"Aaaaaah!" Ang umalingawngaw na sigaw ni Karl habang papabagsak ang kanyang katawan sa lupa.
Nanlaki naman ang mga mata ng dalawang kawal. Pinabantay pa naman sila sa lugar na ito para matiyak ang kaligtasan ng mga naninirahan dito lalo na sa dalawang prinsipe ng Wynx Empire. Pero ngayon wala silang magawa. Pinilit nilang makawala sa vines na nakapulupot sa kanila na naging dahilan ng lalong pagbaon sa mga tinik nito sa kanilang mga balat at laman.
"Kamahalan!" Sabay-sabay nilang sigaw.
Parami ng parami na rin ang napapagawi sa lugar na ito dahil sa sunod-sunod na mga sigaw na nagmumula dito.
Agad namang nakalikha ng water bubbles si Karl at bumalot ito sa kanyang katawan at dahan-dahang bumaba sa lupa. Nakatayo parin siya nang tumapat ang mga paa sa lupa.
"Anong ginawa mo lapastangan!" Nakatagpo ang kilay niya habang tinatanong ang pinaghihinalaan niyang salarin. Kaya lang nagulat siya nang makita si Steffy. "Ikaw?"
"Yes?" Kukurap-kurap na sagot ni Steffy.
Isa kasi si Karl sa mga naka-hood na nakasabay nila sa pagpunta nila sa Wynx Academy. At ang siyang inaagawan lage ng pagkain ni Steffy.
"Bakit mo ako hinila pababa? Aish! Yung buhok kong halos isang oras kong inayos nasira na naman?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Karl. Sayang kasi ang kanyang effort, sinira lang ng pasaway na binibining ito.
"At ano to? Bakit mo iginapos ng halaman ang dalawang ito?" Tanong niya makitang nakagapos na ang dalawang bantay. Napatingin din siya sa vines na nakapulupot sa mga braso at baywang niya. "At ito pa. Bakit mo ako hinila pababa?"
"Wag ako tanungin mo. Yang vines kaya ang nakapulupot sayo." Sagot ni Steffy na napanguso. Di naman niya sinabing igagapos ng vines na ito si Karl, yung vine naman yung kusang umikot sa baywang ni Karl a.
Saka sinubukan lang niyang ituro sa itaas ang kanyang daliri kung may lalabas bang vines dito, hindi ang mangidnap ng lalake. Gwapo pa naman.
Napangiting bigla si Steffy. "Mukhang nakopya ko nga ang kapangyarihan ni Lucid at nagagamit ko din. Kaya lang di ko alam kung paano kontrolin." Sambit niya pa. "Pareho pa kami ng taste ng vines na ito, mahilig din sa gwapo." Lalo namang lumawak ang kanyang ngiti sabay tango pa habang nakatingin sa mga vine na nakapulupot kay Karl.d
"T*nga ka ba? Ikaw ang nagkokontrol sa vines na to tapos di mo alam kung bakit nakapulupot na ito sa katawan ko?" Hindi makapaniwalang tanong ni Karl. "Tanggalin mo ito ngayon din." Utos niya.
Naglabas na si Karl ng ice blades at wind blades at pinatama sa langyang halamang ayaw siyang pakawalan, pero wala ring silbi at mas humigpit pa ang pagkakagapos ng vines sa katawan niya. Ginamit na niya ang kanyang lakas para mapigtas ang vines na ito pero ayaw parin. "Ano ba. Alisin mo na ito." Utos niyang muli makitang may mga estudyanteng papalapit sa gawi nila.
Ayaw niyang malaman ng iba na vines lang hindi na niya kaya? Isa itong malaking kahihiyan sa Wynx Empire royal family.
"Si Prince Karl iyan hindi ba?" Tanong ng paparating na babae.
"Tingnan niyo. Ang ikalawang prinsipe."
"Ano bang nangyayari? Bakit mukhang nakahubad yata ang ikalawang prinsipe?" Tanong ng isa pa.
Mga grupo ito ng mga senior students na inatasang maghanap sa sampung bratty students na dinala sa kung saan ng sampung giant hawks. Hindi nila inaasahang makikita nila ang prinsipe ng Wynx Empire na nakatuwalya lamang.
"Di ko alam kung paano." Sagot ni Steffy kay Karl.
Hindi kasi niya alam kung ano ang gagawin para matanggal ang mga vines na nakapulupot sa katawan nina Karl, Esan at Evan. Alam niyang makipaglaban at hindi ang tanggalin ang mga bagay na maituturing na ring atake niya. Hindi niya alam kung paano tanggalin ang mga vines na ito.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...