(Watch out from the numbers of every chapter of TBOTBCO you're reading. May posibilidad kasing hindi nagkakasunod-sunod ang mga chapter.)
***
Nanginginig ang mga kamay ni Haria Yumi sa tindi ng galit dahil sa ipinakitang ugali sa kanya ni Kurt.
"Kung hindi ka lang tagapagmana ng trono, hindi kita hahabul-habulin." Sambit niya sa isip habang pinagmasdan ang hallway'ng tinahak nina Kurt kanina.
Napatingin din siya sa kinaroroonan kanina ni Sioji at di niya alam kung nasaan na ang lalaki.
"Isa lamang siyang tagapagbantay at ang lakas niyang saktan at ipahiya ang tulad ko?" Sambit niya pa.
"Alamin niyo kung sino ang lalaking yon." Utos niya sa isa sa kanyang kawal.
Umalis naman agad ito para sundin ang utos ng amo niya.
***
Napakunot ng noo si Steffy makita ang bagong grupong dumating. At mas kumunot ang kanyang noo dahil bigla na lamang nagpasyang bumalik sa Hariatres ang prinsipe.
Nasa labas na sila sa gusali kung saan sila tumambay ng tatlong araw.
"Kamahalan, maari bang wag na muna tayong bumalik? Kararating ko lang at hindi pa ako nakakapamasyal sa kontinenteng ito." Sabi ni Haria Yumi in a spoiled manner.
"Kung gusto mong magpaiwan dito e di magpaiwan ka." Sagot ni Kurt na walang pakialam sa nararamdaman ng adopted cousin na ito.
"Dahan-dahan naman sa pananalita mo kamahalan. Gusto mo bang maparusahan ng Grand Empress?" Mahinang sambit ni Shinju.
Hindi umimik si Kurt at tiningnan na lamang ang grupo nina Steffy.
"Alam kong ayaw mong umalis dahil di mo alam kung kailan ulit kayo magkikita ng prinsesa mo." Tukso naman ni Rinju pero napayuko agad dahil sinamaan siya ng tingin.
Narinig naman ni Haria Yumi ang pinag-uusapan nila kaya tiningnan niya ng masama si Steffy.
"Wala naman maganda sa kanya a. Tagapagbantay na nga lang inakit pa ang prinsipe ng Wynx Empire?" Mas sumama ang tingin dahil kausap ni Steffy si Sioji.
"Kaya pala ayaw niya sa akin dahil sa panget na shidang iyan? Kung magiging Emperatris na ako ng Wynx ipapahanap ko ang shidang ito at papahirapan." Napangiti pa siya sa mga eksenang pumasok sa kanyang isip.
"Ano bang ginawa kong masama sa kanya at pakiramdam ko gustong-gusto na niya akong kainin?" Tanong ni Steffy na ngayo'y hindi kayang magbasa ng isip.
"May balak siyang masama sayo. Kundi lang sa mahina siya kanina ko pa siya tinuruan ng leksyon. Huwag nalang nating pansinin. Tingnan nalang natin kung ano ang kayang gawin ng katulad niya sa hinaharap. Mas challenging iyon." Sabi naman ni Sioji kaya di na nila pinansin ang prinsesa.
Ipinaalam ni Rinju sa lahat ng mga misyonaryo na ang gustong magiging escort parin ng prinsipe hanggang sa makabalik sa Hariatres ay magsihanda dahil maglalayag na sila patungong Hariatres.
Nagsitalunan naman sa tuwa ang ibang mga misyonaryo dahil sa wakas makikita na nila ang kontinenteng pinakamaunlad at pinakamalakas sa lahat. Higit sa lahat, magiging kawal pa sila ng prinsipe ng Wynx. Sa kabila ng excitement batid nilang marami at malaki ang panganib na dulot sa pagiging kawal ng isang prinsipe ng Wynx.
Handa na ang lahat patungong Airship port nang may napansing hindi maganda ang grupo ng Kids team.
"Parang may mali." Napakunot ang noo ni Steffy.
"May mali talaga. May mali kasi ang sama ng tingin sayo nong prinsesa daw nila." Sagot naman ni Rujin.
"Hindi yon. Wala ka bang nararamdaman o talagang mahina ka lang?" Sagot naman ni Geonei.
"Sisihin niyo sa suot ko." Sagot naman ni Rujin sabay turo sa suot na damit. Humina kasi ang pakiramdam niya sa paligid magmula noong pasuotan sila ng pampigil ng kapangyarihan. Pati ang sixth senses niya humina rin.
"Lahat naman tayo a, may suot na pampigil ng kapangyarihan." Sagot ni Geonei.
"Wag na nga kayong magtalo diyan." Awat ni Hyper.
Tumigil sila sa pagtatalo makitang nilapitan ni Steffy si Kurt.
"Maari naman kayong sa portal na lamang dumaan hindi ba?" Tanong bigla ni Steffy.
Nagliwanag naman ang mga mata nina Shinju at Rinju maalalang may teleportation stone nga pala si Steffy.
"Pwedeng-pwede pero dapat yung katulad sa teleportation stone mo. Kaya kung meron ka pa non baka maari mong..." Napakamot si Rinju sa ulo. Ngayon lang niya napansin na mahihiya din pala ang tulad niya.
Tumikhim naman si Kurt. Iyon lang naman ang hinihintay niyang sasabihin ni Steffy e.
"Maaari naming bilhin kung gusto mo. Kahit magkano pa." Sabi naman ni Kurt mapansing namumula ang tainga ng bantay siya sa hiya.
"Paano kung sasabihin kong lahat ng perang dala mo ang kapalit?" Kumislap pa ang mga mata ni Steffy makaalala ng sandamakmak na pera.
Napanguso si Steffy dahil singsing na naman ang ibinigay sa kanya.
"Diyan nakalagay lahat ng pera ko. Ilagay mo nalang yan sa space ring mo. Wag mo ng suotin, wag kang mag-alala, sa susunod wedding ring na ang ibibigay ko sayo." Biro ni Kurt na ikinaasim ng mukha ni Steffy.
Pero natigilan siya dahil sa kakaibang presenyang nararamdaman. Maging si Kurt natigilan din.
"Titingnan ko lang." Sabi ni Aya at tinanggal ang laso sa buhok bago umalis para alamin kung saan nanggaling ang kakaibang presensya. Sumunod naman sina Izumi at Shaira.
Kumuha naman si Steffy ng dalawang teleportation stone. Hindi ito pula kundi transparent.
"Kaya nitong mag-transport ng higit sa isandaang katao. Ngunit isang beses lamang nagagamit ang isang piraso nito.
Nagulat na lamang ang lahat dahil sa bigla nalang naging yelo ang isa sa mga kawal ni Haria Yumi.
Kasunod nito ay may mga yelong kasing laki lamang ng sinulid ang patungo sa kinaroroonan nila.
Agad hinila ni Kurt si Haria Yumi dahil sa yelong patungo sa gawi niya. Ang sinumang matatamaan ng yelong ito ay magiging yelo sa loob lamang ng ilang segundo at wala ng pag-asang magiging tao pang muli.
Nakagawa naman agad ng mga shield at barrier ang mga misyonaryo. Kaso nagiging yelo rin ang mga shield nila kahit gawa pa ito sa ibang elemento. Kahit ang mga gawa nilang mga elemental barrier ay nagiging yelo din maging ang nilikha nilang fire barrier.
Nagkakaroon tuloy ng pader na yelo sa kanilang paligid. Ngunit maging ang lupa'y nagiging yelo din at unti-unti itong kumalat sa buong paligid patungo sa kanilang inaapakan.
"Mamamatay na ba tayo nito?" Sambit na lamang ng mga misyonaryo. Hindi naman sila katulad sa mga taga-norzian na nakakalutang. Hindi rin sila katulad ng mga Superian na tinutubuan ng mga pakpak at nakakalipad.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...