"Ano bang ginagawa niyo dito ha? Saka bakit kayo nakarating dito?" Tanong ni Luimero.
"Hinahanap namin si Steffy." Sagot ni Asana at ikinuwento kung bakit napadpad si Steffy sa Exiled land.
"At ikaw Steffy, ano namang ginagawa mo sa Exiled land?" Gusto na tuloy sapukin si Steffy makitang natutulog na ito sa mesa niya.
"Talaga namang ang sarap batukan ng batang to. Sinabi ng wag matulog sa kung saan-saan." Sambit na lamang niya.
"Ele, bakit ka nga pala nandito? Sabi ni Lolo Don ka daw sa Hanje di ba?" Tanong ni Sioji.
"Nong hindi pa lubusang nasakop ng mga halimaw ang Hanje City pero napadpad ako dito dahil natuklasan kong may isang ako pa sa lugar na ito. Nanatili muna ako rito pansamantala, para tulungan silang panatilihin ang seguridad sa lugar na ito habang magulo pa sa Hanje." Sagot ni Luimero.
Ang Servynx City kasi ang pinakamalapit na syudad sa Hanje City kaya naman nag-alala ang mga taga-Servynx na baka ito na naman ang susunod na aatakehin ng mga halimaw. Dahil dito, humingi ng tulong ang City owner sa Naicron Academy nang malamang nagbabalik na ang mga Naicronian. At si Luimero ang dumating.
"Pupunta dito si Master Hisren upang subukan lahat ng mga kabataang may mga talento para sanaying mabuti." Sabi ni Luimero at ilang sandali pa'y napatitig sa kanila.
"Ayoko ng titig na yan Ele, nakakakilabot." Sabi ni Rujin na niyakap pa ang sarili.
"Kung wala silang makikitang talented students sa Servynx Academy ipapasara na ang paaralang ito."
"Po? Pero bakit po?" Tanong ni Aya.
"Hiniling ng Wynx Empire na ang lahat ng mga paaralan sa Hariatres kailangang makapagpadala ng higit sa sampung mga talentadong estudyante. Ang mga paaralang hindi makakapag-produce ng higit sa sampung talentadong estudyante na papasa sa mga challenge nila ay hindi na maaaring buksan pa. May limang estudyanteng posibleng makakapasa pero kulang sila." Paliwanag ni Luimero.
"Kaya naman pala nagsagawa sila ng entrance exam para makahanap ng mga talented Mysterian sa lugar na ito." Sagot naman ni Asana.
"Pero dahil nandito na kayo, wala na akong problema. Sandali. Tatawagin ko lang ang mahal na hari." Sabi ni Luimero at mabilis na kinuha ang miliphone.
Isang imahe ang lumitaw sa ibabaw ng parisukat na miliphone. Mukha ito ng hari ng mga Arizon.
"Alam ko na ang pakay mo kaya wag mo ng sabihin. Pumunta sila diyan di ba na hindi hiningi ang pahintulot ko, kaya ayos lang kung isali niyo sila sa examination na gagawin nina Hisren. Marami silang matututunan lalo na kapag si Hisren ang magtuturo sa kanila."
Sabay-sabay namang parang binagsakan ng langit at lupa ang magkakaibigan.
"Mag-aral na naman?" Reklamo ni Sioji.
"Bakit? Gumraduate na ba kayo? Tinakasan niyo nga ang klase niyo dito tapos ngayon magrereklamo ka?" Sagot ni haring Yuji.
Napanguso na lamang si Sioji.
"Gusto ko ng tumanda para hindi na ako pipiliting mag-aral." Sambit na lamang ni Sioji. Nagsisi siya kung bakit ang tagal nilang tumanda.
"Kung gusto mong matagpuan ang mga magulang mo, kailangan niyong maging malakas. Higit sa lahat, kailangan niyong makuha ang 7 treasures and the five invincible stones ng Mysteria."
"Seven treasures? Ano po yon kamahalan?" Tanong ni Geonei.
"Ang seven legendary treasures ay ang mga sinaunang makapangyarihang sandata na pinagmamay-ari ng maylikha nitong mundo ng Mysteria. Ang isa ay ang gintong espada na nasa Wynx Empire ngayon. Ang pangalawa ay ang destruction swords na tanging ang itinakdang tagapagwakas lamang ang makakahawak. Ang pangatlo ay ang kampilan na hindi natatablan ng kahit anong uri ng bagay o ng kapangyarihan."
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...