Hindi ako makatulog matapos ng marinig ko kay Bryon kanina lang.
Ano bang naging kasalanan ko para masabi nya sakin yun?
May nagugustuhan na ba syang iba?Tahimik kong pinag mamasdan ang ilaw mula sa christmas lights na nasa taas ng aking kama.
Kagabi pa ako ayaw dalawin ng antok at ngayon ay ganun nanaman.Mabuti nalang at huminto na ang mga babaeng nasa labas ng gate sa pag tawag ng pangalan ni Zac.
At least makakatulog naman si Zac ng maayos.Ito ba sila noon bago ako dumating sa mansion?
Hindi na kasi sila naninibago sa kinikilos ni Bryon at mukhang ako lang ang nag aalala.
Si Zac naman ngayon ko lang nakita ang mas malala pa kaysa sa inaasahan ko.Sila ang may pinaka unique na ugali sa mag kakapatid at ngayon nakikita ko sila kung paano silang nahihirapan.
Lalo na si Zac na gusto ng mag bago.
Para sa akin.
Na wala manlang maipag malaki sa kanila.Muli akong tumayo at nag palakad lakad sa kwarto.
Nag hanap ng kung ano ang pwede kong gawin para antukin.
Binuksan ko lahat ng cabinet pero kadalasan naman ay walang laman at halatang wala pa ni isang gumamit."Tulog nanaman ako sa klase nito bukas."
Nasabi ko nalang sa sarili ko nang bigla kong naalala.
"Ngayon pala ang winter concert nila Tracer sa Canada."
Hindi ko alam kung ginaganap na ba ngayon o tapos na, gusto ko man silang kamustahin ay hindi ko naman alam kung paano.
Huling araw nila sa Canada at babalik narin sila dito.
Kung pwede lang sana ay dito nalang din sila tumira para maramdaman nila kung akong nangyayari samin dito.At dahil wala akong nahanap na kahit ano ay muli nalang akong nahiga sa kama at tumingin sa mga ilaw.
Binibilang ang bawat bumbilya peri hindi parin talaga ako dinadalaw ng antok.
Ayoko naman lumabas at pumunta sa kung saan dahil ako lang mag isa.Kinuha ko nalang ang cellphone ko at nag selfie.
Selfie dun.
Selfie dito.
Pose dun.
Pose dito.
Inopen ko ang facebook ko at tumingin ng kung ano ano.Friends ko ang mag kakapatid sa facebook kaya isa isa kong tinignan ang mga profile nila.
At gaya nga ng inaasahan, kulang nalang maging artista sila sa dami ng nakakakilala at sa sobrang sikat nila.Nakita ko ring nakaopen si Vicku.
Napangiti nalang ako dahil sa makakamusta ko na rin sya.Me:"Hi Vicku."
(Sent)(•°•°•)
Napangiti nalang ako dahil nakikita kong nag ttype sya.
Ano nalang kaya ang sasabihin nya?
Kung bakit gising pa ako?(Active 1 minute ago)
"Wow~ ang sweet. Nag log out."
Napakamot nalang ako sa pag kayamot.
Saka ko pinatay ang screen ng phone ko.(Blink)
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang tunog sa message at agad kong kinuha ang phone ko para tignan ang reply ni Vicku.
Zac: Riley? Ba't gising ka pa?
Si Zac pala ang nag chat sakin.
Dali dali akong nag reply sa kanya.Me: wala naman. Hindi lang ako inaantok. Ikaw bakit gising ka pa?
Sagot ko sa kanya.
Zac: baka gumwapo ako lalo pag nag "Pogi Rest" pa ko. Kaylangan ko rin mag puyat para ma stress naman at pumangit ng mga 00000000.01%
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...