Steffy 199: Aliping palautos

801 72 12
                                    

“Bakit diyan ka umupo sa aking upuan? Alis diyan.” Taboy ni Kurt kay Steffy na prenteng nakaupo sa upuang nakalaan sana para sa kanya.

“May espasyo naman a. Umupo ka na.” Tinapik-tapik ni Steffy ang espasyong nasa gilid niya.

Kapag uupo siya sa tabi ni Steffy, siguradong magkakadikit sila sa sikip. Naalala tuloy niya kung sino-sino na lamang ang dinidikitan ni Steffy. Minsan na nga siyang kumandong kay captain Dremin ng hunters team noon. Tapos kanina lang pasan-pasan pa ni Sioji. Kundi lang talaga magpinsan ang dalawang yun baka kanina pa hinamon ni Kurt ng laban ang lalakeng yon.

“Alam mo ba na ang lalake at babae ay dapat may distansya? Di yung nagpapapasan ka pa. May mga paa ka naman a.” Maalala na pasan-pasan ni Sioji si Steffy wari umiinit talaga ang ulo niya. Kanina pa talaga niya gustong pagsabihan ang isang to kaya sinabi na niya ngayon.

“Wag po kayong mag-alala kamahalan. Mukha naman po kayong babae e.” Pang-aasar muli ni Steffy na ikaasim pang lalo ng mukha ng prinsipe. Sa lahat kasi ng mga nakakasalubong niya at nakilala, ang grupo lamang ni Steffy ang di takot sa kanya. At ang pinaka hindi takot ay ang babaeng ito na wala talagang balak galangin siya.

“Kung ganon mukhang babae ang tingin mo sa pinsan mo?” Natuwa ng bahagya si Kurt maisip na kaya siya nagpapapasan sa pinsan niya ay dahil hindi naman lalake ang tingin ni Steffy kay Sioji.

“Bakit siya nadamay? Ang gwapo kaya niya. Kahit magsuot pa siya ng pambabae lalakeng-lalake parin siya no.” Syempre naman, pupurihin talaga niya ang pinsan niya dahil kapag nilait niya ang kanyang kadugo, para na rin niyang nilalait ang kanyang sarili. Kaya naman pupurihin talaga niya ang kanyang pinsan.

“E bakit ako? Bakit mo sinabing mukha akong babae?” Gusto na talagang sumabog ni Kurt. Sa gandang lalake ba naman niya, pagsasabihan lang na mukha siyang babae?

“E di mukha ka nalang nanay.”

“Lapastangan! Ipapabitay na talaga kita.” Siya na kagalang-galang na itinakdang prinsipe ng Wynx Empire, sasabihan na mukha na ngang babae, nanay pa talaga?

“Kailan po? Ngayon na po ba?” Nakangiting tanong ni Steffy makitang sobrang pula na ng mukha ni Kurt sa galit. Di niya maiwasang makukyutan sa reaction ng binata. Gustong-gusto niyang asarin si Kurt dahil namumula agad ito. At halata namang hindi siya nito kayang saktan kahit nagmukha ng kakain na ng tao.

“Ikaw. Hindi ka ba talaga natatakot sa akin? Alam mo bang posible kang mapugutan ng ulo dahil sa mga sinabi mong iyan?”

“Hindi ka naman nakakatakot e. Poge mo kaya.”

Napatikhim naman si Kurt sa narinig na tila naglaho agad ang kanyang galit sa isang iglap lang.

“Wag kang padadala sa mga salita ng lapastangan babaeng yan. Dapat mo siyang parusahan.” Paalala niya sa sarili.

Napatingin muli sa nakangiting si Steffy. Parang gusto niyang kurutin ang magkabilang pisngi ng babaeng to.

Agad namang tinakpan ni Steffy gamit ang dalawang palad ang kanyang magkabilang pisngi.

“Alam kong cute ako. Pero wag mo rin namang pagdiskitahan ang pisngi ko.”

“Ano bang pinagsasabi mo? Mas cute pa ang aso sayo.” Sagot ni Kurt na pagod na yatang makipagtalo kay Steffy kasi palage lang naman siya ang natatalo e.

Napanguso na lamang si Steffy. Ang cute kaya niya bakit di nakukyutan sa kanya ang lalakeng ito?

Sina Ruffin at Karl naman nagkatinginan lamang. Maglalaban na nga sana ang dalawa kaso mas gusto ni Karl na manmanan ang kuya.

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon