•Love Quarrel

998 28 4
                                    

Matitiis ba ako ni Bryon?
Syempre hindi.
Matapos nya akong iwan at mag sisigaw ng halos sampung segundo ay agad naman syang bumalik at binuhat ako pabalik sa bahay na tinutuluyan namin.

Kaya kong tumayo, pero masyado akong maarte.
Nakaramdam lang ako ng hapdi sa balat at siguradong hindi na ako tatayo.
At yun ang naranasan ko kaya wala nagawa si Bryon kundi buhatin ako.

"Masakit pa ba yang mga sugat mo?"

Tanong nya sakin habang tinatanggal sa pag kakasampay sa pintuan ang shirt nya na ginamit nyang pamunas sakin kanina.

"Medyo, pero hindi naman ganun kasakit na gaya kanina."

Sagot ko sa kanya na sinuot ang shirt nya saka muling naupo sa upuan sa gilid ng kama.
Nakaupo lang ako at nakababa ang aking mga binti sa paahan ng kama.

"Kung ganun. Dito na muna tayo hanggang bukas, ayokong mag reklamo kang masakit ang mga binti mo habang pababa tayo ng bundok."

Sabi nya lang sakin.
Wala syang emosyon at basta nalang nag sasalita na para bang speaker lang dahil wala manlang syang expression.

"Galit ka parin ba?"

Tanong ko sa kanya saka ko sinilip ang mukha nya habang nakayuko sya kahit wala namang dahilan.

"Bakit naman ako magagalit sa'yo? May kasalanan ka ba?"

Tanong nya rin sakin.
Hindi sya galit, nag tatampo sya.
Sya si Bryon at hindi ko alam kung paano sya suyuin.
Si Jaythan pwede pa, pero sya? Ewan ko lang kung hindi nya ako tignan ng masama.

"alam mo, hindi naman joke yung sinabi ko kanina."

Sabi ko sa kanya na tumingin sakin ng walang emosyon.

"San dun? Yung mahal mo ko o yung di ka makatayo?"

Parang gusto ko nalang tuloy bawiin yung sinabi ko.
Panibagong topic nanaman namin 'to para pahabain.

"Syempre yung mahal kita."

Sabi ko sa kanya na sandaling hindi nag salita, pero maya maya ay narinig kong natawa sya.

"Bakit?"

Tanong ko sa kanya na nakangiti sakin.

"Alam mo, hindi yun ganun ganun lang. Okey? Oo sinabi ko na sa'yo ng ilang ulit noon na mahal kita. Pero hindi tayo pareho, hindi pwede mangyari yung mahal kita at mahal mo rin ako okey?"

Nag salubong ang kilay ko sa sinabi nya.

"Ano bang gusto mong sabihin ko? Hindi kita gusto pero dito kalang?"

Tanong ko sa kanya ng may halong inis.
Ano nanaman bang problema nya? Madalas hindi ko sya maintindihan, napaka lalim nya sa mga bagay bagay tapos hindi nya naman magawang ipaliwanag sakin.

"Sana hindi mo nalang ako sinasabihan na mahal mo ko kung ayaw mo naman marinig sakin yun."

Sabi ko sa kanya saka ko sya inirapan at sinubukang tumayo mag isa.

"Aalis ka?"

Tanong nya sakin.
Hindi ko alam kung may pakialam ba sya, pero talaga mahirap makipag usap sa taong bipolar.
Idiniretso ko na ang aking kaliwang tuhod para makatayo ako saka ko itinapak ang kanan.

Inalis ko na ang kalahati ng katawan ko sa higaan at nilagay ang bigat ko sa aking mga binti.
Napakapit ako sa gilid ng kama dahil sa sakit ng aking tuhod pero hindi ko dapat ipahalata dahil nasa harapan ko sya at pinanunuod ako.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon