•Denial

3.3K 81 0
                                    

Hindi ko nasulit ang lakad namin ni Trician. Dahil gustohin mo man na mag lakad lakad pa ay sya narin ang pumipilit sakin na bumalik.
Kaya ngayon nakasakay ako sa kotse nya at palapit na kami sa mansion.

"Wag kana malungkot. Hayaan mo yayayain nalang kita bukas susunduin kita sa room nyo."

Sabi nya sakin.
Alam kong gumagawa sya ng paraan para mawala ang tampo ko.
At nararamdaman nya yun kahit hindi ko sabihin sa kanya.

"Hindi na Trician. Masaya na nga ako na niyaya mo akong kumain eh. Mag hahangad pa ba ako ng mas marami?"

Sagot ko sa kanya habang papasok kami sa malaking gate ng mansion.

At as always, nandun nanaman sa harapan ng pintuan si Daemon at masamang nakatingin.

"Mukhang galit na galit yang alaga mo ah."

Sabi sakin ni Trician na tinitignan si Daemon habang papalapit ang kotse.

"Kung ako sa'yo. Ipaharurot mo na ang kotse pag kababa ko kung ayaw mong kung ano ano nanaman ang sabihin nyan."

Gusto ko na talaga mag reklamo sa ugali ni Daemon.
Kung pwede lang mag welga mag ia baka ginagawa ko na.

"Sabi ko nga sa'yo sanay ako kay Daemon. Hindi na ko kinikilabutan jan. Saka Prinsipe ako diba?"

Pilit na inaalis ni Trician ang init ng ulo ko habang papalapit kami kay Daemon.
Inihinto na ni Trician ang kotse sa kanyang harapan, lumabas sya at pinag buksan ako.
Hawak hawak ang aking kamay hinila nya ako papalit sa harap ni Daemon na naka krus ang mga braso.

"Ito na. Isinasauli ko na ang baby-sitter mo Baby Daemon."

Pinigilan ko ang aking tawa sa sinabi ni Trician. Pero hindi ko napigilang humagikgik sandali at pilit na nilulunok ang pag tawa ko.
Lalo na ng sa akin tumingin si Daemon.

Hinawakan ako sa mag kabilang balikat ni Trician at iniharap sa kanya.

"Bukas sabay tayo mag breaktime. Okey?"

Sabi nya saka nag thumbs Up.
Ngumiti ako at tumango sa kanya saka nya ako hinila para halikan ako sa noo.
Pero palapit palang si Trician ay agad na hinawakan ni Daemon ang noo ko saka ako hinila paakyat sa hagdan habang naka hawak sa aking noo.
Narinig kong tumawa si Trician at hindi ko sya matignan dahil hinihila ako ni Daemon paakyat sa hagdan ng patalikod.

Bukas nalang. Bye Riley!"
"
Narinig ko si Trician na sumagaw.

"Oo sige. Bye Trician."

At tuluyan na nga akong nakapasok sa pintuan ng mansion.
Nang makatayo na ako ng diretso ay binitawan na ni Daemon ang noo ko, at masamang itusra ang ipinakita ko sa kanya.

"Masaya kana ba na sinira mo ang Date namin ni Trician?"

Wow Riley! Feel na feel mo na nag date ka'yo! O baka para lang mainis si Daemon kaya mo yan sinasabi?
Lalong sumama ang tingin sakin ni Trician at plastic na tumawa.

"Kaylan ka pa nag karoon ng karapatang makipag date sa oras ng trabaho?"

Hindi ako nakasagot sa kanya.
Parang nalusaw ang galit ko at napalitan ng hangin ang mga linyang sasabihin ko dahil nag tanong sya sakin ng isang katanungan na wala akong maayos na sagot.

"A-ahh ah! Pinayagan kaya ako ni Vicku!"

Parang nag snap ang utak ko at napa sigaw ako.
Tama! Si Vicku ang pumayag at walang pag dadalawang isip nya lang akong pinayagan.

"Bakit? Si Vicku lang ba ang pinag sisilbihan mo dito sa Mansion?"

Banat ni Daemon sakin.
Oo na! Sige mali na ko kung mali.
Parang dalawang oras lang naman akong nawala.

"Edi sorry na po kamahalan!"

Pasigaw kong sabi sa kanya.
Hindi na ata kami mag kakabati ni Daemon.

"Bibigyan kita ng 30 minutes. Mag bihis kana."

Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Saka sya lumakas at muling bumalik ng kwarto.
Nag dabog pa sya sa pag sarado at rinig na rinig sa hallway ang pag sarado ng pintuan nya.

"Baliw. "

Napabulong nalang ako sa sarili ko habang pabalik ako sa kwarto.
Bakit ba kahit naiinis ako ay ginagawa ko parin ang utos nya?
Ah! Oo tama dahil pag ginawa ko ang gusto nilang lahat, ay tatagal ako dito sa trabaho ko.
Dali dali akong nag ayos.
Nag palit ako ng damit at nag lugay ng buhok.
Alam ko naman na mahirap bagayan ang mga lugar na pinupuntahan ni Daemon. Di gaya kay Trician na wala kang kahirap hirap sa pakikipag bagay sa paligid.

"Tapos na ang maliligayang araw mo Riley."

Nasabi ko nalang habang nakatayo sa harap ng salamin at handa ng lumabas.
Saka ako lumakad at binuksan ang pintuan.
Nasa hallway na si Daemon at nakasandal sa pader.

"Saan kayo pupunta?"

Napalingon ako sa aking likuran. Su Alexus pala at may hawak ng can ng softdrink na ininom nya habang nag lalakad.

"Wala naman. Gusto ko lang mag dala ng alalay sa pupuntahan ko."

Sagot ni Daemon sa kanya.
Agad kong binuntungan ng tingin si Daemon na papalapit sakin.

"At saan naman?"

Tanong muli ni Alexus sa kanya.
Agad naging seryoso ang itsura ni Daemon sa tanong ni Alexus.

"Tss. Bakit ba ang dami mong tanong?"

Naiinis nanaman sya, at hindi na yun iba para sakin.
Mas okey na ang eksenang ito kaysa sa eksena nya kay Trician kanina lang umaga.

"Naninibago lang. Parang dati ayaw mong may kasama pag may lakad ka."

Sagot ni Alexus sa kanya.
Nasa gitna nanaman ako ng dalawang nag ggwapuhan at nag tatangkarang mga lalaki, na kung makatingin ay parang mag lalabas ng kidlat ang mga mata.

"Mag ddate ba kayong dalawa? Hindi ba Riley, may date kayo ni Trician? Nasaan na sya?"

Nabalitaan nya rin pala
Siguro ay sinabi nila Galen o kaya ay napag usapan nila ni Vicku kanina.

"Katatapos lang namin kumain sa labas."

Sagot ko sa kanya.
Muli akong lumingon kay Daemon na paguhit ng paguhit ang noo at inis.

"Ang bilis nyo naman mag date. Siguro may gumulo sa inyo."

Saka sya nakangiting tumingin kay Daemon na ang talim ng tingin sa kanya.
Natawa lang si Alexus dahil dun saka sya uminom ng softdrinks.

"Well, may mga tao talagang  gagawa ng ibang dahilan para mapag takpan ang totoo."

Sabi pa nito saka nag umpisang lumakad pa lagpas sa amin.

"Dug- Dug- Dug parang may naririnig ata ako. Naririnig mo ba yun Daemon? Parang "HeartBeat?" Ha Ha Ha"

Pahabol pang sabi nito habang nasa tapat ng pintuan ng kanyang kwarto.

Sana maisipan ni Daemon na wag ng umalis.

Sana yung mga nasa utak ko pwedeng mang yari ngayin mismo.

"Tara na."

Nag taka naman ako kay Daemon dahil madalas pag nainis sya ay gusto nyang manatili sa kwarto.
Pero ngayon ay aalis parin kami?
Himala! Nagawa nyang patagusin ang galit mula sa kanang tenga papuntang kaliwa.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon