"You'd just make out with some girl in a vacant room dude!"
Bakit ba parang amaze na amaze pa si Jaythan? Hindi parin mabura sa isip ko kung anong naaktuhan ko bago pa kami maka lagpas sa hallway.
May ginagawa lang namang milagro si Zac kasama ang isang babae sa loob ng room.
Kitang kita sila sa hallway dahil puro bintana, siguro sa kanila normal thing yun pero para sakin jusko! Napaka inosente ng mga mata ko para maka witness ng ganun."Pasalamat ka sila Riley lang nakakita sa'yo."
Saka inakbayan ni Bryon si Zac habang nakaupo sila sa sofa. Hindi ko magawang tumitig kay Zac dahil hindi mawala sakin ang itsura nya. Jusme parang mawawalan ako ng malay
few hours before:
Tahimik lang kaming nag lalakad at patingin tingin ako sa bawat classroom na madadaanan namin nang may nakita akong hindi inaasahan.
"Zac!?"
Parang nag pause lahat nang mapasigaw ako.
Mabilis na nanigas ang katawan ko at kinilabutan sa aking nakita hindi ko magawang mapikit ang mata ko nanatili akong nakatingin sa kanila at nakita kong nagulat yung babae."What the hell Zac!"
Agad tinakpan ni Vicku ang mga mata ko saka ako hinatak payakap sa kanya. Naka libre yakap ako kay Vicku!
"Oh Vicku. Ikaw pala! "
Naririnig ko silang nag uusap ni Vicku, rinig na rinig ko rin ang tibok ng puso nya dahil napaka tangkad nya at hanggang dibdib lang ako.
"I'm Zac bro! What do you expect Zac will do to a new transferry student? "
Tama si Aling perla. Mag ingat nga talaga ako kay Zac dahil grabe sya! Lalong lalo na sa mga bagong tao sa paligid nya.
"Never do that again in front of Riley. Kundi malalagot ka sakin! "
Bakit ba ako napapangiti? Pigilan mo Riley!
Wag kang kiligin Riley, ginagawa 'to ni Vicku sa kahit sinong babae dahil gentleman sya. GENTLEMAN!"Chill! Alam mo sa bahay na natin yan pag usapan. Mamaya marami nanamang babaeng nag lalaway sakin dito pag tumagal pa ta'yo."
Humakbang ang paa ni Vicku at nadadala lang ako at sumasabay lang ako sa paglakad dahil hindi nya manlang muna inalis ang pagkakayakap nya sakin hanggang sa makarating kami ng kotse.
Kasabay pa namin si Zac umuwi.-END-
"Anong masasabi mo sakin Riley? Ang astig ko ba?"
Nag tanong pa sakin si Zac kahit na alam nya namang hiyang hiya ako sa mga nangyari.
"Kilabutan ka nga Zac! Alam mo namang bago palang si Riley. Hindi pa sya sanay sa mga kalokohan mo."
Saka yumakap si Galen sakin.
"Aww, kawawa naman si Baby, gusto mo na ba mag resign? Hahaha"
sinamaan ko ng tingin si Daemon na dumila pa sakin. Si Vicku naman ay naka krus ang mga braso at naka harap samin. Sa gitna ng pag uusap namin biglang sumugod si Alexus at dirediretsong sinapak si Zac.
Napatayo ako pati na sila Bryon dahil na nangyari, napahawak si Zac sa pisngi nya samantalang si Galen ay agad inawat si Alexus na susuntok pa sana ulit.
"Hahaha you're being too serious Alexus. Just because Riley witnessed it? you're being over protective."
Naiwan lang akong nakanganga pati na ang iba nyang kapatid.
Saka sila lumingon sakin."Huh? Wala akong ginagawa sa inyo ah"
Bakit ba sila ang nag bubugbugan? Samantalang hindi naman sila ang naka witness kundi ako at si Vicku pero kami pa itong tahimik lang.
"Gago, si Monica yun! Classmate natin nung kindergarten, yung kalaro mo ng Barbie! I never though you're going to do that to your bestfriend."
Anong klaseng dahilan yun?
Matapos ng sinabi ni Alexus at napuno ng tawanan ang loob ng kwarto. Hindi ko rin napigilang matawa, kalaro nya ng Barbie?"Siraulo! Crush mo ba yun para suntukin mo 'ko huh?"
Nag uumpisa nanaman ang initan sa pagitan ng dalawa. Hindi naman bago ito sakin, dati sinuntok narin ni Daemon si Vicku.
"Tanga! May HIV si Monica! Gusto mo bang mamatay ka?"
Biglang namutla si Zac sa narinig nya, saka naman pumasok itong si Galen sa gitna at kunwaring nag istage play sa harap at saka tumabi kay Alexus at kunwari kinakausap nya ito.
"Mamatay na si Zac. Hindi na sya papasok, nahawa sya ng sakit ng bestfriend nyang si Monica. Sinabi ko na sa kanya noon, makuntento nalang sya sa pag lalaro ng barbie-- aray!"
hinampas ni Daemon ang braso ni Galen na agad napangiwi.
"Para kang tanga Galen. Kung ako hindi ko na ipapa ligoy ligoy pa. Sasabihin ko na kagad na nahawa ng HIV si Zac dahil sa kalandian hahaha."
Ngayon naman nag aasaran sila at kita sa itsura ni Zac na napipikon na sya ako naman pinipilit kong hindi tumawa dahil baka ako ang pag tripan nila.
"Siraulo kayong lahat! Hintayin nyo lang na makaganti ako sa inyo. Pag nakahanap ako ng ikakasira ninyo baka hindi nyo na gusto lumabas ng mansion!"
Saka padabog na lumabas si Zac ng kwarto. Tahimik ang lahat hanggang sa tuluyan nya nanh isarado ang pinto.
"Parang gago hahaha. Natakot yun kaya mag tatago sa kwarto nya, iisipin kung totoo ba yun."
Saka nag tawanan ang lahat.
"Grabe naman kayo kay Zac. Alam nyo ba kung gaano kasakit mag ka HIV para biruin nyo ng ganun?"
Teka! Ay naku ano ba Riley? Bakit ka nakisali? Ano nalang iisipin nila?
Parang gusto kong bawiin yun sinabi ko. Pero nangyari na eh
"Yun nga yung point Riley. Hindi biro ang HIV kaya tinatakot namin sya, umaasa kami na baka matigil nya pa."
Saka ngumiti si Jaythan sakin.
Ano nga bang dahilan? Sigurado may dahilan. Iba iba sila ng pag uugali at tingin ko hindi nila yun natutunan dito sa mansion dahil wala namang ibang makaka impluwensya sa kanila dito kundi sila sila din."Ikaw na nga 'tong naka witness ikaw pa 'tong todo tanggol."
Oo na. Kasalanan ko na sige na. Lahat sila parang nag tataka ang itsura dahil sa ginawa kong pag tatanggol kay Zac.
Sorry na! Hindi ko naman alam na hindi uso ang kampihan dito."Ikaw naman ang baby-sitter namin eh siguro pwede mong tanungin ang pa"baby" na si Zac tungkol dun. Goodluck sa'yo kung sagutin ka nun. "
Sabi sakin ni Daemon na parang nag hahamon.
![](https://img.wattpad.com/cover/98652352-288-k687235.jpg)
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...