Nasa gitna siya sa labing-tatlong mga barrier formations. Ang una ay gawa sa mga umiikot na metal. Hindi ito mapapasukan ng iba dahil mahihiwa ang sinumang makakalapit sa formation na ito. Kasunod nito ang malakas na hangin, 50 meters mula sa wind formation ay ang lightning barrier formation na ang sinumang lalapit dito ay tatamaan ng nakamamatay na kidlat. Mga isang daang metro ang layo ay ang fire barrier formation na parang ipo-ipong umiikot sa 200 radius mula sa kinauupuan ni Steffy.
"Bakit lumabas ang mga guardian niya? Gaano ba kamapanganib ang kapangyarihan ni Steffy?" Tanong ni Rujin. Nasa labas sila sa huling barrier formation na gawa sa pinaghalo nilang mga enerhiya.
Halos nagawa na yata nila ang lahat ng ibat-ibang uri ng mga harang na alam nila pero di sila sigurado kung magiging ayos ba ang harang na ito. Paano kung pangwasak na kapangyarihan ang magigising mula kay Steffy? Baka mawawasak pa sila.
Sobrang layo na nila sa kinaroroonan ng mga nagtitipong Mysterian na papasok sa central area kaya lang hindi sila sigurado kung wala bang ibang buhay sa paligid malapit sa kinaroroonan nila. Naitaboy na nila ang iilang mga Mysterian beast sa paligid para walang ibang buhay ang mapahamak.
Inaalala rin nila na baka kung ano ang mangyayari kay Steffy dahil sa mga oras na ito, hindi makakalaban si Steffy sa sinumang aatake sa kanya dahil nakikipaglaban pa ito sa kapangyarihan na gustong kumawala sa katawan niya.
"Kamahalan. Kontrolin mo ang kapangyarihan mo." Sabi ni Feyu. Silang tatlo ang nagsasabi kay Steffy sa kung ano ang dapat niyang gawin.
"Ilipat mo ang enerhiyang nasasagap mo sa kung saang space na nakikita ng isip mo." Sabi naman ni Feru.
May iisang space sa loob ng katawan ng mga Mysterian na maaaring paglalagyan ng mga Mysterian ki nila. Samantalang may tatlong lugar naman na paglalagyang ng enerhiya ang mga Chamnian na may Mystican soul.
Habang nakapikit si Steffy nakikita niya ang mga enerhiya sa kanyang paligid. Enerhiya na may iba't-ibang hugis, anyo at kulay. May parang tubig, mayroon naman na parang nag-aalab na apoy. May liwanag na parang hugis ng halaman at mayroon namang nasa hugis ng hayop.
Hindi niya inaasahan na may mga hugis din pala ang mga enerhiya kapag tiningnan niya gamit ang kanyang spiritual na pandama.
Nakita niyang nagsiksikan ang mga enerhiya sa iisang lugar sa katawan niya at pakiramdam niya para na siyang sasabog. Hanggang sa makita ang isang kulay purple na pintuan. Binuksan niya ito at nakita ang maliwanag na lugar. Walang simula at wala ring katapusan.
"Ano to?" Nagtatakang tanong niya.
"Ano ang nakikita mo?" Tanong ni Feyn.
"Isang lugar na puro liwanag lang ang nakikita ko. Puting liwanag."
"Dimension space iyan ng inner soul mo. Tinatawag iyang inner core ng kaluluwa mo at hindi sa katawang Mysterian mo. Utusan mo ang mga enerhiya na diyan pupunta." Paliwanag ni Feru.
Alam na niya kung paano kontrolin ang mga enerhiya sa paligid niya kaya madali lang sa kanya ang gawin yun. Binalikan ng kanyang pandama ang mga nagsiksikang mga enerhiya at iginiya ito patungo sa soul inner core niya. Pagkatapos non, wala ng katapusang mga enerhiya ang pumapasok sa inner core na ito. Nagbago rin ang paligid at nakita na ang mga halaman at mga nilalang na nasa loob ng soul inner core na ito.
"May nakita akong puno. Punong gawa sa puting liwanag tapos may mga bunga pa akong nakikita. May iba't-ibang hugis at kulay ang mga bunga nito. Kaya lang, kukunti lang ang mga dahon niya. Mas marami ang kanyang bunga." Sabi niya at kumuha sa kulay itim na bunga nito. Kasing laki lamang ng kanyang maliit na kuko.
Muntik ng mawala sa focus ang tatlo dahil sa narinig.
"Bakit nasa kanya?" Tanong ng tatlo sa kanilang mga isip.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...