Steffy 157: New City Lord

797 60 4
                                    

"Hindi parusa ang ibinibigay sa mga nilalang na gustong magbago kundi pagkakataon. Ang parusa ay para lamang sa mga nilalang na walang balak magbago bilang isang leksyon." Ang mga katagang ito ay ang katagang narinig ni Steffy sa utak niya kaya niya iyon binigkas. Mukhang may nagtuturo sa kanya kung ano ang dapat sabihin kay Rud.

"Pero bakit ako? Paano niyo po natitiyak na gusto kong magbago?" Wala naman siyang pinakitang nagpapatunay na gusto niyang magbago.

"Nakita ko ang nakaraan mo. Ang pag-alala base sa tibok ng puso mo nang maglakad ako palapit sa gawi niyo. At narinig ang nilalaman ng isip mo." Paliwanag ni Steffy.

Alam niyang hinarang siya ni Rud hindi upang saktan kundi upang takutin. Inaakala na kapag matakot si Steffy hindi na ito magpapatuloy sa gawi nila.

Sa pag-alalang matulad si Steffy sa mga biktima ng mga Hanjenian na ginawa na ngayong mga Deijo Monster.

Si Rud naman natahimik. Totoo naman kasing wala siyang balak na masama kay Steffy. Dahil kung meron pa, hindi na siya mag-aaksaya ng oras upang harangin ito. Hahayaan na lamang niyang makalapit sa kanilang kinaroroonan si Steffy.

"May busilak kang puso sa kabila ng mabangis mong anyo. Alam kong hindi lang kayo ang mga naririto. Gusto kong pamahalaan mo ang Hanje at pangalanan itong Myrtle City." Sagot ni Steffy.

"Myrtle City?" Sambit ni Rud. May narinig siyang Myrtle na lugar, iyon ay ang Myrtle's Inn ng Hariatres.

"Pero hindi madali ang pamahalaan ang lugar na ito lalo pa't nakakalat pa ang mga halimaw sa paligid." Sagot ni Rud.

Paano niya mapapamahalaan ang isang lugar na pinamumugaran na ng mga halimaw at mga Mysteriang mas masahol pa kaysa sa mga halimaw?

"Ang mga halimaw ang magiging mamamayan at mga kakampi mo sa lugar na ito."

Namilog naman ang mga mata ni Rud at kinilabutan maisip ang mga halimaw na palaging makakasama sa lugar na ito. Paano kung bigla siyang inatake ng mga halimaw na ito?

"At kung may gustong manggulo sa lugar na ito, sabihin mong isang Zaihan ang may-ari nitong syudad."

"Pero mula sa in invincible clan ang mga Zaihan. Paano kung malaman ng mga Chamnian na may gumagamit sa pangalan ng lahi nila at lusubin ang syudad na ito?" Sagot ni Rud.

"Steffy Myrtle Zaihan. Sabihin mong teritoryo ang lugar na ito ng isang Steffy Myrtle Zaihan. Ang prinsesa ng mga Zaihan." Sagot ni Steffy.

Napakurap-kurap si Rud. Hindi ba't isang Arizonian ang shidang ito? Bakit sinasabi niyang isa siyang Zaihan?

"S-steffy M-myrtle Zaihan?" Nauutal na sambit ni Rud. Inaakala niyang magiging bato siya o sasabog ba kaya, nang banggitin ang pangalang ito ngunit makalipas ang ilang minuto'y humihinga pa rin siya.

"Nabanggit ko ang buong pangalang iyan. Hindi ako namatay?" Dati-rati ang pangalang Steffy, Stacey at Steve ay ginagamit lamang ng iisang angkan at bibigkasin lamang kapag may nanghihingi ng tulong.

Ngunit pagkatapos ng nangyaring paglaho ng kontinente ng Chamni at pagkawasak ng kalahati ng Celeptris, ang sinumang babanggit sa mga pangalang ito ay matatamaan ng sumpa. At ang sinumang babanggit sa buong pangalang ito ay sasabog o ba kaya mamamatay nalang bigla.

Wala na ring maaaring manghingi ng tulong gamit ang mga pangalang ito.

Nanghina namang bigla ang mga tuhod ni Heneral Histon at napaupo.

Sino ba kasi ang isang Steffy Myrtle Zaihan? Ito lang naman ang batang pumatay sa sinaunang Emperador ng Wynx Empire. Ito lang naman ang nagpasabog sa halos kalahati ng Celeptris.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon