••• No regret

821 20 22
                                    

--- Bryon's POV ---

Kaya ko syang pasayahin, mas nauna syang sumaya sakin bago kay Jaythan.

"Bryon."

"Bryon"

"Hey! Bryon."

Narinig ko ang pangalan ko mula sa aking harap, si Daemon pala habang kumakain.

Napainom ako ng juice saka bumuntong hininga.

"Do you feel any regrets right now?"

Tanong sakin ni Alexus.

"Anong sinasabi mo jan? Tch."

Tanong ko sa kanya.

"Na nakabalik yang alaala mo! Eh kung wala ka pang natatandaan, edi sana hanggang ngayon nag tataka ka lang, hindi ka nag hahabol."

Sagot ni Alexus.
Inirapan ko lang sya.

"Kumain ka na, wag mong sasabihing hindi ka papasok?"

Tanong ni Daemon sa akin, napatingin lany ako kayla Vicku, Galen at Zac na may kanya kanyang pinag kaka abalahan.

"Know what? Why don't you mind your own businesses?"

Sabi ko sa kanilang dalawa na nag tinginan lang saka ngumiti ng nakaka asar.

"Si Jaythan ba papasok?"

Tanong bigla ni Galen, nag tinginan sila matapos ng sinabi ni Galen saka tumingin sakin.

"So what if you're talking about Jay? Don't mind me, no need to give some concerns."

Malamig kong sabi sa kanila saka ko sinubukang kumain.

"Kasama sya ni Riley for sure."

Napahinto ako sa pag subo ko ng pagkain matapos marinig ang pangalan ni Riley.

I need to talk to Riley.

Wala akong choice kundi pumasok ngayong araw, sinabihan na ako ni Vicku na madalas na akong wala sa school.
Pero pumasok man ako ay nauna naman akong umalis kaysa kanila.

Wala si Jaythan ngayon at siguradong mag kasama sila ni Riley.
Hindi ko alam kung nasa bahay lang sila o lumabas basta ang alam ko ay pupuntahan ko si Riley.

Nag drive ako papunta sa bahay nila at ang naabutan ko lang ay ang naka lock na gate.

Ngunit hindi napasok sa isip ko na umalis, naupo ako at nag hintay.

Mukha na akong gago, dahil nagagawa ko pang mag hintay dito sa taong ayaw naman akong makita.

Dumating ang gabi at hindi ko namalayan na hindi pala talaga ako umalis sa pwesto ko at walang ibang ginawa kundi makiramdam.

Hanggang sa napansin kong may paparating na ilaw galing sa isang sasakyan.

Madalang ang mga sasakyan na dumadaan dito dahil kaunti palang ang bahay, at sa tagal ng pag hihintay ko ay isa palang ang dumaan sa kotse sa harap ko.

Papalapit ng papalapit ang sasakyan hanggang sa huminto ito kasunod ng kotse ko. Kotse iyon ni Jaythan, mabilis akong tumayo ng marinig ko ang hakbang nila.

"Sana naman sinabihan nyo akong mag d-date pala kayo para naman masira ko ang araw nyo."

Sabi ko sa kanila, pinipilit kong ipakita sa kanilang wala akong pakialam.
Kahit sa loob ko nasasaktan ako.

"Bakit nandito ka?"

Tanong ni Jaythan sakin.
Sa tono ng pag sasalita nya, ay halatang pinapakita nya sa akin na sya na ang umako ng responsibilidad ko kay Riley.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon