Si Akemi naman tinanong ulit si Steffy kung bakit siya ang tinawag na pinuno nina Qin.
"Bakit ka nila tinawag na pinuno kanina? Ikaw ba talaga ang lider nila?"
"Di ko naman alam na ako ang ginawa nilang lider. Dahil siguro maganda ako?" Sagot ni Steffy at nilagay pa ang dalawang palad sa pisngi.
Natawa na lamang si Akemi. Maganda naman talaga si Steffy. Palakaibigan din kaya mabilis niyang nakapagpalagayan ng loob. Higit sa lahat palaging nakangiti.
Dumiretso sina Akemi sa isang Inn samantalang nagtungo naman sina Steffy sa palasyo ng mga Tagakatay bandits.
Sa Hanaru Empire naman, kalaban ngayon ng mga Deijo warriors ang mga Akrinian na bigla na lamang lumusob sa kanilang kaharian.
"Nasira na nila ang halos kalahati ng ating mga likhang Deijo monsters. Ang mga Deijo warriors ang humarap sa kanila ngayon." Pagbabalita ng isa sa mga heneral ng mga Hanaru.
Napahawak naman si Kerin sa kanyang ulo. Hindi pa niya maipapadala ang halos majority ng kanyang hukbo dahil sa mga lason na patuloy na kumakalat sa kanilang katawan. Kadalasan sa mga mandirigma niya wala paring mga malay.
"Ama. Patuloy parin ang pagpapaulan ng mga apoy ng mga kalaban." Sabi ni Karim sa ama.
"Ilang oras nalang at mababasag na nila ang harang na nakapalibot sa palasyo natin." Dagdag pa ni Karim.
Hindi na nila alam kung paano talunin ang mga kalaban na bigla na lamang lulusob tapos maglalaho. Kaya naman hindi sila makakaganti. Mas malala pa sa pag-atake ng mga Wynxian sa kanila.
Pinapanood ngayon nina Steffy ang live fighting scene ng mga Hanaru at ng mga Akrinian.
Labing dalawang Akrinian lamang ang nakikita nila na siyang tumalo sa libo-libong mga Deijo monsters ng mga Hanaru. Dito natuklasan nina Steffy kung gaano kalakas ang mga Akrinian na ito.
"Invincible level ang bawat isa sa kanila. Level na hindi maabot-abot ng mga Mysterian." Sabi ni Arken.
"Mga invincible level sila. Mukhang mahihirapan tayong talunin sila." Sabi naman ni Shaira.
Mabilis namang kinuha ni Steffy ang makapangyarihang libro ng Mysteria.
Tinanong niya sa libro ang mga impormasyon ng mga Akrinian na ito. Natuklasan niyang mga alipin lamang ang mga ito ng isang maharlikang Akrinian.
"Mga alipin lamang sila sa isang maharlikang angkan ng mga Akrinian, ibig sabihin may mas malakas pa sa kanila." Sabi ni Steffy.
"Kapag di pa tayo tutulong mas dadami ang mga dapat nating gamutin. Kaya kailangan na nating kumilos." Sabi naman ni Asana.
Ginawa nilang pain sa ibang mga Mysterian ang Hanaru para mahuli ang tunay na dahilan ng alitan ng mga Hanaru at ng mga Wynxian.
Itinuon na naman ni Steffy ang paningin sa iisang direksyon. Hinanap muli ang pamilyar na aura at pamilyar na mga mata.
Sa isang napakalayong lugar naman, nakatanaw ang lalake sa malawak na karagatan.
"Dapat nakuha na nila ang Empire Seal sa lalong madaling panahon." Sabi ng lalaking may silver na buhok at may scarlet red na kulay ng mga mata.
Napapaligiran ng maliwanag na aura ang katawan niya. Na kung titingnan mo para siyang Diyos na nakatayo sa rooftop ng kanyang palasyong gawa sa kulay puting kristal.
"Mas malakas sila kumpara sa mga Mysterian. Ano bang laban ng mga Mysterian sa mga tulad natin?" Sabi naman ng babaeng may voluptuous body na katabi ng lalaking ito.
Matagal na panahon din nilang pinaghandaan ang mga bagay na ito. Kinailangan pa nilang paghiwalayin ang mga Chamnian at mga Mysterian para masagawa ng mabuti ang kanilang plano. Kailangan mawala ang suporta ng mga Chamnian sa mga Mysterian para kahit anong gawin ng mga Akrinian sa mga Mysterian na ito hindi na makikialam ang mga Chamnian kundi manonood na lamang.
BINABASA MO ANG
The Journey of The Bratty Chosen Ones (V2)
FantasíaRead Volume 1 part 1 and 2 first. This part is about Steffy and her gang's journey to Hariatres where they meet new friends and new foes and unlock some mysteries of their own identities. (Book cover image not mine. Credits to the owner. Only the st...