Steffy 189: Final test, the elimination round

735 66 12
                                    

Duelo ang sumunod na pagsubok sa mga examinee. Nagulat pa si Yuzin dahil si Steffy ang makakalaban niya. At ang mas ikinagulat niya dahil umatras si Steffy.

"Sa palagay ko po, hindi ko siya matatalo. Kaya atras na po ako." Sabi ni Steffy bago umalis sa field.

Ganon din ang ginawa nina Asana sa mga makakalaban nila maliban kina Arken at Geonei.

"Bakit kayo umatras? Maiiwan kayo sa Branch Academy na to kapag di aabot ng 85 ang puntos niyo." Sabi ni Lenera.

Alam nilang malalakas sina Steffy kaya imposibleng umatras sila dahil sa takot silang masaktan o dahil sa malakas ang mga kalaban nila.

Kaya lang napoproblema sina Arken at Geonei dahil sila ang magkakalaban.

"Kapag aatras si Arken mananalo ako. Anong gagawin namin?" Nakangusong tanong ni Geonei.

"May huling pagsubok pa naman e. Si Arken na lang muna ang magpatalo." Sagot ni Steffy.

Hindi talaga maintindihan nina Lenera kung bakit gustong-gusto nina Steffy ang matalo.

Di ba ayaw na ayaw ng mga itong magiging branch students dahil magiging alipin lamang ang mga branch students ng mga regular students.

"Ayos lang kung maiiwan kami rito kaya wag kayong mag-alala." Sabi ni Steffy kina Lenera mapansing nag-alala ang mga ito sa kanila.

"Bakit hindi man lang kayo nagsisikap para mapunta sa Main Academy? Gusto niyo bang sabihing talunan ang Servynx Academy dahil sa mga pag-atras niyo sa mga laban na yan?" Sabi naman ni Elessa.

Dahil sa pag-atras nina Steffy sa duel na ginanap, inaakala ng lahat na takot sila at iniisip ng lahat na ang mga representatives ng Servynx Academy ay mahihina at walang laban kaya namamahag ang mga buntot at piniling umatras sa kanilang mga laban.

"Ayos lang yon. Ang mahalaga papasa kayo. Gusto niyong maging regular students di ba? Mangyayari lang yon kapag more than ten ang representatives ng Servynx Academy kaya naman wag niyo na kaming isipin. Ang mahalaga mapunta kayo sa regular students. Kasi ako, ayokong mag-aral. Nakakatamad." Maisip palang ni Steffy na maupo sa klase at makinig sa mga sasabihin ng mga guro at sa mga maaaring sermon nila, tinatamad na talaga siya.

"Allergy kasi akong mag-aral kaya mas mabuti pang sa branch students na lamang ako. Posible kasing may pasok at posible ring wala." Sabi ni Steffy.

Hinintay na lamang nila ang huling pagsubok. Tinatawag ang pagsubok na ito na elimination. Kasali na sa elimination ang mga dating branch students. Ang sinumang hindi mai-eliminate ay ang siyang magiging regular students. At ang mai-eliminate ay ang mananatili sa branch Academy o mapapadpad sa ibang Academy.

Walang ni isa man lang sa mga baguhang mga examinee ang nakakaalam na magsisimula na ang first elimination pagsapit ng dilim.

Madilim na ang buong paligid. Kakaiba ang dilim nito dahil ala-sais pa lamang ng gabi ngunit nagiging itim na ang mga ulap maging ang buong paligid.

Nagtaka si Steffy makitang nagsipuntahan sa silid niya sina Lenera at ang apat nitong mga kasama.

"Bakit kayo nandito?"

"Kakaiba kasi yung langit. Wala kang kahit kunting liwanag na makikita." Sabi ni Laira na umupo sa kama ni Steffy.

Kahit ang masungit na si Elessa nandito rin. Ayaw man niyang aminin pero umaasa din siya sa grupo nina Steffy. Pakiramdam kasi niya magiging ligtas lang sila kapag kasama nila sina Steffy.

"Mukhang ito na ang huling pagsubok." Sambit ni Asana.

"May naisip ako." Sabi ni Steffy.

Kalahating gabi na. Sobrang tahimik na ng buong paligid. May mga black shadow ang palihim na pumasok sa bawat silid. Ilang sandali pa'y maririnig ang mga kalabog sa bawat silid.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon