"Hindi ko alam na reyna na pala ang may mataas na katungkulan dito." Iiling-iling na sambit ni Izumi na di man lang nakikitaan ng pag-alala ang mukha, hindi katulad ng dati na manginginig agad sa takot o ba kaya magmamakaawa sa kanila.
"Sa kabila ng lahat ng mga kasalanang nagawa mo dito, nagawa mo pang bumalik? Dalhin niyo na siya sa kulungan ngayon din." Utos muli ng reyna.
Ang hari naman gustong itaboy palayo ang anak at sabihang lumayo ito kaso hindi niya magawa. Gustong-gusto niyang yakapin si Izumi at humingi ng tawad rito dahil hindi niya ito naprotektahan ng maayos. Kaya lang sa palagay niya huli na.
"Izumi. Kung naririnig mo lang sana kung ano ang nasa isip ko, pakiusap umalis ka na anak. Iyon lang ang paraan para makakaligtas ka. Pakisabi na rin sana kay Izu na tumakas na kayo at magpakalayo-layo." Ito ang nasa isip niya ngunit iba ang lumabas sa kanyang isip.
"Mabuti at nagbalik ka. Sa wakas mapagbabayaran mo na rin ang lahat ng mga kasalanang ginawa mo. Kailangan mong maparusahan at habangbuhay ng hindi makakagamit ng kapangyarihan." Galit na sabi ng hari. Hindi niya kagustuhan ang anumang lumalabas sa kanyang bibig. Kinokontrol lang siya ng kanyang Reyna.
"Kung sana ay nakakabasa ka ng isip, malalaman mo ang gusto kong sabihin. Kaya lang, alam kong imposible yun dahil wala kang kakayahang magbasa ng isip. Patawad anak. Kung sana'y may malakas lang akong kapangyarihan, hindi na sana mangyayari ang mga bagay na ito." Ito ang nasa isip ni haring Izenar.
Ang sana'y galit na nararamdaman ni Izumi sa pag-abandona ng ama sa kanya ay napapalitan ng sakit, kirot, awa, lungkot at pag-alala. Ngayon alam na niya kung bakit siya palaging tinataboy ng ama. Iyon ay dahil gusto siya nitong protektahan. At hindi nito sinasadya ang anumang mga salitang binibitawan nito sa kanya.
Isang grandmaster level lamang ang ama. Wala ring kapangyarihan si Izumi dati para protektahan ang sarili at mas mahihirapan lamang siya kapag mananatili siya sa palasyo. Hindi rin niya naririnig o nababasa kung ano ang iniisip ng ama noon kaya hindi niya alam ang tunay nitong dahilan at kung ano ba talaga ang gusto nitong sabihin sa kanya.
Bago pa man mahawakan ng mga kawal sina Izumi at Steffy bigla silang nagpalit ng direksyon at ang reyna ang pinaikutan nila.
"Mga lapastangan! Alam niyo ba itong ginagawa niyo?" Maawtoridad na sigaw ng reyna.
Kinaladkad ng mga kawal ang reyna at pinaluhod sa tapat ni Izumi. Si Steffy naman biglang sumulpot sa likuran ni Ruigo at tinapik-tapik ang balikat nito bago siya umupo sa upuan ng reyna.
"Ano itong ginagawa niyo?" Sigaw ng ama ng reyna nang matauhan sa sobrang gulat.
Naglabas siya ng enerhiya at pinatama kay Izumi ngunit walang nangyari sa dalaga at naglaho na lamang ang enerhiya pagtapat nito sa katawan ni Izumi.
Ang alam nila, walang kapangyarihan si Izumi kaya naman papaanong hindi ito nasaktan nang matamaan ng enerhiya mula sa isang grandmaster level?
Aatake na sana ang lima pang mga level expert na kabilang sa mga tauhan ng Reyna. Kaya lang may mga vines ang bumalot sa katawan nila at ibinitin sila sa kisame na patiwarik. Kahit anong gawin nila hindi parin nila natatanggal ang mga vines na nakapaikot sa mga katawan nila.
"May kapangyarihan na ang Haria?" Gulat na sambit ng mga nakapaligid. Hindi nila inaasahan na magkakaroon ng malakas na kapangyarihan ang isang talunan at duwag na anak ng hari.
"Isa siyang Reyna. Bakit niyo siya pinaluhod?" Sigaw ng isang heneral ng Zi Kingdom na kasama sana sa pagpupulong na ito.
Aatakehin na sana si Izumi ngunit napaluhod nang maramdaman ang malakas na presensyang lumabas mula sa katawan ni Izumi.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...