Isang maayos at masayang almusal ang ginawa namin ni Galen sa kwarto nya.
Hindi ko mapigilang libutin ang kwarto nya na sobrang linis. Mag kasing laki kami ng kwarto at tingin ko lahat naman ng kwarto dito ay parepareho lang.
Nakaupo lang si Galen sa sahig habang nanunuod ng TV.
Inisa isa kong tignan ang mga nakadisplay na picture sa maliliit na cabinet."Wala kayong picture na mag kakapatid?"
Kinuha ko ang picture nya kasama si Jaythan na kinunan sa labas ng bahay.
"Meron."
Lumingon sya sakin at tinuro ang kurtina sa gilid ng pader.
"Ayan oh. "
Nilapitan ko ito at hinawakan ang lubid na nasa gilid para hatakin.
"Pwedeng tignan?"
Mag oo man sya o hindi titignan ko naman talaga.
"Sige lang. Takpan mo nalang ulit."
Saka sya muling tumingin sa TV. Hahatakin ko na sana ang lubid ng may marinig akong busina ng sasakyan sa harapan ng pintuan ng mansion.
Nanlaki ang mata ni Galen at agad tumayo.
"Dali dali. Tulungan mo ko mag ligpit! Lagot ako kay kuya pag nakita nya 'to!"
Dahil sa gulat sa itsura nya dali dali din akong napatakbo at isa isa naming dinala ang kinainan namin sa kusina. Sabay kaming dumating sa kwarto.
"Oh Alexus, ikaw pala."
Tinignan ko ng masama si Alexus na nakatingin din sa sakin.
"Bakit?"
Lumapit si Galen sa kanya na nag aantay ng isasagot nito.
"Bakit dito kayo kumain?"
Nag katinginan kami ni Galen saka sya umiling.
"Huh? Hindi kami dito kumain."
Tumingin sya ng diretso kay Galen na ako naman ang tinignan.
"Oo! Sa, sa kusina kami kumain. "
Lumakad si Alexus sa bintana para silipin ang iba pa nyang kapatid na parating. Bakit naman ang aga nilang umuwi? Parang wala pa silang dalawang oras sa school.
"Ibalik nyo yan sa kusina."
Sabi nya saming dalawa na kinuha ang tinidor na nasa ilalim ng lamesa.
Napa ngiwi lang sakin na tumingin sa Galeb.Lumabas na ako ng kwarto ni Galen dala ang tinidor nang makasalubong ko ulit si Vicku kasama si Daemon.
"G- goodmorning Vicku!"
Bati ko sa kanya.
"Goodafternoon."
Napahiya ako sa sagot nya at nilagpasan lang ako. Tumapat sakin si Daemon, kinuha ang tinidor sa kamay ko at tinusok sa buhok ko saka patawa tawang lumakad. Pumasok sila sa kwarto ni Galen.
Hindi ko malaman kung kakabahan ba ako o hahayaan ko nalang ba.Mabilis akong lumakad papuntang kusina nang masalubong ko naman si Bryon, Jaythan at Zac. Nahuhuli si Bryon sa kanila at kita sa mukha na masama ang mood nito.
"Hi Princess."
Bati sakin ni Zac at tumigil sa harapan ko kasama si Jaythan. Si Bryon naman dirediretso sa paglakad at mukhang may pupuntahang kung saan.
"Ikaw ba si Ariel?"
Tanong ni Zac sakin at nag tawanan sila si Jaythan.
"Ariel?"
Tinignan lang ako ni Zac.
"Si ariel. Yung mermaid princess."
Sabi ni Jaythan sakin.
Aaahhh, bakit?
Siguro nasa mood sila kaya nila ako nilalambing.
Saka nilapit ni Zac ang mukha nya sakin.
"Hindi mo kasi alam na yung tinidor ginagamit yan pang kain. Hindi panali ng buhok."
Saka nyang kinuha ang tinidor aa buhok ko. Nakakahiya na nakalimutan ko at napansin nila. Kasalanan 'to ni Daemon! Nakapa demonyo talaga nya.
Saka sila lumakad at iniwan akong nakatayo dun at hawak ang tinidor.Napasabunot ako sa buhok ko habang nag lalakad. Naka bingo agad ako sa kanila. Napag tripan na agad nila akong lahat kahit na hindi ko naman sila inaano kanina. Ano pa bang mangyayari mamaya?
Nag lalakad ako at wala ng pag asa dahil sa sobrang hiyang hiya ako sa mga nangyayari ng bigla akong hawakan ni Bryon sa kamay at isabay ako sa pag lakad."Bryon? Bakit?!"
Naiimagine nyo naman siguro kung paano ako matakot sa lakas at higpit ng hawak nya sakin. Mabilis syang lumakad habang hawak hawak ako hanggang sa makababa kami ng hagdan at papalabas na ng pintuan ng nakita kong nakatayo si Daemon sa gilid ng pinto.
"Daemon!"
Tawag ko sa kanya habang pilit akong pinapapasok si Bryon sa kotse nya. Kita sa itsura ni Daemon ang pag kagulat nang makita nya ako at agad na lumapit sa bintana ng kotse habang papasok palang si Bryon.
"San ka nanaman pupunta at kaylangan mo ng katulong huh?"
Sige na. Katulong na kung katulong. Pero anong gagawin ko. Nakatitig lang ako kay Daemon na nag mamakaawa. Baka maramdaman nya ang kaba ko ngayon.
"Sa RIP."
RIP? Rest in Peace? Rest in Peace?!
"Daemon!"
Hinawakan ko ang kamay nya na nakahawak sa gilid ng bintana. Natawa lang sya at tumayo na ng diretso. Pero bago pa man humarurot ang kotse muli syang yumuko.
"Ipagdadasal kita. Na sana umabot ka ng isang linggo. Alam mo kung anong pinag usapan natin."
Sabi nya saka kumaway at biglang humarurot ang kotse ni Bryon palabas ng gate ng Mansion. Hindi ako makasigaw o makaiyak sa takot at gulat. Nakakapit lang ako sa seat belt at sa upuan habang paikot ikot sya sa kalsada.
Byaheng langit nga talaga ito! Wala syang pakialam hanggang sa makaabot kami ng highway.
Nagagawa nyang sumingit sa mga sasakyan ng walang kahirap hirap. Sa sobrang bilis nya hindi ko na napansin na nakatigil na pala kami, pakiramdam ko nasa byahe pa ang kaluluwa ko.
Binuksan na nya ang pintuan at lumabas. Dahan dahan ko ring binuksan ang pintuan ng kotse at pasuroy suroy ako humakbang."Ano 'to?"
Hindi ko maintindihan kung nasaan kami. Basta ang alam ko maraming tao.
Muli nyang hinawakan ang kamay ko at hinatak papasok. Maingay sa loob akala ko club pero nang makapasok na kami sa gitna Arcade Station pala ito.
"Rest in Popularity gaming center."
Nabasa ko sa may maliit na counter.
"Maupo ka."
Saka nya kinuha ang isang upuan mula sa gilid at naupo ako. Kumuha sya ng wallet at nag labas ng pera. Hindi lang isang libo kundi tatlong libo!
Hindi ako makahinga sa dami ng pera at tokens na kinuha nya kaya hindi na ako tumingin.Hanggang sa muli nya akong hinatak at dinala sa basketball game sa bandang unahan. Nag laglag sya ng token sa dalawang basketball stall at inabot sakin ang bola.
"Ikaw jan, ako dito."
Sabi nya saka nag shoot ng bola. Hindi ko malaman kung matutuwa ba akong makakapag laro ako ngayon o matatakot ako dahil baka may kapalit ito mamaya.
"Mag laro kana. Ang dami pang iniisip eh"
sabi nya sakin saka lumingon sa laro nya. Napilitan akong mag laro pero nang tumagal tagal nakalimutan ko rin ang takot at nag umpisa ng mag laro.

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...