Kung sina Aya na nag-iinit na ang ulo sa panunubok ng mayabang at mapagmataas na gurong ito, si Steffy naman, kumislap ang mga mata dahil nakatagpo din siya ng nilalang na gusto niyang inisin at galitin ng husto.
"Talaga po? Pero bakit di parin po kayo nagigising?" Sagot ni Steffy na ikinausok ng ilong ni Gurong Leno.
"Pfft." Napayuko si Sioji na natatawa na ngayon habang nakataas ang isang thumb bilang pagsuporta sa pinsang tingurian niyang pinakamagaling manubok at mang-inis. Mukha lang itong inosente ngunit kapag nagsasalita na'y sarap lang paluin.
Kahit ang ibang manonood ay napapatawa ng palihim.
"Bakit ba ang galing magpainit ng ulo ang mga batang ito? Kalma lang Leno. Kalma lang. Mapapahiya rin yan mamaya." Sambit niya pa sa isip.
"Mabuti pang magsimula ka na." Walang emosyon niyang sabi kay Steffy.
"Ito po." Sambit ni Steffy. Kinuha ang throwing stars at itinapon.
Hinintay ng lahat ang pagtama nito sa target board ngunit dalawang minuto na lamang ang lumipas, wala paring tumarak sa target board.
"Sabi ko na nga e mga wala silang alam."
"Ni wala ngang pumasa kahit isa sa kanila."
Ang sambit ng iilang estudyante na lalong ikinangiti ni Gurong Leno.
"Paano yan?" Binigyan niya ng 0 na puntos si Steffy. Pero may kung ano siyang nararamdaman.
Napataas ang kilay ni gurong Leno makitang nagpipigil sa tawa ang mga estudyante sa kanyang likuran. Kahit si Steffy ay natatawang pinagmamasdan siya.
"Ayos lang yon. Kaysa naman mabibigyan ako ng isang puntos sa gurong katulad mo. Baka iisipin kong napakahina ko na nga talaga kung ikaw ang makapagbigay ng puntos sa akin." Sagot niya at nagkibit balikat.
Dahil narinig na naman ang katagang ito sa ikalawang pagkakataon, lalo lamang nagalit ang guro na palang-pula na ang mukha. Gustong-gusto na niyang sugurin ang mga kabataang ito para maturuan ng leksyon. Kung nagagamit lang niya ang Mysterian energy niya kanina pa sana niya inatake ng palihim ang mga kabataang ito.
Naglakad na pabalik sa inuupuan si Steffy nang mapansin ni gurong Leno na humapdi at sumakit yata ang kanyang pang-upo. Kaya sinilip niya ang likuran at nakita ang limang throwing stars na nakabaon sa kanyang pang-upo. Muntik pa siyang mapaupo sa natuklasan, kaya lang di siya maaaring umupo. Baka kasi bumaon lang lalo ang pekeng throwing stars na ito.
"Ikaw. Bakit mo pinatama sa akin ha?" Sigaw niya na nanginginig ang mga kamay habang nakaturo kay Steffy.
"Bakit di mo itanong kung paano tumama sa likuran mo e nakatalikod ako sayo habang nakaharap ka sa akin? Saka sa ibang direksyon ko tinapon di ba?" Sagot ni Steffy at nginitian ng nang-aasar si gurong Leno.
"Ikaw. Bumalik ka dito." Sigaw pa ng guro.
Nilabasan lang siya ng dila na mas ikinagalit niya.
"Ilapit niyo sa akin ang batang yan at tuturuan ko ng leksyon." Sigaw niya pa ngunit napapangiwi din sa sakit.
Pinakalma na muna nila si gurong Leno at ginamot narin ito ni Lord Hisren para makapagsimula ng muli.
"Kita niyo po ang ginawa niya sa akin? Kaya bakit hindi niyo siya parusahan?" Nanginginig ang boses na sigaw ni gurong Leno. Nanginginig hindi dahil sa takot kundi dahil sa kakapigil sa tindi ng galit.
"Pekeng throwing stars ang binigay mo. Sa tingin mo, sino ang dapat parusahan?" Bulong ni Lord Hisren sa kanya.
"Kung malalaman ng lahat itong ginawa mo, masisira ang reputasyon ng Wynx Academy. Kaya kung maaari, umayos ka na at nang matapos na ang oras mo dahil may iba pang susubok." Sagot ni Lord Hisren na ikinaputla ni Gurong Leno.
Isa-isa kasing magbibigay ng mga pagsubok ang anim na mga gurong galing sa Wynx para patas ang pagsubok na ito. Kapag aabot sa apat ang boto nina Steffy, makakapasa sila. At si Gurong Leno ang mauunang magbibigay ng pagsubok sa kanila.
Bumalik narin sa dati ang lahat. Tapos na ring makapagpalit ng maisusuot si Gurong Leno dahil nabutas ang pang-ibaba niya kanina. Naghilom na rin ang kanyang sugat.
Si Shaira na naman ang sumunod.
"Kung kaya mong paglahuin ang mga kristal na ito papasa ka sa akin." Sabi niya kay Shaira at tinuro ang maliliit na mga bolang kristal na nakasabit sa leeg niya. Ginawa kasi itong kwintas. Isang ability nullifier ang mga kristal ng kwintas na ito kaya kampante siyang hindi magagawa ni Shaira ang ganoong bagay.
"Hindi ba't isang nullifier ang mga kristal ng kwintas na iyan?" Tanong ni teacher Fernan.
"Imposibleng may papasa sa mga batang ito kay Gurong Leno kung ganon. Mga imposible kasi ang ipinapagawa niya." Sagot naman ng ni Gurong Frendel.
Inaasahan nilang magrereklamo din si Shaira katulad nina Arken at Aya ngunit natatawa ito na mukhang may naiisip na nakakatuwang bagay.
"Parang iba ang kutob ko diyan. Kasi nong tumawa yung pangatlong susubok kanina may nangyaring di maganda kay Gurong Leno." Di pa man natapos ni Gurong Frendel ang sinasabi nang makitang napatakip ng mga mata ang ibang mga estudyante at may napasigaw pa.
Naka-smirked naman si Gurong Leno dahil hindi naglaho ang kwintas niya.
"Pano yan? Bagsak ka." Pero natigilan dahil may mga napasigaw at nagtatakip pa ng mata. Nagtataka siya at sinundan ng tingin ang tinitingnan nila. Bumaba ang kanyang paningin sa katawan.
"Waah!" Sigaw niya sa gulat makitang nakahubad na siya.
"Di ko po kayang paglahuin ang kwintas niyo kaya ayos lang kung bagsak ako." Sagot ni Shaira at bumalik na rin sa inuupuan.
Hindi naman alam ni Gurong Leno kung saan maghahanap ng maitatakip sa katawan. Tanging underwear lang kasi niya ang natitira.
"Yung kasuotan ko! Asan na!" Panay hanap niya sa naglahong suot kaya lang nararamdaman naman niyang nasa katawan parin niya ito pero bakit di niya nakikita at lantad na lantad pa ang kanyang katawan?
Gusto na niyang ibaon ang katawan sa lupa ang magtago sa sobrang hiyang nararamdaman. Gusto niyang himatayin na lamang kaso hindi naman siya nahihimatay.
Agad naman siyang tinakpan ng kasamahan niyang mga guro at itinigil na muna ang nasabing pagsubok.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...