Napabuntung-hininga si Steffy.
"Kuya Ariel. Mama Seyria. Papa. Magkikita rin tayo sa Mystic land. Hahanapin ko kayo sa lugar na iyan." Sambit niya at napayuko na lamang. Kapag wala na sa mundong ito ang adopted family niya ibig sabihin nasa Mystic land na sila.
"Stacey, kuya Steve. Hindi talaga tayo maaaring magkalapit sa isa't-isa." Napatingala siya sa langit. Batid niyang doppelganger lamang ng mga kapatid niya ang nasa Wynx Academy ngunit kahit hindi sila ang tunay niyang kapatid sa mundong ito, bahagi pa rin sila ng kaluluwa ng mga kapatid niya.
Katulad ng ibang mga doppelganger, maglalaho din bigla ang mga ito dahil magiging iisa sila sa tunay nilang katawan. Posibleng mananatili ang mga alaala nila posible ring maglalaho ng tuluyan.
Ang hindi lang maintindihan ni Steffy kung bakit tila kilala siya ng mga doppelganger ng kanyang mga kapatid gayong hindi naman sila nagkakilala. Lalo pa't iba't-ibang identity ang kinuha niya sa mundong ito.
"Wala man akong naaalala sa nakaraan kong buhay ngunit ipinangangako kong babalik ako. Makakabalik ako." Sabi ni Steffy habang nakatingin sa langit.
"Hindi man bilang ako. Hindi man bilang Steffy. Basta makakabalik ako. Kaya maaari bang tigilan niyo na ang pagsusubaybay sa akin? Hindi ko man kayo nakikita ngunit nararamdaman ko kayo."
Sina Shinnon naman nagkatinginan. Nagmamasid kasi sila ng palihim kay Steffy ayun sa utos ng kanilang kamahalan.
"Nararamdaman kaya niya tayo?" Tanong ni Shinju kay Shinnon.
"Di niyo ba kita e sa langit siya nakatingin." Sagot ni Shinnon.
"Malay mo pinaparinggan tayo." Sagot din ni Shinju.
"Hindi ba talaga natin sasabihin sa kanya?" Tanong naman ni Rinju.
"Ayaw ng kamahalan na malaman niya. Saka kahit mananatili pa rito si prince Kurt, hindi naman mananatili rito si Steffy. Nabalitaan niyo na bigla na lamang nawala ng parang bula at susulpot na parang bula ang mga tauhan nina Heneral Histon at Master Hisren? Ibig sabihin nasa ibang lugar na sila at nag-teleport lamang pabalik dito kapag may kailangan silang gagawin." Sagot ni Shinnon.
Pansin din nila na ang mga umalis na mga nasa grandmaster level lamang dati ngayon ay nasa Expert level na.
Umalis na ulit ang tatlo at bumalik sa kung nasaan naghihintay si Kurt.
"Napansin namin na malungkot siya habang kinakausap ang kalangitan." Pagbabalita ni Shinnon.
"Kaya nga sabi ko bilhan natin siya ng minatamis. Bakit kasi ayaw niyong makinig?" Sabi ni naman ni Rinju.
Binigyan siya ng kakaibang tingin ng mga kasama na ikinatahimik niya.
***
Mahimbing ang tulog ni Steffy. Ilang sandali pa'y dahan-dahan na ring ibinuka ang mga mata at biglang napabangon makita si Kurt na nakaupo sa gilid ng kanyang kama.
"Ginagawa mo sa kwarto ko?" Gulat niyang tanong.
Maya-maya pa'y naisipan na namang manukso.
"Nami-miss mo ako no kaya ginapang mo ako kagabi."
"Ginapang mukha mo. Ikaw kaya tong panay banggit ng pangalan ko habang natutulog." Bawi naman ni Kurt.
"Weh! Wag mong sabihing nag-level up na ang pagtingin ko sayo? Kung ganon, mukha ka ng pagkain sa paningin ko?" Natutuwa na sana si Kurt nang sabihin ni Steffy na nagle-level up na ang tingin niya. Sa level ng mga pagkain lang pala.
Saka niya naalalang mahilig nga pala sa pagkain ang isang to.
"Ngayong gising ka na, maaari mo na man na sigurong bitiwan ang kamay ko di ba?"
Saka napatingin si Steffy sa dalawa niyang kamay na nakahawak pala ng mahigpit sa mga kamay ni Kurt. Kagabi kasi gusto siyang makita ni Kurt sa kahuli-hulihang pagkakataon. Nang makita ang mga kamay ni Steffy naisipan niyang hawakan ito kahit sa mga oras na yun lamang. Hindi niya inaasahan na hahawakan din siya ni Steffy pabalik at di pa binitiwan.
"Kaya pala ang sarap ng pakiramdam ko hawak ko pala ang kamay mo?"
"Bitiwan mo na nga."
"One minute." Sagot ni Steffy at nilapit sa pisngi niya ang kamay ni Kurt. Hinila ni Kurt ang kamay niya habang nakaiwas ng tingin.
"Ngayon lang to." Seryosong sabi ni Steffy na ikinatigil ni Kurt. Mas kumabog pa ang nararamdaman kaba nang idikit ni Steffy ang kanyang noo sa dibdib ni Kurt.
"Gi-ginagawa mo?"
"Sabi ni kuya Histon bawal yakapin ang lalaki kapag babae ako. Kaya noo nalang ididikit ko sa dibdib mo."
"Bigyan mo ako ng sapat na oras. Kapag wala na akong maisip na ibang paraan, ako na mismo ang tatapos sa sarili ko. Ngunit titiyakin ko muna na walang ibang madadamay sa gagawin ko. Kaya naman bigyan mo ako ng sapat na oras." Sabi niya na nakatungo parin habang ang noo ay nakadikit sa dibdib ni Kurt.
"Alam mo?"
Hindi na muling nagsalita pa si Steffy. Ilang oras din silang nanatiling nakatayo habang nakadikit ang noo ni Steffy sa dibdib ni Kurt. Hawak ang isang kamay ni Kurt. Nakahawak naman ang kamay ni Kurt sa isang braso ni Steffy.
"Hindi kita hahayaang mawala sa mundong ito. Pangako yan." Sambit ni Kurt.
Niyakap naman siyang bigla ni Steffy.
"Hindi kana lalake sa paningin ko. Tingin ko sayo ngayon adobo na kaya pwede na kitang yakapin."
Pagkatapos mayakap ay humiwalay na rin ito. "Baka ito na ang huli nating pagkikita kaya paalam na." Sabi ni Steffy at ngumiti.
Binigyan siya ni Kurt ng isang kwintas.
"Kung madadala mo parin ito sa pagtawid mo sa ibang mundo, makikilala at maaalala rin kita. Ngunit kung hindi, posibleng hindi na kita maaalala pa sa lugar na iyon."
Hinubad naman ni Steffy ang pulseras niya at pinasuot kay Kurt.
"Nakakonekta ang pulseras na ito sa kaluluwa ko. Malalaman mo kung nakabalik na ako sa pamamagitan niyan."
Pagkatapos ng ilang minuto, nagpaalam na rin si Kurt.
Nagpaalam na rin si Steffy sa Emperador ng Wynx Empire.
"Nga po pala, kadalasan sa mga pinili na meron kayo ay mga huwad." Binigyan niya ng isang magic staff ang emperador.
"Magic staff yan ni lolo. Ituturo ng staff na yan ang mga tunay na pinili. Ingatan niyo sina Lenera, Laira, Luna, Elessa, Fira pati sina Yuna, Yunzi at Zion. Sila ang tunay na mga piniling magiging tagapangalaga." Sabi niya bago umalis.
Hindi na tinanong ng hari kung nasaan na ang mga kasamahan ni Steffy. Nasanay na siyang bigla na lamang naglalaho ang mga ito at lilitaw na lamang mula sa kung saan.
***
Nakarating na ngayon sa Zi kingdom si Steffy. Tinawag si Izumi para sabay na silang pumunta sa Zi palace.
"Sino kayo? Bawal kayong pumasok.* Sabi ng kawal na nagbabantay ngayon sa gate ng palasyo ng Zi Kingdom.
***
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasyRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...