"Paano mo nagawang paglahuin ang kasuotan ni Gurong Leno?" Gulat na tanong ni Gurong Shella. Bihira lamang ang nakakagawa sa bagay na yon.
"Hindi ba't dapat siyang parusahan sa ginawa niya? Bakit mukhang tuwang-tuwa ka pa?" Tanong ni Gurong Chan. Isang kalapastangan kasi para sa kanya ang pagpapahiya sa guro ng Wynx.
"Kaya ko pong paglahuin ang mga bagay sa paligid." Kalmadong sagot ni Shaira.
"Hindi naman gaanong nagagamit ang kakayahan na ito sa isang labanan." Kontra ni Gurong Chan.
"Talaga po? Gusto niyo pong subukan?" Hamon ni Shaira. Umasim naman agad ang mukha ni Gurong Chan. Ayaw niyang matulad ni Gurong Leno.
Si Gurong Leno naman tinakpan ang katawan ng white robe na galing sa kanyang storage ring at umalis na para makapagpalit ng maisusuot. At syempre para makapagtago na muna dahil sa hiya.
Si Gurong Shella ang nagbigay ng isang puntos kay Shaira.
Sumunod na umakyat sa stage si Rujin.
"Hindi na namin susundin ang napag-usapang mga pagsubok na dapat niyong lagpasan. Magbigay na lamang kayo ng kakayahan na magpapatunay na karapat-dapat kayong maipasok sa Wynx Academy." Sabi ni Gurong Shella.
"Eh, di mo ako gagalitin?" Eksayted pa naman siyang umakyat sa stage para magantihan ang mayayabang na mga guro ng Wynx Academy kaso mabait na guro naman ang susubok sa kanya kaya nadismaya siya.
Nagtataka namang nagkatinginan ang lima pang natitirang mga guro.
"Bakit gusto mong ginagalit ka?" Tanong ni Gurong Shella.
"Para may dahilan akong gumawa ng kasalanan. Tapos magngingitngit kayo sa galit. Kaso hindi e kaya sayang talaga." Makikita sa mga mata niya na naghihinayang talaga siya.
Lalag panga tuloy ang mga manonood sa narinig. Mukhang hindi nga natatakot ang mga kabataang ito sa mga guro ng Wynx at mukhang gusto pa yatang manubok ng mga guro ng Wynx kaysa seryosohin ang pagsubok na inihanda para sa kanila.
Napatitig naman si Gurong Shella kay Rujin. Mukhang hindi nga basta-basta ang mga kabataang ito. Lahat ng mga dumaan sa kanilang mga pagsubok, nakakaramdam ng kaba at pangamba na baka hindi nila tatanggapin ngunit ang huling grupo ng mga kabataang ito, hindi man lang nila nakikitaan ng takot. At gustong-gusto pang ginagalit sila ng mga guro para may rason sila upang maturuan ng leksyon ang sinumang mga gurong gumalit sa kanila.
"Ganito nalang, kapag natalo mo ako sa isang laban, matatanggap ka na." Sabi ni Gurong Shella.
"Po?" Nanlalaki ang mga matang tanong ni Rujin.
"Kung talagang malakas ka, wag ka ng matakot. Hindi ka naman gaanong papahirapan ni Gurong Shella." Sabi naman ni Gurong Cleo.
"Hindi ako takot masaktan. Takot lang akong masaktan ko siya. Di ba pwedeng ikaw nalang?" Sabay turo kay Gurong Chan. Gusto nga kasi niya itong turuan ng leksyon.
"Magpapakamatay ka ba? Mas malakas si Gurong Chan kaysa kay Gurong Shella." Sabi ni Moran. Isa sa senior students ng Wynx Academy. Alam niya kung paano makipaglaban si Gurong Chan. Kadalasan pa nga sa mga tinuturuan nito, nababalian talaga ng mga buto. Masyado itong brutal kung magturo, at mas brutal ito kapag nakikipaglaban.
Hindi niya napigilang magsalita dahil nag-alala siya kay Rujin. Lalo pa't alam niyang galit si Gurong Chan sa grupo ng mga kabataang ito. Baka kung ano ang gagawin nito kay Rujin at gagawing dahilan ang pagsubok na ito para pahirapan si Rujin.
"Hayaan mo na siya. Para maibsan iyang kayabangan niya." Sagot ni Justin na isa din sa senior students ng Wynx Academy.
"Nasasabik din akong subukan kung hanggang saan ang kakayahan mo bata. Pero wag kang iiyak mamaya kapag natalo kita." Sagot ni Gurong Chan.
Ang lakas kasi ng loob na hamunin siya sa isang labanan ng mahinang binatilyong katulad ni Rujin. Gustong-gusto nga sigurong maturuan ng leksyon. Kanina pa naman sana niyang gustong turuan ng leksyon ang mga kabataang ito kaya naman, hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito para ipakitang mas nakakataas sila at kung gaano kalayo ang agwat ng mga kakayahan nilang mga guro ng Wynx Academy laban sa mga mayayabang na mga mag-aaral nitong Servynx Academy.
"Wag mo lang sabihin na inapi kita mamaya." Sabi pa ni Gurong Chan. Lalo siyang naging desididong turuan ng leksyon si Rujin makitang ngiting-ngiti na ngayon ang binatilyo na halatang tuwang-tuwa pa. Gustong-gusto na niyang pawiin ang ngiti ng lapastangang lalaking ito.
"Bakit ba kapag nakikita kong nakangiti ang mga kabataang ito, pakiramdam ko may di magandang mangyayari?" Tanong ni Gurong Cleo.
Kanina kasi, nang makitang ngumiti si Steffy sa halip na kabahan o ninerbyosin dahil sa pagsubok nito, may nangyaring di maganda kay Gurong Leno. At noong makitang ngumiti si Shaira, napahiya si Gurong Leno. Tapos ito na naman, nakangiti din ang lalaking ito na mukhang sabik na sabik ding bigyan ng leksyon si Gurong Chan.
"Bakit sa dami ng dapat hamunin si Gurong Chan pa? Ang brutal pa naman ng lalaking to. Ngayon palang naaawa na ako sa kabataang ito." Sabi naman ni Gurong Shella.
"Naaawa nga din ako. Naaawa kay Gurong Chan." Tatango na sana si Gurong Shella sa unang sinabi ni Gurong Fernan, pero nagtataka nang marinig ang huling sinabi nito.
"Kilala mo ba ang mga kabataang ito?" Tanong ni Gurong Shella. Tumango naman si Gurong Fernan.
Muli na namang nagkaka-interest si Gurong Shella sa mga kabataang ito at sabik na sabik ng malaman kung ano'ng mga sorpresang ibibigay ng mga ito sa kanila.
Yung iba nag-alala sa kahihinatnan ni Rujin sa mga kamay ni Gurong Chan. Pero ang mga gurong alam ang pinagmulan nina Rujin ay sabik ng manood sa laban ng isang guro ng Wynx Academy versus sa bagong estudyante ng Servynx Academy.
"Simulan na natin, kaya pumili ka na ng sandata mo." Isang espada ang inilabas ni Gurong Chan bilang sandata.
"Hindi na kailangan. Umatake ka nalang." Kalmadong sagot ni Rujin sabay unat ng mga braso.
"Maari bang wag ka ng magyabang? Baka mamaya sabihin mo pang hindi kita binigyan ng pagkakataong pumili ng sandata." Sabi ni Gurong Chan.
"Hindi ko na kailangan ng sandata para talunin ka." Kampanteng sagot ni Rujin.
"Sa murang edad mo, napakayabang mo na. Kundi ka tinuruan ng mga magulang mo ng magandang asal, ako na ang magtuturo sayo para sa kanila." Inalis ang kanyang espada.
"Hindi ko nalang gagamitin ang sandatang ito, baka mamaya sasabihin mong nanalo ako dahil may sandata akong gamit." Dagdag pa ni gurong Chan.
"Matagal pa ba yan? Kung magkwentuhan lamang kayo diyan aalis na ako." Sabi ni Steffy at humikab pa.
"Oo nga naman Rujin. Magsimula na kasi kayo. Ready na ang video." Sabi din ni Sioji.
"Magsimula na kayo." Sabi din ni Geonei na may hawak ng meryenda.
"Ano bang inaakala niyo sa labang ito, laro?" Tanong ni Gurong Chan na mauubusan na talaga ng pasensya sa mga kabataang ito.
Aatake na sana si Gurong Chan nang mag-stop sign si Rujin.
"Sandali lang." Sabay tingin kay Sioji.
"Ayos na ba ang hitsura ko sa video?" Tanong pa nito.
"Wag kang mag-alala. Ayos na ayos ang video, mukha mo lang ang hindi." Sagot naman ni Hyper na ikinasimangot ni Rujin.
"Simulan niyo na." Si Lord Hisren na ang nagsalita. Gusto lang niyang matapos na agad ang pagsubok na ito kahit alam na niya ang patutunguhan.
Pumusisyon na si Gurong Chan at inatake si Rujin. Masyado ng mabilis ang mga kilos niya para sa mga mandirigmang Mysterian pero laking gulat niya nang maiwasan ni Rujin ang bawat atake niya.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...