Steffy 205: Pagbabalik nina Histon at iba pa

858 76 12
                                    

"Steffy. Steffy. Alam mo ba? Alam mo bang napakagwapo nong healer nila? Para siyang hindi Mysterian. Tapos ang ganda-ganda din nong babaeng healer. Sa tingin mo, may lahi kaya silang Chamnian?" Halos yugyugin na ni Asana si Steffy sa excitement magkwento.

Ito yung kalmado lang kanina a, pero bakit kulang nalang magtatalon sa tuwa ngayon?

Kailangan lang talaga ni Asanang kalmahin ang sarili baka pati siya magpapanggap na ring may sakit para lamang makalapit sa dalawang healer. Kailangan kasi ng nag-iisang matino sa grupo ng mga baliw para magbabantay sa mga ito. Kaya pinigilan niya ang sarili kanina. Sa totoo lang, parang gusto niyang magpa-autograph sa dalawang healer na yun. Ang lakas kasi ng mga charisma nila.

"Siguradong nakita ko na iyang tinutukoy mo. May nakita din kasi akong healer na may kakaibang aura. Ngunit isa siyang Hanaru." Sagot ni Steffy. Ikinuwento niya sa mga kaibigan ang tungkol sa kanyang natuklasan tungkol sa dalawang Hanaru na nakita niyang palihim na nag-uusap.

Nagkwento na rin ang mga kaibigan tungkol sa kanilang natuklasan.

"Pano yan? May mga Dethrin pala dito?" Nag-alalang tanong ni Shaira.

"Di mo ba sasabihin sa stepdad mo?" Tanong ni Sioji. "Kailangang malaman din nila ang totoo."

"Pinsan mo ako kaya tawagin mong uncle ang stepdad ko." Sabi ni Steffy.

"Bakit ko ba gagawin yun?"

"Kasi magpinsan tayo."

"Ayoko." Sagot ni Sioji at ibinaling pa ang mukha sa ibang direksyon.

"E di na rin kita pinsan." Sagot ni Steffy sabay pihit sa mukha sa ibang direksyon.

"E di hindi." Sagot din ni Sioji.

"Bakit biglang sumungit ang isang to?" Sambit ni Steffy at napanguso.

"Panay sambit kasi ng isa diyan sa pogeng healer. Baka iyon ang dahilan." Pamparinig naman ni Aya.

"Anong konek?" Nagtatakang tanong ni Steffy.

"Ewan ko sayo. Magpinsan nga kayo. Parehong slow." Sagot ni Aya at lumayo-layo kunti kay Steffy.

"Ano ding konek don?" Tanong ulit ni Steffy at napakamot pa sa ulo.

Dumating si Arken na kasama si Jewel.

"Bakit ang tagal niyo namang nakabalik?" Tanong ni Steffy.

"Pasensya na. Ito kasing si Jewel, nakita si Jaino at ang mga kaibigan nito na naliligo sa sa may hot spring." Sagot ni Arken at kinuwento kung ano pa ang nangyari.

Ninakaw ni Jewel ang mga kasuotan ng mga ito at hinulog sa lugar kung saan may mga putik bago umalis. Habang pabalik kay Arken, natanaw niya mula sa himpapawid na may gustong sumampal kay Lenera kaya naman inipotan ni Jewel saka bumalik kay Arken.

"Balak kasi ng pamangkin ng Emperatris na yun na saktan kayo. Gagawin daw nila yun kapag magkakaroon na sila ng pagkakataon." Sabi agad ni Jewel sa takot na baka maparusahan ni Steffy.

"Bakit sa putikan lang? Dapat umipot ka din sa paliguan nila." Sagot ni Steffy.

"Wag mo ngang tinuturuan ng masamang asal ang bata?" Suway ni Asana at dinampot si Jewel mula kay Arken. "Dapat nilagyan mo nalang ng sili ang mga kasuotan nila. Yung di nila nalalaman tapos kapag susuotin na nila, tiyak na maiiyak sila sa init at anghang ng pakiramdam."

Magkakaibigan: "..." Saan ang mabuting asal diyan?

Pansin nilang may mga sasakyang panghimpapawid ang nagliliparan sa himpapawid. Bumababa ang mga ito sa isang bahagi ng Wynx Academy. Malayo sa kinaroroonan nina Steffy. May nakikita rin silang mga Mysterian na nakasakay sa kanilang mga flying artifact at mga flying beast. Bumababa ang mga ito sa iba't-ibang parte ng Wynx Academy.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon