akala

2.4K 87 10
                                    

Pag kalabas na pag kalabas ko ng library at makatanggap ng malakas na pag sarado ng pintuan mula kay Alexus, ay sandali akong natulala at pilit na iniintindi ang nangyari kanina.

Nag jjoke ba sya?

Ang sakit kasi sa ulo isipin na "yun" sya.

Dagdag pa yung sinabi nyang alam yun ng lahat maliban sa mga maids.

Eh bakit hindi naman sya tinuturing na "girl" nung mga kapatid nya.

Bakit sya madalas makipag away sa akin?
Baka naman nakaka curious ang ganda ko kaya ganun.

Okey lang, hindi naman kita Crus--

Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang lumingon ako sa hallway at nakita kong lumabas si Vicku ng kwarto nya at tumingin sa akin.
Ngumiti sya saka kumaway sa akin, ako naman ay pasimple ding ngumiti sa kanya saka sya lumapit sa akin.

Nanatili parin akong nasa harapan ng pintuan ng library at hinihintay syang palapit.

Anong ginawa mo jan?

Tanong nya sakin ng nakangiti.

A-a-ah k-kasi...

Parang naiwan sa hangin ag utak ko at hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Nag patulong ako sa mga aso, bakit may problema ka?

Bigla namang singit ni Alexus na binuksan pala ang pintuan at nakatayo mula sa aking gilid.

Buti at nag salita ka.

Wala talaga akong maiiisip na sasabihin lalo na kung kakagaling ko lang sa isang shocking truth.

Ganun ba. Maaasahan ka talaga Riley.

Puring sabi sakin ni Vicku saka tinapik ang ulo ko. Ngumiti lang ako sa kanya, si Alexus naman ay walang sinabi at lumakad na papalabas ng library.
Naiwan kaming dalawa ni Vicku.

Ah nga pala, tungkol sa sinabi kong kakausapin kita.

Sabi nya sakin.
Ako naman ay steady lang na nakangiti at nag aantay sa sasabihin nya.

Tutal lumabas naman si Alexus, sa library nalang tayo mag usap.

Sabi nya saka sya ngumiti at lumakad papunta sa pintuan ng library at binuksan ito saka ako pumasok.
Habang nag lalakad ako pasunod sa kanya ay hindi mo maiwasang mapaisip.

Lord, binibigyan mo na ba ako ng chance para umamin?

Dito nalang tayo.

Turo nya sa isang puting sofa set.
Kagaya nga ng sinabi ko noon, napaka raming upuan dito sa library.

Pwede silang umupo sa kahit saan nila gusto ng hindi nila naririnig ang isa't isa sa mga ginagawa nila.
Tingin ko lahat halos nang mahilig mag basa at mapag isa ay hihilingin talaga ang ganitong klaseng library area.

Naupo ako sa sofa saka sya naupo sa aking tabi, pareho kaming nakatingin sa malaking bintana na nakikita ang paligid ng mansion at tingin ko at pwede rin kaming makita mula sa labas kung may binoculars dahil sa sobrang linis ng bintana.

Ano nga palang sasabihin mo?

Tanong ko sa kanya.
Tuwing nasa paligid sya ay ang awkward talaga, hindi ako matahimik sa upuan, ang mga mata ko kung saan saan nakatingin, kusa din akong napapangiti lalo na pag alam kong katabi ko lang sya.

Kinakain ako ng kilig at ayokong maramdaman nya yun.

Ah, oo tungkol sa gusto kong sabihin sa'yo hehe.

Wag kang ngingiti Riley! Kunwari ay nag tataka ka!

Ngumiti sya sa akin saka may kinuha sa kanyang likuran.
Parang hindi ako makahinga nanlalamig ako na naeexcite na gusto kong maiyak.

Mag tatapat ba sya sakin ng mas bongga sa mga kapatid nya?

Akin na ang kamay mo.

Dagdag nya pa na sabi sa akin.
Namimilipit ang mga daliri ko sa paa kahit na yun lang ang sinasabi nya.
Nanginginig kong iniabot ang kamay ko sa nakalahad nyang kamay.

Saka sya ngumiti sa akin.

Mag bibigay ba sya ng singsing?









































Ito na pala ang sweldo mo.

Biglang nalusaw ang kilig ko sa katawan matapos ng sinabi nya.
Biglang na blanko ang utak ko at natulala sa kawalan.

Inilapag nya sa kamay ko ang sobreng may laman na pera.
At mukhang marami ito, gaya nga naman ng sinabi ni Aling Perla kaya nya napiling manilbihan dito.

Y-yun lang?

Bwiset na bibig yan Riley ano bang pinag sasabi mo?!

Mm mm. Salamat sa buong pusong mag aalaga samin sa isang buwan Riley. Sana ay tumagal ka pa.

Sabi nya lang saka ngumiti at lumakad palabas ng library.
Naiwan akong nakanganga habang nakasunod ng tingin sa kanya.

Nang makalabas na sya ng library ay agad akong dumapa sa sahig at tinakpan ang tenga ko.

Ang kapal talaga ng mukha mo Riley. Kahit kaylan talaga.

Sabi ko sa sarili ko saka ako bumaluktot sa sahig at niyakap ang sarili ko.

Nakakahiya ka talaga Riley. Ikinakahiya kita!

Nababaliw na ako, parang lahat ng nakakahiyang pangyayari mula ng dumating ako dito ay nakikita ko sa aking mga mata.

The best ka talaga! Tinanong mo si Vicku. "Yun lang?" Yun lang? Wow Riley ang lakas ng loob mo mag expect pa mula sa crush mo. Buti nga kinausap ka nya eh, buti nga pinasalamatan ka nya eh.
Buti nga at--

Biglang naputol ang gusto kong sabihin habang sinasambunutan ko nang buhok ko habang nakahiga sa sahig.

Napatingin ako sa kisame ng library.

Buti sana kung magugustuhan ka nya gaya ng kung paano mo sya gusto.

Kumalma bigla ang isip ko at nakaramdam ng pag aalala.
Sinabi na noon ni Galen at Jaythan na lahat ng babaeng dumadating sa buhay ni Vicku ay puro friendzone lang.

Friendzone lang.

Paano nga kung hanggang friendzone lang ang abot ko?
Hanggang bilang isang baby-sitter lang ang tingin nya sa akin?

Siguradong nakakahiya yun.
Yung umaasa ka na baka paglipas ng panahon ay ganun ang mangyari.

Lalo na kung hamak na baby sitter ka lang naman.
Ilang minuto rin ako natahimik sa pwesto ko at nag isip isip.

Saka ako tahimik na tumayo at lumabas ng library hawak hawak ang isang sobra na laman ang sweldo ko.

Naalala ko si Jaythan, sabi nya nga pala ay ilibre ko sya pag sumweldo na ako.

Tutal wala naman akong pag gagastusan gaano, kalahati nalang mula ang itatabi ko dito sa 40k kong sweldo.

Ang kalahati ay ililibre ko sa mag kajapatid kung may time silang sumama sa akin.

Pumasok ako ng kwarto ng lumulutang ang isip sa nangyari.
Bakit nga ba kasi talaga ako nag expect agad?

Naupo ako sa kama at saka ko tinignan ang sweldo ko.
Bayad ito para sa pag sama ko sa kanila at pagpasensya nung mga unang araw.

Pero ngayon pakiramdam ko ay may utang ako sa kanila dahil sa dami ng mabubuting bagay na ginagawa nila sa akin.

Ipinasok ko na muna ang sobre sa aking cabinet saka ko ito nilock.
Kasama sa cabinet ang iba kong papel na nag lalaman ng mga bagay na tungkol sa akin.

Mamaya ko nalang tatawagin si Jaythan at Galen para makapamasyal.

Sabi ko sa sarili ko habang nakaupo sa kama.

Sila nalang ang bahala kung saan kami pupunta.
Wag lang sana sa mamahaling lugar.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon