Pinagmasdan ni Steffy ang nakahandusay na Chamnian. Sa palagay niya mas matanda lang ito ng dalawang taon sa kanya.
"Wow! Ampoge ni Kuya. Kahit nagkaalikabok na." Kumuha siya ng isang bote ng healing potion sa kanyang space pouch at pinainom sa walang malay na Chamnian.
"Yunic! Nalunok kaya niya?"
"Hindi ko alam. Wala siyang malay e." Sagot naman ni Yunic.
Ilang sandali pa'y napansin nilang unti-unting naghilom ang sugat ng Chamnian hanggang sa mabalikan na rin ito ng malay.
"Galing talaga ng healing potion na to." Pinagmasdan pa niya ang puting maliit na bote na may pulang likido sa loob. May sangkap ng halamang incenia ang healing potion na ito.
"Sino ka? Bakit mo ako iniligtas?"
Napakurap-kurap lamang si Steffy. Pamilyar na pamilyar sa kanya ang hitsura maging ang mga mata ng Chamniang ito.
Hindi na nasagot ang tanong ng Chamnian na ito nang maalala ang mga sugatang mga ordinaryong mga Mysterian sa pamayanang ito.
Isa-isa niyang ginamot ang mga bata, matatanda at mga lalaki't babae na sugatan.
"Salamat munting shida."
"Salamat sa tulong mo."
Matapos gamutin ang ilang mga sugatan, napatingin siya sa mga nasusunog na mga kabahayan.
Hindi niya napigilang kumawala ang kanyang aura makita ang mga kabahayang tinutupok ng apoy.
"Sunugin siya!"
"Patayin ang mga masasama!"
"Sunugin ang pinuno nila."
Iyon ang mga ala-alang bigla nalang pumasok sa kanyang isip.
"Kahit ilang ulit kong binubura ang mga alaalang iyon sa aking isip, muli ko paring maaalala kapag nakikita ko ang mga bagay o pangyayaring may pagkakapareho sa mga alaalang ito." Sambit niya at napapailing na lamang.
Ang mga mamamayan na nasa gitna ng pagpapasalamat ay napaluhod na lamang bigla dahil sa mabigat na presensyang nararamdaman nila. Nagtataka kung bakit bigla na lamang nagalit ang munting shidang nagligtas sa kanila habang nakatingin sa nag-aapoy na mga kabahayan.
"Sila ba? Sila ba ang nais mong iligtas? Sila na mga nilalang na nagnanais pumatay sayo? Sa mga lahi natin?" Ang naalala niyang sambit ng Tito Kiel niya habang yakap ang piraso ng damit na naiwan ng yumaong asawa noon.
Napayuko si Steffy maalalang muli ang nakaraan. Ang pighating naramdaman niya at ng Tito Kiel niya noon nang makitang tinutupok ng apoy ang katawan ng asawa.
"Ang lugar na ito. Naalala ko na." Sambit niya at napaatras.
Ito ang unang kaharian ng mga Hanaru. Ito rin ang isa sa dating mga tirahan ng mga Mysteriang may lahing Chamnian at iba pang clan. Dito naninirahan ang mga Mysteriang may mga mixed race noon na hindi tinatanggap ng ibang lahi.
Tinugis ng mga Mysterian ang mga naninirahan dito noon. Mula bata hanggang sa matatanda. Walang pinalampas. Sinunog ang kanilang mga tahanan. Winasak ang kanilang palasyo at tinugis ang mapagmahal na reyna na walang kasalanan. Pinakulong ang hari ngunit nakatakas rin ito sa huli at siya na ngayong namamahala sa kontinente ng Celeptris. At kilala na ring pinakadakikang mananakop sa ngayon.
Ang lugar na ito ay ang pinakamagandang lugar noon na may magagandang tanawin at maituturing na munting paraiso sa Hariatres pero nagiging isang disyerto na ngayon. Para mahuli ang reyna ng mga Hanaru na itinuturing na piniling tagapagwakas noon, nilusob nila ang lugar na ito. Alang-alang sa kaligtasan ng kanyang mamamayan, handang isakripisyo ng reyna ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...