Malambot na kama, maaliwalas na paligid, at may init sa kwarto na sakto para sa malamig na panahon na lumilibot sa mansion mula sa labas.
Siguradong masarap ang tulog ka nito.Mula ng dalhin ako dito si Daemon ay hindi na ako lumabas dahil ayokong maabutan ko nanaman syang nasa harapan ng aking pintuan sa hindi malamang dahilan.
Bukas ng umaga, kung sino man sa kanila ang aalis at mag lilibot ay siguradong hindi ako mag papaiwan.
Sabi kasi ako sa mga tour lalo na sa ibang lugar.
Lalo na ngayon lang ako nakapunta ng ibang bansa.
Salamat talaga sa inyo mag kakapatid na Ryders.Nag palit na ako ng aking pantulog na Minnions na pajamas saka ako gumapang sa napaka laking kama na may makapal na kumot.
Tanging lamp shade nalang ang liwanag pero napaka ganda parin tignan ng paligid.Hindi sya nakakatakot gaya ng iba na parang may umaaligid pag madilim.
Palibhasa hindi naman kasi talaga madilim.
Ang gilid ng mga kisame ay may dim na ilaw na para bang nasa sinehan kaya makikita mo parin ang paligid.At talagang napaka elegante talaga kung titignan.
Napaka swerte kong nakaranas ako ng ganito.
Nahiga na ako saka huminga ng malalim.
Pinatay ang ilaw ng lampshade.
Hinihintay na dalawin ako ng antok hanggang sa makatulog na ako.Pag dating ng mga madaling araw, nakaramdam ako ng lamig sa paligid.
Mas malamig yun kaysa sa kanina na may heater sa kwarto.
Dahan dahan kong idinilat ang aking mga mata at bigla akong kinabahan nang may nakita akong liwanag mula sa pintuan at may anino ng tao.Natulala ako sa kaba.
Parang tumigil ang utak ko at nawala sa isip ko na marunong akong manapak pag kaylangan ko ng self defense.S-sino ka?
Mahina kong tanong sa kanya saka ako napayakap sa kumot ko.
Hindi ko talaga sya makilala pero nag lakas ako ng loob na buksan ang ilaw ng lampshade at tumambad ang mukha ng isang lalaki sa aking harapan.
Napa buntong hininga ako at nataggal ang aking kaba.Hay Bryon. Wag mo naman akong takutin ng ganun!
Sabi ko sa kanya na nakanguso habang dahan dahang isinasara ang pintuan ng kwarto.
Naupo ako ng maayos habang sya ay papalapit at may hawak hawak na malaking blanket na tingin ko ay kumot nya sa kanyang kwarto.Bakit? May problema ba? Nanaginip ka nanaman ba?
Tanong ko sa kanya.
Dati kasi ang nangyari ay nanaginip sya tungkol sa mga magulang nya at wala akong ibang choice kundi ikomfort sya at tabihan.
Umiling sya sakin ng nakasimangot ang itsura at kita din ang kanyang pag kainis.Lumakad sya sa gilid ng aking kama saka inilapag ang blanket sa sahig sa gilid ng aking higaan.
Hindi ako nanaginip.
Maikli nyang sagot sa akin.
Nawalan ako ng kwarto.
Dagdag nya pa.
Nag salubong ang kilay ko sa sinabi nya, may kanya kanya kaming kwarto paanong mawawalan sya?Bakit?
Tanong ko sa kanya na nahiga na at ipinatong nalang ang ulo nya sa kanyang mga braso habang ako ay nakadapa at naka dungaw sa kanya na blanko lang ang itsura.
Tanong mo si Daemon.
Sagot nya sa akin.
Napakamot nalang ako sa sinabi ni Bryon na nakatingin lang sakin.Ang lakas pa ng loob mag sabi na "nasa kabila lang ang kwarto ko" samantalang nang agaw lang pala.
Inis kong paliwanag kay Bryon na nangilid ang ngiti matapos ng sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romansa#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...