Puyat.
Yun ang pinaka unang bumungad sa akin ngayong umaga.
Hindi dahil may nangungulit sa akin kundi na-mamahay ang katawan ko.
Sa dami na ng kwartong natulugan ko naisipan ko pa talagang makaramdam ng pamamahay.Babalik na kami sa normal na pasok namin pero ang katawan ko parang hindi parin handa.
Gusto ko pang matulog.
Ang nararamdaman kong pagod ay para bang naipon ng isang buong linggo."Parang ayoko pang pumasok."
Sabi ni Zac habang nag aalmusal kami kasama si Bryon at Jaythan.
"Wag na tayo pumasok. Wag nalang kaya tayong mag aral?"
Sagot naman ni Jaythan sa kanya.
"Baliw."
Sabi naman ni Zac saka inirapan si Jaythan.
Kaninang umaga, pag labas ko ng kwarto ay may naririnig akong sigaw mula sa labas ng mansion.Sumilip ako at hindi yun nag mumula sa pintuan kundi sa gate pa.
Malayo na iyon mula sa mansion pero rinig na rinig parin.
Siguradong si Zac ang hinahanap ng mga babaeng iyon na hanggang ngayon ay nasa labas parin."Malapit lang ba ang school dito?"
Tanong ko sa kanila.
Tumango si Zac saka sumubo ng tinapay.
Hindi ko alam kung gaano kalapit ang "malapit" para sa kanila.
Pero tingin ko ay malapit na ngalang talaga dahil nagagawa na ng mga istudyanteng pumunta dito ng maaga."Hindi ba hahanapin sila Vicku kung tayo tayo lang ang papasok?"
Tanong ko sa kanila.
Lumingon ako kay Bryon na mukhang walang planong makisama sa usapan namin at tahimik lang sa sulok.
Gusto ko man sya kausapin ay baka naman hindi nya lang ako pansinin."Si Vicku nanaman ang hinahanap mo."
Parinig ni Zac sakin saka ako tinignan.
"H-hindi ko sya iniisip ah. Naisip ko lang. Pero hindi ibig sabihin na iniisip ko sya."
Pilit kong paliwanag sa kanya.
Pati na si Jaythan ay tumingin lang din sakin.
Napayuko nalang ako at tumuloy sa pagkain.
Habang kumakain kami ay tumayo na si Bryon."Mauuna na ko sa school. May aasikasuhin lang ako."
Paalam nya samin saka lumakad na.
Hindi manlang sya lumingon sa amin bago pa sya tuluyang lumabas ng kwarto.Nag tinginan nalang kami ni Zac at Jaythan na halatang nag tataka.
"Hindi naman sya nag aaral ah. Anong aasikasuhin nya?"
Tanong ni Zac. Nag tinginan lang sila ni Jaythan.
Maski ako ay walang idea kung saan sya pupunta. Lalo na wala naman syang ginagawa sa school kahit mula noon.Matapos namin kumain ay sabay sabay narin kaming lumabas at pumasok sa kotse na mag dadala sa amin sa school.
"Kuya, sinong nag hatid kay Bryon?"
Tanong ni Zac sa driver ng kotse.
"Sir, hindi po pumasok si Sir. Bryon. Umalis po sya sakay ng motor."
Nag salubong naman ang kilay ko sa pag tataka. Motor?
Meron syang motor?"Meron syang Motor?"
Tanong ko kay Zac at Jaythan na nasa magkabilang gilid ko nakaupo.
"Meron. Pero, hindi na nya ginagamit yun mula nung tumigil na sya sa pag sali sa mga Riot."
Sagot ni Zac.
Nag taka naman ako sa sinabi ni Zac saka ako kinabahan.Hindi kaya may Riot na pupuntahan si Bryon?

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romantizm#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...