•Run away Man

1.5K 49 6
                                    

"Sige na. Kayo na sumakay, kumakain pa ko kaya nyo na yan."

Sabi ni Jaythan samin habang nakaupo sya sa gilid at kumakain.
Kanina pa sya kumakain at alam ko ang dahilan kung bakit ayaw nyang tumigil.

Kasi ayaw nyang sumakay sa Rides.

Nakatayo kami ni Zac sa harapan nya samantalang sya ay kunwaring hindi kami nakikita at mag tuturo sa ibang lugar.

"Dun o masaya dun. Sakay kayo dun, kaya nyo na yan."

Sabi nya sabay turo sa paligid. Akala nya hindi ko nararamdaman na ayaw nyang sumakay ng Rides.
Si Zac naman napapangiwi habang tinitignan ang mga malalaking rides na nakapalibot sa amin.

"Sige na, hindi na tayo sa Anchor's away. Dun nalang tayo sa HINDI KAYO MATATAKOT!"

Pasigaw kong sabi sa kanila.
Napatayo bigla si Jaythan at napatanggal ng shades si Zac.

"Hindi ako takot ah."

Mayabang na sabi ni Zac sakin.
Napabuntong hininga nalang ako, nag tatapang-tapangan sila kahit na sa totoo lang kung sasabihin ko na sasakay kami dun ay siguradong mag dadahilan nanaman sila.

Muli akong tumingin sa paligid at may nakita akong rides na tingin ko ay hindi na sila hihimatayin.

"Jan nalang. Hindi naman siguro kayo mahuhulog jan."

Yamot kong sabi sa kanila saka ko itinuro ang bump-n-splash.
Water ride sya na de-pedal. Para syang mga boats sa park kaso isang tao lang bawat isa ang pwedeng sumakay.

"Ay dyan ba? Tara na! Tsk ang tagal naman eh"

Biglang yabang na sabi ni Zac.
Napa buntong hininga nalang ako, bakit ba napaka galing nilang mag maang maangan na kunwari hindi sila takot.
Tumayo na si jaythan at inayos ang sarili.

"Ano? Tara na? Wala kayong pera? Don't worry meron ako marami tsk tsk tsk."

Mayabang na sabi ni Jaythan saka tinapik ang bulsa ng pantalon nya.

"Marami din ako! Pakitaan pa kita eh!"

Sagot naman ni Zac sa kanya, saka inilabas ang wallet nya.
Nilabas din ni Jaythan ang wallet nya.

"May 15,000 cash ako. Oh ikaw?"

Mayabang na sabi ni Zac sa kanya saka ibinuka ang wallet at lumitaw ang makapal na perang papel mula sa kanyang wallet.

"Tss, so poor. 15k lang? Meron akong 25k. Plus! Extra wallet loaded with 6 credit cards. Ano? Nga nga ka?"

Habang tinitignan ko sila na nag papakapalan ng pera, ay naisip ko rin na sana may mailabas din ako para maipakita sa kanila.
Hindi ko lang talaga maintindihan na napaka dami nilang pera kahit na istudyante palang sila.

Halos kahit ata hindi na sila mag trabaho pag graduate ay yayaman parin sila.
Pinah krus ko nalang ang mga braso ko at umaasa na makakaramdam sila na tinatamad na akong makinig sa kanila.
Hanggang sa napatigil sa pag sasalita si Jaythan at tumingin sakin.

Natahimik silang dalawa saka itinago ang mga wallet nila at tumayo ng maayos sa harap ko.

"Tara na! Ano pang hinihintay? Umaandar ang oras."

Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Zac na hinila si Jaythan at saka nauna ng paglakad sakin.
Marami din ang sumasakay sa ride na pinili ko kaya nag antay muna kami sandali hanggang sa nakasakay na kami.

Una akong sumakay at inaantay ko nalang si Jaythan na sa katabi naman hahakbang.
Inalalayan na sya ng kuyang nag babantay para makahakbang, pero hindi mahiwalay ang tingin nya sa tubig na pinag lulutangan ng salbabidang sasakyan nya.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon