LABAS MGA WRITERS! MAY SASABIHIN AKO

958 28 8
                                    

Are you a writer? If you are, you need to read this.

Hello guys kamusta?
Hindi pa ako maguupdate ngayong gabi, pero may gusto lang akong i-share sa inyo na application na ginagamit ko para sa Wattpad.

Actually ginagamit ko siya ngayon.
Ang pangalan niya ay speechnotes.

Yan po yung itsura niya sa baba.

Yan po yung itsura niya sa baba

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Pasensya na hindi ko na crop.

Gusto ko lang sana na ipakita sa inyo atsaka para makatulong din dun sa ibang writers.

Itong speechnotes isusulat niya yung mismong sinasabi mo, kaya kung tinatamad ka mag-type o kaya may ginagawa ka, pwedeng i-open mo na lang yung application tapos pindutin mo lang yung mic icon tapos maririnig na niya kung ano yung sinasabi mo.

Pero ito rin yun guys itong application na to Kailangan niya ng wifi, mas mabilis niyang maintindihan yung sinasabi nyo kung malakas din yung wi-fi nyo mabilis sya mag type depende sa bilis ng wifi speed at tsaka kung paano niyo sabihin yung word.

Minsan kasi naguguluhan siya lalo na sa Tagalog kasi diba may mga words tayo na parehas yung basa Pero magkaiba ng spelling gaya ng " nang at ng " "kong at kung"

Actually ginagamit ko to ngayon dahil Tinatamad ako magsulat.
At dahil application siya meron siyang sariling file kung saan doon ka magsusulat tapos pwede mo sya e copy paste doon sa wattpad.

Malaking tulong siya sa akin especially kasi di sa lahat ng panahon kaya kong i-discribe yung sasabihin ko sa isusulat ko. minsan iba yung kinalalabasan kaya maganda talaga gumamit nito.

May mga drama parts kasi na hindi mo na matatandaan lalo na pag ilang minuto mo na siyang iniisip tapos nadala ka na ng feelings tapos Nakalimutan mo na kung paano isulat.

Tingin ko mas nakakatulong to sa mga mahilig sa spoken poetry kasi with feelings Mahirap siyang basta isulat diba?

Anyway guys i-recommend ko talaga na i-try niyo to.
Malaking tulong to super.
Yun pa lang naman sa ngayon guys. para lang may mai-share ako sa inyo for sure magagamit nyo to panigurado.

And for those nga pala na merong story jan pwede nyong i-comment dito sa comment section yung mga story nyo para makita ko pwede ko rin silang i-add sa library ko.

Let's support each other naman at salamat po sa mga talagang nagbabasa ng aking kuwento at talagang nag aabang sa bawat updates.
Pasensya na talaga guys Talagang busy ako sa ngayon Lagi ako wala sa bahay at naghahanap ng trabaho kaya bihira lang ako nakakapag-update Hindi ko nga magawang mag-update talaga araw-araw hindi ko mabuo yung 3000 words inabot na ako ng ilang araw para lang dun sa part 3.

Kaya ayun Pasensya na talaga guys.
Anyway I'm using this application right now at talagang Ang saya niyang gamitin ng bonggang-bongga.

That's all for tonight guys. Mag susulat ako mamayang gabi so hoping na sana tomorrow makapag update ako okey?

Bye!

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon