let me tell you

2.2K 93 15
                                    

Alam naman siguro ng lahat kung bakit nagustuhan ko si Vicku.
Mula palang nung una lagi na syang nanjan lalo na pag walang magawa sa buhay ang mga kapatid nya at ako ang pinag ttripan.

Pero ang akala kong gusto nya ako ay mukhang mapupunta ata sa para nya akong bunsong kapatid.
Bakit? Kulang ba ako sa pagiging mattured? Masyado ba akong malikot para sa kanya?
Ano bang klase ng babae ang hanap nya?

Baka hindi nya palang agad nararamdaman.
Baka akala nya kapatid lang yung ganung feeling.

Malungkot na sabi ko kay Tracer matapos kong ikwento ang mga pinag daanan ko kasama si Vicku.

Para sa akin Knight in shining armor sya.

Dagdag ko pa.
Napabuntong hininga si Tracer sa sinabi ko habang patuloy ang tugtog ng theme song ng Warm Bodies.

Mukha ka bang Damsel in distress sa kanya?

Tanong nya sa akin.
Para akong napukpok sa ulo ng sinabi nya, tama sya.
Damsel in distress nga ba talaga ako sa kanya o isa lang prinsesa na kaylangan nyang bantayan hanggang sa mahanap nito ang tunay nitong prinsipe?

Muli akong napayuko at ang pag kkwento ng nararamdaman ko ay hindi ko maintindihan kung para ba mag labas ng sama ng loob o para lalo lang masaktan.

Naramdaman ko ang pag akbay sa akin ni Tracer saka ako tinapik mula sa aking likuran.
Atleast mabigat man ang pinag dadaanan ko ngayon, meron namang taong handang makinig sa akin.

Okey lang yan. Hindi lang sya ang lalaki sa mundo. Isipin mo, isa lang ang gusto mo samantalang may anim pang mukhang nag aabang sa'yo.

Sabi ni Tracer.

Apat lang. Bakla yung isa yung isa sisterzoned lang din.

Paliwanag ko sa kanya.

Ah, oo nga Bakla pala yung isa, kung yung isa ate ang tingin sa'yo. Meron ka paring apat Riley. Wag mong sasayangin.

Naririnig ko sa boses nya na parang awang awa sya sa akin habang tahimik akong nakatingin sa sahig ng sinehan at hindi ko malaman kung gaano na ba kababa ang bibig ko sa sobrang lungkot.

Yun nga eh. Apat pa nga sila eeh.

Pareklamo kong sabi sa kanya.
Pakiramdam ko ako na ang may pinaka malaking problema.
Yung mas malaki pa sa mga esquaters na nasa pilipinas. Ganun.

Mahirap talaga yan lalo na kung yung puso mo ipinipilit mo sa iba.
Mas nakaka awa yung apat na nag aantay sa'yo kung mag aantay ka sa ibang tao.

halatang problemado si Tracer sa kalagayan ko habang pinakikinggan ako.
hulog talaga sya ng langit dahil nag karoon ako ng takbuhan mula ng napunta kami dito sa Canada.

Aminin ko na kaya para mag kaalaman na?

patanong kong sabi sa kanya. hindi ko kasi talaga alam kung anong paraan ang gagawin kong iba para malaman ang nararamdaman nya.

bukas pupunta kayong orchastra diba? aminin mo na. kaysa naman umaasa ka.

sagot nya sa akin.
tumango lang ako sa kanya.
gusto ko nalang matulala. halos natapos na namin yung movie at wala manlang akong natutukan dun kahit isang scene.

nag dadalawang isip ako na ewan.
nag halo na yung takot at excitement dahil hindi ko alam kung anong sasabihin nya.

hanggang sa may narinig kaming pag tiit mula sa pintuan ng movie area. merong pumasok kaya napalingon kaming dalawa sa entrance.

what are you doing here? with Tracer?

gulat na gulat si daemon sa nakita nya.
agad syang lumapit sa amin saka ako hinatak palayo kay Tracer na naka akbay sa akin.

Anong ginagawa mo kay riley huh?

galit na tanong ni Daemon sa kanya habang hawak ng mahigpit ang braso ko.
itinaas ni Tracer ang mag kabila nyang kamay saka tumingin kay Daemon.

Dinadamayan ko lang sya. kasi hindi nyo yun magawa sa kanya.

kalmadong sabi ni Trecer sa kanya.

tss. bakit?may problema ba si Riley? wala. walang problema si Riley.

matigas nyang sabi kay Tracer na walang emosyon at nakatingin lang sa kanya.
alam ni Tracer lahat.
at sya lang ang may pakialam.

then ask Riley what she feels right now.

sabi nya kay Daemon saka sya tumayo at akmang lalabas ng movie area. hawak hawak parin ni Daemon ang braso konat nararamdaman ko ang higpit ng pag kakahawak nya.

lahat nalang talaga pina kekealaman mo ano?

galit na tanong ni Daemon sa kanya. napahinto sa pag lakad si Tracer at muling umikot paharap samin.

i'm just concern. what's important to you is also important to me. that is what friends are for.

sabi ni Tracer sa kanya saka muling lumakad at hindi na muling lumingon.

ewan ko sa'yo!

sigaw ni Daemon sa kanya at naiwan na nga kaming dalawa ni Daemon.
binitawan nya ang braso ko at bumulsa. hindi ako lumilingon sa kanya dahil parang ako ang napahiya sa ugaling pinakita si Daemon sa kanya.

anong ginagawa nyo dito?

mahina nyang tanong sa akin.
alam kong nag titimpi lang sya pero wala akong pakialam.

tinatanong kita kung anong ginagawa nyo dito.

ulit nyang tanong.
hindi parin ako sumasagot sa tanong nya.
parang gusto ko nalang muna tumahimik.

anong ginagawa nyo dito sabi!

napatingin ako kay Daemon ng may halong pag kagulat.
galit sya, at nasigawan nya ako.
umaasa ako na magugulat sya sa pag uugaling pinakita nya pero hindi.
mukhang nag aabang talaga sya sa sasabihin ko ng may halong galit.

Lagot talaga yang si tra--

pwede bang tanungin mo naman ako kung okey ba talaga ako?
pwedeng makinig ka muna?
pwedeng wag ka munang magalit?
tanungin mo naman ako sa kung anong nararamdaman ko?
ikaw nalang ba lagi ang nasusunod porke ikaw ang amo ko? huh? Daemon naman minsan bigyan mo naman ako ng oras para sa sarili kong problema!

hindi ko na napigilan ang bigat ng loob ko at halos maluha na ako sa lungkot at galit na nararamdaman ko.

Riley pwede intindihin mo rin ako? Pinapatay na ko ng selos ko!
alam ko ba kung gaano kahirap mag pasensya na apat kami tapos may lumalapit pang iba?
Gusto kong protektahan ka! gusto ko ako lang ang nasa paligid mo at sinasabihan mo ng problema.
Ayokong may ibang tao na nangingialam sa nararamdaman mo!
Gusto ko ako lang pero kaylangan ko mag pasensya dahil meron ding ibang kumukuha jan sa puso mo.
masakit Riley! pinapatay ako ng selos at pag iisip na bukas baka wala na kong chance sa'yo!

nagulat ako sa sinabi ni Daemon sakin.
bigla akong napipi at wala akong nagawa kundi matulala sa kanya na kita sa mga mata ang pagiging totoo ng nararamdaman nya.
hanggang sa unti unti may nakita din akong luha na tumulo sa kanyang mga mata at napalingon sya sa ibang lugar at pasimpleng pinunasan ito ng kanyang palad.
saka muling tumingin sa akin.

Natakot lang ako. na baka sa sobrang pag papabaya mawala ka.

saka nya ako hinawakan sa balikat at hinatak palapit sa kanya at hinalikan.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon