Here we go!

2.9K 83 2
                                    

Riley. Riley. Nandito na tayo.

Bigla akong napatayo sa upuan ko.
Hindi ko namalayan, nakatingin naman ako sa bintana pero wala manlang akong naramdaman o kung ano pa man.
Baka lumulutang nanaman ang utak ko, o mas masama baka lumabas ng eroplano at pakalat kalat sa mga ulap.

Muli akong sumilip sa bintana at nag eexpect na magandang beach ang makikita ko. Pero hindi isang maluwang na paligid na wala manlang akong matanaw na buhangin.
Nasaan yung dagat?
Ewan ko kung ako lang ba yung klase ng tao na pag sinabing Boracay ay papasok na agad sa utak ang isang White Beach at maraming tao.

Riley, hindi tayo pwedeng bumaba mismo sa Beach.

Sabi sakin ni Zac na nag suot na ng shades.
Si Vicku ay mukhang naidlip at mabilis na tumayo sa pwesto nya.

Saan? Sa Bitch?

Sumingit agad ng tanong si Jaythan na inaantay si Galen sa pag aayos.

Sa Beach!

Pag tatama sa kanya ni Galen.

Bitch?

Beach!

Bitch?

Beach!!!

Nag sisigawan nalang sila at nawala ang atensyon sakin.
Samantalang si Alexus naman ay katatayo lang ng kanyang upuan na agad naman akong tinignan ng masama.
Mainit na agad ang ulo nya sakin at hindi na ako mag tataka dahil lagi naman syang ganun.

Bitch nga sabi ni Zac!

Beach nga ang basa don! B-E-A-C-H!

Bitch!

Ako ba sinasabihan mo?!

Nangingibabaw ang boses ng dalawa sa loob ng eroplano.

Manahimik nga kayong dalawa! Nagiging tanga nanaman kayo.

Awat sa kanila ni Bryon saka lumabas ng eroplano.
Nag tutulakan pa si Galen at Jaythan habang nag uunahan kung sinong unang bababa sa eroplano.

Bumaba narin si Vicku.
Babatiin ko sana sya pero hindi nya manlang napansin ang ngiti ko sa kanya kaya hindi ko na itinuloy.

Hey Gorgeous tara na.

Yaya sakin ni Zac saka inilahad ang kamay para alalayan ako palabas ng eroplano.

Pag harap ko palang sa hagdan na maglalabas sakin sa eroplano, ay napaka lamig at lakas ng hangin.
Dahan dahan akong humakbang pababa habang hawak ni Zac ang kamay ko at nakasunod sakin si Bryon sa pag baba.

Hanggang sa tuluyan kaming nakababa sa eroplano.

Success Riley. Buhay ka pang nakababa ng eroplano at wala kang nakakahiyang ginawa maliban sa napasobra ata ang kain mo sa "tikim" lang.

Pero di naman yun big deal sa kanila.
Ang una kong ginawa at tumingin sa paligid.
Probinsya pa nga talaga itong boracay dahil napakadami pang puno kung ikukumpara sa syudad.
At napaka bongga sa may sariling space ang pamilya ng Ryder na pwedeng pag lapagan ng Eroplano nila. As in Eroplano "nila".

Huy babae. Ano dito kalang?

Bakit ba lagi nalang akong nakatulala?
Hindi ko nanaman namalayan na nag lalakad na pala sila kasama ang isang staff ng eroplano habang hipa hila ang lagayan ng bagahe.
Patakbo akong humabol sa kanila.

Saan na pupunta?

Tanong ko kay Alexus na tanging katabi ko mula sa likod.

Sa Vacation House.

Maikli nyang sagot sakin na para bang ang galing galing kong umintindi.
Alam nya ba kung saan napunta ang utak ko?
Mukha kasing wala syang idea na lutang ako ngayon.
Pero ano pa nga ba ang pwede nyang sabihin maliban sa Vacation House?
Eh dun naman talaga kami pupunta.
Hindi ko nga lang alam kung saan yun banda.

Beach nga kasi!

Bitch nga! Ano bang sinasabi ko?

Umaalingaw-ngaw nanaman ang boses ni Galen at Jaythan ng makalayo layo na kami sa eroplano.

Tumigil nga kayong dalawa! Kanina pa kayo. Gusto nyong painumin ko kayo ng tubig dagat para tumahimik kayo?

Sigaw sa kanila ni Zac na plano pa sanang suntukin sa braso si Galen na agad lumayo sa kanya.

Oh sabi sa'yo eh. Bitch nga kasi! Kaya nagagalit sa'yo si Zac kasi mali mali ka.

Sanay na akong nakikita silang nag aasaran. Madalas naman kasi na sila ang mag kasama lalo na pag may kanya kanyang ginagawa ang iba nilang kapatid.
Habang nag lalakad kami, pansin ko ang napaka gandang view.
Kaya pala kahit malayo layo ay nag lalakad sila.

Nandito na tayo.

Narinig kong sabi ni Alexus habang palapit kami sa isang napaka gandang bahay.
Mas malaki ang Mansion kung titignan, pero kahit na ganun ay kitang napakaluwag parin ng bahay na ito para sa amin.

Isa kang maswerteng Baby sitter Riley.

Nasabi ko nalang sa sarili ko habang pahakbang ako papasok ng bahay na mukhang napaka presko sa loob.

Walang tao dito maliban samin.
Pero di naman ako kinakabahan kahit na ako lang ang nag iisang babae dahil kilala ko naman ang pag uugali nila.
Maliban nalang kung kasama namin si Daemon at huli ko ng nalaman ang tungkol sa kanya.
Pero wala sya ngayon kaya mukhang hindi naman ako mahihirapan sa trabaho.
Maliban lang sa.

Riley. Turuan mo ko mag luto ha. Gusto ko itlog ha.

Hindi ako magaling mag luto.
Tumagal ako sa Mansion na ang ginagawa ko ay mag alaga sa kanila at pumasok sa school kasama sila.

Ha Riley ha?

Muling tanong ni Galen sakin na nag bbeautiful eyes pa.
Wala akong magawa kundi tumango at ngumiti kahit na hindi ko maipinta kung paano ko nga ba sya tuturuan kung maski ako hindi ko alam.

Nang meron pa akong bahay, wala akong panahon para mag luto, saka ang mahal mahal at ako lang naman.
Bakit mag luluto pa? Meron namang luto na o kaya delata.

Riley.

Napalingon ako sa iba pang mag kakapatid na busy sa pag tingin ng mga gamit sa paligid.
Hinahanap ko kung sino ang tumawag sakin.

T-tawag mo 'ko?

Napaturo ako sa sarili ko ng may halong pagtataka.
Tinatawag ako ni Vicku?
Agad akong lumapit sa kanya na ngumiti sakin.

Samahan mo ko umakyat sa second floor.

Yaya nya, agad naman akong ngumiti at tumango saka kami lumakad sa isang simpleng kahoy na hagdan na nasa gilid lang.

Mukhang vintage house itong bakasyunan nila. Siguro ay dahil sa theme nito na parang lumang bahay na punong puno ng bintana at madaling papasok ang hangin.
Pag dating sa taas ay bumungad sakin ang napaka lawak sa salas.
Merong set ng upuan sa gilid ng bintana, ang sahig ay tabla at sliding door ang pinto.

Agad na lumapit si Vicku sa pinaka malaking pintuan sa gilid ng bahay at binuksan ito.
Lumantad ang isang napaka gandang view ng dagat sa terrace at napaka presko ng hangin!
Dali dali akong lumakad para sumilip sa terrace ng hindi manlang maalis ang pagkamangha sa aking mukha.

Teka,Nasaan na yung mga tao?

Alam kong hindi mawawalan ng tao ang Boracay, isa ito sa pinanaka magandang beach at lahat maski taga ibang bansa ay nangarap na pumunta
dito.

Nasa liblib na part tayo ng Boracay nakaharap.
Ayoko kasing makita ang boracay na puro tao ang laman.
Hindi ko sya ma-aapreciate.

Paliwanag nya sakin saka tumabi at kinatatayuan ko.

Nagustuhan mo ba?

Tanong nya sakin.
Ngumiti ako sa kanya.
Para bang mag kasintahan kami at namamasyal ng kaming dalawa lang ng mga oras nayun.

Oo naman. Ang ganda.

Sagot ko.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon