•Someone?

1.3K 43 16
                                    

Hindi ko pwedeng sabihin sa kanilang nakita ko si Bryon kahit na hirap na hirap na silang mag hanap kay Bryon.
Dapat isa ako sa mga tumutulong sa kanila pero imbis na ganun ang gawin ko ay lalo silang nahihirapan dahil sa akin.

Bumalik kami sa Mansion ng hindi na kasama si Zac.
Isa pa sya sa mga inaalala ko, pati na ni Jaythan na hindi parin makapaniwalang may anak na si Zac.

Habang tahimik ang mansion ay hindi naman maitikom ni Jaythan ang bibig nya at paulit ulit nyang sinasabi sa akin ang tungkol sa anak ni Zac kahit na isa rin naman ako sa mga nakakalam.

"Yung Loisa? Seryoso ba talaga sya? Kasi baka nag jjoke lang sya tapos umasa lang ako na meron na akong pamangkin."

Sabi nya sa akin habang nasa kwarto kami at panay ang lakad nya sa aking harapan.
Ako naman ay natutulala kakaisip kung sino pa ang taong pwedeng mag text sakin kung wala naman akong ibang nakakasalamuha.

"Jagi? Uy Jagiya~"

Pangungulit na tawag si Jaythan sakin saka ako napatingin sa kanya na nakatayo sa harapan ko.

"Huh? Ano ulit?"

Tanong ko sa kanya.
Napabuntong hininga si Jaythan saka pabagsak na himiga sa gilid ko.

"Ano bang iniisip mo? Si Bryon o yung taong nananakot sa'yo?"

Tanong nya sakin.
Bigla naman akong kinabahan at umiling sa kanya.

"Huh? Hindi ah! Hindi si Bryon ang iniisip ko."

Sabi ko sa kanya.

"Jagiya~ kumalma ka nga, narinig mo lang yung pangalan ni Bryon parang may alam ka kung nasaan sya."

Napalunok ako sa sinabj ni Jaythan sakin.
Napatingin ako sa kanya na nakatingin lang sakin habang yakap- yakap ang isa sa mga unan ko.

"Wala akong alam."

Sabi ko sa kanya.

"Nga pala, may naiisip ka na bang pwedeng gumawa nito sa'yo kung hindi yun si Loisa?"

Tanong ni Jaythan sakin.
Kinuha ko ang cellphone ko na nasa loob ng aking bag at tinignan ang mga message na nakuha ko.

"Tawagan ko kaya?"

Bigla kong naisip.
Napaupo naman bigla si Jaythan sa sinabi ko saka umiling at inagaw sakin ang phone ko.

"Ano kaba? Wag! Baka mapa ano ka pa."

Sabi nya lang sa akin.
Titignan nya pa sana ang messages ko nang bigla kong maalala na nandun pa pala ang text ni Bryon kanina at mabilis kong inagaw sa kanya ang cellphone ko.

Napatingin si Jaythan sa akin ng may pagtataka.
Agad kong binura ang message ni Bryon sakin at dahan dahang iniabot kay Jaythan ang phone ko.

"Sorry, akala ko kasi nakaopen yung data. Baka mabawasan yung load ko."

Dahilan ko nalang sa kanya na hindi nalang nag salita at tinignan ang mga text sakin.
Sana nya ibinalik sakin at burado na ito lahat.

"Pag nag text uli sayo, burahin mo na kagad. Natatakot ka lalo pag nababasa mo eh."

Sabi nya sakin.
Tumango lang ako sa kanya, sandali din kaming walang umikan nang bigla akong napaisip

"Jagiya~"

Tawag ko kay Jaythan na lumingon sakin at tumaas ang mga kilay.

"Sabihin na kaya natin ang totoo tungkol sa kwarto sa mansion? Mukhang hindi kasi talaga si Loisa yun eh. Ayoko namang manghula. Saka nakakatakot narin dahil wala naman akong ibang tao na maisip na gagawa nito."

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon