•Cactus

3K 86 7
                                    

"Oy Mr. Cactus lumabas kana jan. Akala ko ba may usapan tayo? 7pm na ah!"

Sigaw mo sa kanya mula sa labas ng pintuan.
Kung kanina ay napaka yabang nyang mag hamon at may pasabi sabi pang "wala ng bawian" ngayon hindi ko sya mahagilap at kahit anino manlang ay wala.

"Sir Daemon. "

Muli akong kumatok at nakiramdam. Nakailang tawag at katok na ako pero halos wala akong naririnig na kaluskos mula sa loob ng kwarto nya.

"Baka naman may pinuntahan."

Itinigil ko na ang pagkatok sa pinto dahil baka nga wala akong mausap at isipin ng mga dumadaan ay baliw ako.
Madilim na at malamig ang hangin.
Baka nga nag jjoke lang sya kanina at nauuto lang ako ngayon kaya ganun.

Ang galing nyang mag paasa.

Lumakad na ako para bumalik sa sarili kong kwarto. Wala pa ang ibang mag kakapatid dahil sa nagaganap na school activities.

Kung meron ka nga namang taglay na kahwapuhang kagaya sa kanila bakit mo nga naman sasayangin?
Mula kay Jaythan hanggang kay Zac ay talagang walang babaeng hindi matutulala.
May kanya kanya silang uniqueness na hindi mo kaagad makikita maliban kung magiging komportable sila sa'yo.

Nakanguso akong binuksan ang pintuan ng kwarto ko.

Nakakainis. Akala ko makakagala na'ko.

Bakit ba napaka lupit ng mundo sakin pag dating sa mga bagay na ikakasaya ko naman?

"Hoy Bonsai."

Biglang lumitaw si Daemon mula sa harap ng kanyang kwarto at nakatingin sa akin.
Kahit na malayo ang agwat ng pintuan ng aming kwarto makikita kagad si Daemon dahil sa napakatangkad nga nya.

"Akala ko ba aalis tayo?"

Nakita kong nilock nya ang pintuan ng kwarto nya. At tuwing nakikita ko yun ay naaalala ko si Vicku, kung paano nya ilock ang kwarto nya para hindi ako makapasok.

"Bakit? Sasama ka ba?"

Tanong ko sa kanya na nananatili parin sa harap ng pintuan ng kwarto ko.

"Syempre sasama ako Bonsai. Hindi ako paasa."

Nababasa nya ba ang utak ko? O nagkakaroon na sya ng common sense? Kasi kung ganun ang mangyayari aba napakalaking improvement na nun.

"Ano bang ginawa mo huh? Tawag ako ng tawag sa'yo hindi ka naman sumasagot."

Sabi ko sa kanya saka ako lumakad para salubungin syang nag lalakad din palapit sa akin.

"Wala kasi akong mahanap na damit na bagay sa pang "mahihirap" na lugar."

Nilakasan nya pa ang pagkakasabi nya sa mahihirap, samantalang mayayaman nga lang ang kadalasang nandun. Dahil ang mga mahihirap nag papakahirap para may kitain. Di gaya ng mayaman, may mga trabahador.

Pero teka nga. Meron syang point dahil una sa lahat mahirap ako dahil wala akong kahit ano maliban sa mga nandito sa mansion.

"Ganun ba. Eh yan? Pang mahirap na bang damit yan?"

Tanong ko sa kanya na balot na balot ng jacket. Hindi naman nag kakalayo ang itsura ng mga suot namin.
Ang kaibahan lang yung sakin binili ko lang sa ukay ukay.

"Hindi. Dahil mayaman ako, impossibleng mag hirap ako kaya kunwari nalang pang mahirap ang suot ko."

Ngumiti sya matapos ng mahaba nyang paliwanag na nag paintindi sakin na hindi na talaga mawawala kay Daemon ang angking kayabangan.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon