Steffy 176: Anak ng Dean ng Wynx Military Academy?

810 75 8
                                    

Namangha ang lahat dahil hindi man lang nakatama si Gurong Chan kahit isang beses. Nakasampung atake na ito.

Tumalim ang mga tingin ni Gurong Chan at nagseryoso na ito sa laban. Nagbago ang kanyang aura at makikitang nagiging hugis tigre ang aurang nakapaligid sa kanyang katawan. Parang tigers claw na rin ang porma ng kanyang mga daliri. Ang sinumang matatamaan ng kanyang mga mga daliri ay siguradong matatanggal. Na kahit ang matigas na bato ay kayang basagin at punitin. Wala na kasing ibang nasa isip niya ngayon kundi ang matalo si Rujin at wala na siyang pakialam kung mapatay man niya ito gamit ang kanyang fighting technique na ito.

Kaya lang, hindi man lang siya makakatama. Higit sa lahat, mukhang wala yatang kapaguran ang batang ito. Kanina pa kasi iniiwasan ni Rujin ang bawat atake ni Gurong Chan, pero di man lang pinagpapawisan ni di man lang nagbabago ang bilis ng kilos.

"Bakit hindi ka man lang umatake pabalik? Sabihin mo lang kung di mo kaya." Sabi niya kay Rujin.

"Nag-alala lang ako na baka himatayin ka agad. Di pa naman kita napaglaruang mabuti." Sagot naman ni Rujin at kasunod non ang pagtilapon ng kalabang guro.

Hindi man lang napansin ni Gurong Chan ang palad ni Rujin na bigla na lamang tumama sa kanyang tiyan na ikinatilapon niya palayo sa kinaroroonan ni Rujin. Malalaglag na sana siya sa stage nang may tumamang paa sa likuran niya at tumilapon ulit siya pabalik sa gitna ng stage.

Halos mapatayo ang lahat makitang bigla na lamang naglaho si Rujin mula sa kinatatayuan at sumulpot sa likuran ng papalaglag na sanang guro kanina. Ang bilis ng mga kilos nito aakalain ng sinumang nanonood na nagteleport siya, iyon pala'y tumakbo lang ng mabilis para maibalik sa gitna ng stage ang guro.

Napaluwa ng dugo si Gurong Chan at gulat na napatingin kay Rujin.

"Ang batang to, hindi na Mysterian. Halimaw siya." Sambit niya. Alam niyang walang nakakagamit ng Mysterian ki sa lugar na ito. At di gagana ang mga special ability tulad ng superspeed sa lugar na ito pero bakit ang bilis pa rin ng kilos ni Rujin sa kabila ng hindi nito nagagamit na Mysterian ki? Bakit nagagamit nito ang kanyang special ability sa kabila ng restriction ng lugar na ito?

"Hindi dahil di namin kayang gumamit ng Mysterian ki sa lugar na ito, mahihina na kami. At di dahil nagtuturo ka at hinahangaan ng tinitingalang paaralan basta mo na lamang hinahamak ang paaralan ng iba. Oo malakas ka. Pero sa mundong ito, hindi lang ikaw ang malakas. At marami pang mas malakas sayo o sa akin na hindi lang natin nakakaharap pa." Sabi ni Rujin na siniguradong cool siyang tingnan sa bilog na device na ginamit ni Sioji bilang video recorder.

Pinilit ni Gurong Chan na tumayo at inilabas ang kanyang espada.

"Akala mo ba madali lang akong talunin? Nagkakamali ka." Sabi niya at muling inatake si Rujin.

Ang kanyang espada ay isang magical weapon na may sariling consciousness. Nakakonekta ang consciousness nito sa kung ano ang iniisip ng may-ari.

Balak ni Gurong Chan na hatiin sa dalawa ang katawan ni Rujin, kaya iyon din ang gustong gawin ng espadang ito.

Ngunit palagi pa ring nakakaiwas si Rujin.

"Masama lang ang ugali ng gurong ito kanina, pero hindi sa puntong napakasama niyang nilalang na pumapatay ng walang dahilan. Pero dahil sa ginawa ni Rujin, nabalot na ng galit ang puso niya. Kanina gusto lamang niyang turuan ng leksyon si Rujin pero ngayon balak na niya itong patayin." Iyon ang nasa isip ni Steffy habang nanonood sa laban.

"Kung ganon, posibleng may mga kalaban ngang makakapasok sa lugar na ito. Hangga't may kabutihan pang natitira sa puso nila malaya silang makakapasok. Maliban lamang kung puro na lamang mga kasamaan ang nasa kanilang puso, iyon lamang ang hindi makakapasok." Bahagyang nakaramdam ng pag-alala si Steffy maisip na posibleng makakapasok sa lugar na ito ang mga Dethrin dahil hindi naman lahat ng mga Dethrin masasama. Kadalasan sa kanila mga biktima lamang at napipilitang sumunod sa mga utos ng mga nagkokontrol sa kanila.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon