ito ng pamilya namin kaya wag kang makialam. Mas mabuti pang ibalik mo nalang siya sa amin." Sabi ni Icen kay Steffy.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon