---Riley's POV---
"alam mo bang napakatapang mo para humarap sa ganitong sitwasyon? pasensya na, kung hindi mo kami nakilala siguro wala kang ganitong problema."
Yun lang ang tanging mga salitang hindi ko makakalimutan, ang akala ni Jaythan ay hindi ko narinig, pati ang mga hikbi nya habang nasa kusina ay narinig ko at sobrang sakit nun para sa akin.
Napaka tanga ko para mag mahal ng sobra na kahit alam kong may nasasaktan ako ay wala akong magawa.
Nahihiya na ako kay Jaythan.
Mahal ko sya, pero bakit ganun? Hindi ko makalimutan si Bryon.Bumangon ako matapos ng ilang minutong pag iisip saka muling tumulala.
Umalis na si Jaythan, final exam nila ngayong araw at alam kong maipapasa nya, walang mahirap para sa kanya.Maliban sa pag takpan kung ano ang talagang nararamdaman nya.
Sinabi at ipinangako ko na sa kanya noon palang na mag uumpisa ako ng bagong buhay at sya na ang gusto kong makasama.Alam kaya ko iyon, kung hindi lang bumalik ang alaala ni Bryon at hinayaan nalang ako masaktan mag isa.
Ngayon tuloy ay hindi lang ako ang nasasaktan, pati narin si Bryon at Jaythan.
Habang tumatagal ay napapaisip nalang ako na takasan ang problema.
Pero hindi pwede dahil dati ko na iyong ginawa, ayoko ng maulit ulit na maiwan akong mag isa at ang mag kakapatid parin ang pupulot sa akin.Napaka kapal na ng mukha ko para tulungan pa nila.
Matapos kong kumain at mag ayos ng sarili ay wala na akong gagawin kundi maghintay sa kung ano ang pwedeng mangyari ngayong araw.
Bandang tanghali ay dumating si Jaythan.
Ngumiti sya sakin."Kamusta ang aking Jagiya dito sa bahay?"
Tanong nya saka yumakap sakin at humalik sa aking noo saka naupo sa tabi ko sa sofa.
"Ayos lang. Ikaw, kamusta ang exam mo?"
Tanong ko sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mga mata nya ngunit agad syang ngumiti pabalik."Ayos lang, hindi manlang ako pinag pawisan."
Sabi nya saka pilit na tumawa.
"May gusto ka bang puntahan ngayong araw?
Tanong nya sakin. Umiling lang ako saka ngumiti.
" wala naman. Gusto lang kitang makasama ngayong araw."
Sabi ko sa kanya na tumango lang saka tumayo at iniwan ang bag nya.
"Mag bibihis lang ako."
Sabi nya saka dali daling umakyat.
Napatingin ako sa bag nya at nakita ang exam paper nya.Hindi sya pumasa.
Naisip ko nalang saka mabilis na ibinalik sa bag nya ang exam paper nang marinig kong pababa na sya.
Nakangiti syang lumapit sakin.
"Oh? Bakit parang nalulungkot ka. Nagugutom ka ba?"
Pabiro nyang tanong sa akin.
"Wala ka bang sasabihin sakin?"
Tanong ko sa kanya na halatang napaisip saka tumingin sa akin.
"Mahal kita."
Sabi nya lang saka tumabi sa akin.
Wala akong ginawa kundi tumingin sa kanya nang bigla nya akong yakapin."Mahal kita. Mahal na mahal."
Hindi ko na ginawa pang umimik nun.
Buong araw tahimik si Jaythan, ngumingiti man sya tuwing nasa tabi nya ako ay alam kong hindi totoo ang pinapakita na
Hindi ko na sya pinilit pang mag salita tungkol sa exam nya dahil paniguradong mag hihinala sya sa akin.

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...