Gaya ng naka sanayan, sabay sabay kaming pumasok kahit na ang si Vicku, Daemon at Galen ay hindi naka uniform.
Sabay sabay kaming bumyahe papunta sa school at kahit araw araw pa akong pumasok ay mukhang hindi na mawawala sakin ang kabahan.
Pakiramdam ko ay araw araw may surprises na nagaganap lalo na sa akin pag kasama ko ang mag kakapatid.
Ngayon ay malapit na kami sa gate at narinig ko nanaman ang malakas na alarm at ang unti unting pag bukas ng malaking gate kung saan nag aabang ang mga babaeng nag kakagulo dahil sa kanila.
Dahan dahang pumasok ang kotse sa gate at wala akong ibang magawa kundi tumingin sa bintana habang ang mga babae ay nag kukumpulan sa labas.
Nang tuluyan na itong huminto at nag antay nalang sa aming paglabas ay lalong kumabog amg aking dibdib.
"Uy Riley, okey kalang?"
Tanong ni Galen sakin mula sa aking likuran.
Tumingin ako sa kanya."Kinakababan ako."
Sabi ko sa kanya habang mahigpit ang pag kakahawak ko sa mag kabila kong kamay na parang tinunawan ng yelo sa lamig.
"Ano ka ba, hindi ka pa ba nasanay? Saka don't worry we're here."
Sabi ni Jaythan na katabi ni Galen. Hindi nanaman sila nag hiwalay ngayon.
Katabi ko si Daemon na nag suot na ng shades at handa ng lumabas anytime na buksan na ang pintuan ng sasakyan.Nakikita ko sa labas ang nga tarpaulin at signage ng mga babae na "welcome back Ryders"
sa labas.
Ilang segundo nalang din ang lumipas at narini ko na ang pag click ng pintuan ng sasakyan."Listen Riley, dating gawi. Wag kang hihiwalay o bibitaw samin okey?"
Sabi ni Zac na nasa kabilang gilid ng pintuan kung saan sya ang unang lalabas.
Katabi naman ni Galen at Jaythan si Vicku na nasa likuran ni Zac.Bumukas na ang pinto at pumasok sa loob ng sasakyan ang ingay ng mga taong nasa labas.
Dali daling lumabas ang mag kakapatid na para bang sasabak sa gyera at kaylangan makatakbo agad.Hinintay ako si Galen at Jaythan na makababa saka nila ako inilagay sa pagitan nilang mag kakapatid.
Mabilis kaming lumakad papunta sa aming classroom.
Pero bago pa kami maka abot ay may kung sinong humila sa akin mula sa aking kwelyo at napa atras ako."Mang aagaw!"
*pak*
Isang sampal ang nakuha ko at napatahimik ang mga tao sa paligid dahil na nangyari.
Sinampal ako ng babeng sumampal din sa akin noon.
Pangalawang beses na ito sa harapan ng maraming tao."S-sino ka?"
Mautal utal kong tanong sa kanya.
Wala akong idea kung sino iyon pero kita sa mga mata nito ang galit.
Maski si Jaythan at Galen ay napatigil.Nag si datingan narin ang mga kakapatid dahil sa nangyari.
Hawak ko ang aking kanang pisngi habang nakatingin sa kanya."Loisa?"
Narinig ko mula kay Zac na dumaan sa aking gilid at lumapit sa babaeng nasa aking harapan.
Lumapit ang babae sa kanya."Now you recognized me? Huh! Kaylangan talaga ginagawa ko pa yung mga ganitong bagay ng dalawang beses para makilala mo ko?!"
Sigaw nya saka nya hinamblot ang buhok ko at sabunutan sa maraming tao.
Napahagulgol nalang ako at napaupo sa sahig ng bitawan ako ng babae dahil hinila sya ni Zac.
![](https://img.wattpad.com/cover/98652352-288-k687235.jpg)
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...