Steffy 119: Escort Mission

907 58 4
                                    

Pagkatapos nilang lutasin ang problema sa Perzeton, naglakbay na sila upang tapusin ang susunod nilang misyon. Ang protektahan ang prinsipe ng Wynx. At ngayon nasa airport sila at hinihintay ang pagdating ng aircraft na susundo sa kanila papunta sa hangganan ng Emperialta.

"May aircraft naman ang susundo sa atin dito, kaya antayin nalang natin." Sabi ni Asana.

Hawak ni Asana ang token na galing sa hari ng Norzian at ipapakita lamang nila iyon sa naatasang sumundo sa kanila, para maisakay na sila sa red aircraft ng Emperialta.

Napansin nilang hindi lang sila ang naghihintay sa waiting area. May nakikita silang mahigit sa 30 Mysterian ang nandito at may mga dalang mga war weapons ang bawat isa. Naka-civillian lang sila ng attire pero base sa aura, halatang may mga lakas silang hindi pangkaraniwan.

Isa sa mga Mysteriang ito ang nakapansin sa grupo nina Steffy. Lumapit ito sa kanila at tiningnang maigi. Napakunot ang noo mapansing wala talaga siyang nakikitang special sa mga batang ito.

"Mga bata. Hindi ito ang waiting area ng mga manlalakbay. Nasa kabilang gusali ang waiting area ng mga manlalakbay at mga turista." Sabi nito sa pag-aakalang naligaw lang sina Steffy.

"Asana, gumagamit di pala sila ng wikang English dito? Akala ko kasi mga Norzian lang." Bulong ni Steffy kay Asana.

"Hindi English ang salitang ginagamit nila kundi Universal language ng Mysteria. Sa pandinig ng mga tao o ng mga minsan ng nanirahan sa mundo ng mga tao, may pagkakatulad ito sa wikang English ngunit magkaiba talaga ang spelling at ang mga titik na ginamit dito. Ngunit para rin itong English kung nasa mundo tayo ng mga tao." Bulong pabalik ni Asana bago nilingon muli ang lalake.

"Di ba dito ang waiting area para sa sasakay sa red aircraft?" Tanong naman ni Asana.

"Dito nga, pero sasakyang pandigma ang tinutukoy mo Shida hindi dapat sakyan ng mga katulad niyo." Sagot ng lalake. Concern lang naman siya at iniisip na hindi alam nina Asana kung ano ang red aircraft at kung para saan ito.

"Ibig lang pong sabihin non ay hindi kami nagkamali. Dito po talaga ang punta namin." Sagot naman ni Aya.

Napatingin na tuloy ang iba sa gawi nila lalo pa't narinig nila ang sinabi ni Aya. Maging ang mga walang pakialam napakunot na ang noo. Bakit kasi may mga bata dito? Bata kasi ang tingin nila kina Steffy, Izumi at lalong-lalo na sa pinakamaliit na si Aya.

"Tsk! Hindi mo alam ang pinagsasabi mo bata. Hindi para sa mga bata at ordinaryong Mysterian ang waiting area na ito. Kaya mas mabuti pang umalis nalang kayo dito." Sabi ng isang lalaking may matipunong katawan at may peklat sa pisngi.

Sa halip na makipagtalo nag-abot si Steffy ng isang maliit na porcelain bottle.

"Gamitin nyo po ito para mawala na ang peklat sa pisngi niyo. Nagmukha kasi kayong kriminal dahil sa peklat na yan." Sabay turo ni Steffy sa pisngi ng lalake. "Mukha kayong fierce tingnan kahit hindi niyo gustuhin."

Nagulat tuloy ito. Di alam kung magagalit ba dahil tinawag siyang kriminal, at dahil parang walang pakialam sa mga sinasabi niya ang batang ito o magugulat siya dahil sa inaabot nitong gamot daw sa peklat?

"Gamot din ito sa malubhang sugat. Magagamit mo ito sa future." Nilagay na ni Steffy ang bote sa kamay ng naguguluhang lalaki. Saka di na pinansin.

Si Kent naman napatingin sa bote. Itatapon na sana niya dahil iniisip niyang pinatripan siya ni Steffy pero may part sa isip niyang hindi kaya ibinulsa na lamang niya. Madalas umiiyak ang mga batang makakakita sa peklat niya. May mga matatandang Mysterian naman natatakot kapag kinakausap niya dahil umano sa nakakatakot niyang mukha.

Nakita niyang umirap si Orion. Isa sa kasamahan niya galing sa ibang kaharian. Ang mga nandito kasi ay galing sa tatlong kaharian ng Emperialta. Sampo sa kanila galing sa Perzeton, Sampo naman galing sa Woles kingdom at sampo galing sa Ifratus. Siya at si Orion ay galing sa Ifratus. Si Yun naman na unang lumapit kina Steffy kanina ay galing sa Woles. At ito namang mga galing sa Perzeton, hindi kilala ang prinsesa ng Perzeton dahil hindi pa nila kailanman nakita ang mukha ni Shaira.

"Hayaan mo ng ang mga red army ang magpapaalis sa mga batang yan." Sabi naman ng isa pang lalaki na galing sa kaharian ng Woles.

Ilang minuto din ang lumipas bago dumating ang red aircraft. Mga mandirigmang may kulay pulang unipormeng pandigma ang bumaba sa red aircraft at nagtungo sa gawi nila.

Binati sila ng mga red army na ito at isa-isang tinawag ang mga kaharian kung saan sila nagmula. Pumila sila ayon sa kahariang kanilang pinagmulan.

"Mula sa kaharian ng Woles." Inilagay naman ng sampung Wolesian ang isang kamao sa dibdib at yumuko ng bahagya bilang pagbibigay pugay. Tumango naman ang captain ng red army palatandaan na satisfied siya sa mga pinadala ng Woles kingdom.

Natuwa rin siya makita ang mga representatives ng Perzeton at lalong-lalo na sa Ifratus. Ngunit nang makita ang pinadala ng Norzian kingdom, naningkit ang kanyang mga mata.

"Mula sa kaharian ng Norzian?" Patanong niyang sambit makitang mga menor de edad ang pinadala ng kaharian ng Norzian.

Gusto ng magpakamatay ng mga sugong inatasang sumundo sa kanila.

"Hibang na ba ang hari doon at puro mga bata ang pinadala? Iyon ngang mga sana'y na sa digmaan di man lang makalaban patay agad, kayo pa bang mga bata lang?" Pasigaw na sambit ng captain at napahilot ng sentido.

"Seryoso? Kayo ang pinadala? Mas mabuti pang umuwi nalang kayo at bumalik sa mga magulang niyo." Sabi naman ng isa sa red army.

"Wala na kaming mga magulang." Nakangusong sagot ni Rujin.

"Di umuwi kayo sa mga nag-ampon sa inyo." Sagot ng red army 1.

"Walang nag-ampon sa amin." Sagot din ni Geonei.

"Hindi ito isang biro o laro. Masyado pa kayong bata para sa misyong ito." Sabi ni Yun na may kaunting hint ng pag-alala sa boses.

"Hindi dahil bata ang tingin niyo sa kanila mahihina na. Tandaan niyo, mas malalakas na ang mga kabataan ngayon kaysa sa mga nasa tamang edad na. At mas mapanganib pa ang mga minor de edad kaysa sa mga maatanda." Malamig na sabi ni Orion na nakapamulsa.

Sasagot na sana ang captain pero muling naitikom ang bibig makita ang malamig na tingin ni Orion. Hindi niya maintindihan at bigla siyang nakaramdam ng takot. Sinuri na lamang nila ang mga token nila bago sila pinapasok na sa red aircraft.

***

The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon