Cooking class

2.9K 84 8
                                    

Hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin kami lumalabas ng ng kwarto at tahimik parin akong nakaupo sa gilid ng kama samantalang sya ay nakatulala sa kisame habang nakahiga sa sofa.

Kamusta na ang pakiramdam mo?

Tanong ko sa kanya.
Hindi ko nagawang mag react sa sinabi nya kanina dahil naniniwala ako na kaylangan nya lang talaga ng makakasama kagabi kaya yun nangyari.

Okey na ang pakiramdam ko. Salamat sa pag aalaga at pag agaw ng higaan.

Alam kong nag paparinig sya.
At wala akong masasabi dahil totoo naman, gumising ako ng ako ang nakahiga dito imbis na sya dapat dahil sya ang may sakit.

Tandang tanda ko ang buong nangyari kagabi kahit yung mga sinabi nya habang tulog sya.
Pero masyado yung personal para ungkatin ko pa.
Minsan kaylangan ko din bawasbawasan ang pagiging chismosa.

Tumayo na sya at ang unat unat.

Dapat siguro lumabas na tayo. Baka mag taka sila na hindi pa tayo lumabas.

Sabi nya sakin saka tumayo at dirediretsong lumabas.
Naiwan akong nakaupo parin sa kama at pilit na binubura sa isip ang nangyari.
Ang dami ng nakakahiyang nangyari sakin kasama ang magkakapatid, halos sa bawat araw yata ay merong nangyayari.

Sinampal ko ng marahan ang aking mag kabilang pisngi.

Wag mo isipin Riley. Wag mo isipin.

Huminga ako ng malalim saka pinakalma ang sarili.
Hindi naman siguro yun sasabihin ni Bryon sa iba.

Inayos ko na ang kama saka ako lumabas ng kwarto.
Pero nag taka ako ng wala akong naabutan kundi si Galen at Bryon na nag kkwentuhan.
Nakahiga sa sofa si Bryon samantalang nakaupo si Galen sa isa pang sofa sa tabi nito.

Nakahiga sa sofa si Bryon samantalang nakaupo si Galen sa isa pang sofa sa tabi nito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Inagawan nya ako ng higaan kaya inaantok parin ako.

Rinig na rinig ko ang pag susumbong nya kay Galen na walang reaksyon sa pinag sasabi nya.
Lumapit ako sa kanila na kunwari ay walang narinig at saka lumingon sa paligid.

Nasaan sila Vicku?

Napaka tahimik ng bahay at mukhang tatlo lang kaming nandito sa bahay.

Ah. Nasa beach lang sila sa baba.

Sagot sakin ni Galen saka tinuro ang bintana kung saan makikita ang mag kakapatid.
Tumingin ako kay Bryon na dumila lang sakin.
Mukhang nag papakita sya ng kakulitan ngayon, at ngayon ko lang sya nakitang ginawa yun.

Riley.
Tumayo si Galen at lumapit sakin na nag p-puppy eyes.

Bakit?

Nanatili lang akong nakatayo habang papalapit sya sakin saka yumakap mula sa likod ko.

Hoy. Wag mo ngang yakapin si Riley ng ganyan. Ang sakit nyo sa mata tignan.

Nakasimangot nyang sabi.
Hindi na ako ilang kay Galen o kahit kay Jaythan sa ganito.
Sila ang madalas yumakap sakin kahit walang dahilan.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon