Chef Bryon

2.7K 80 3
                                    

Bakit ba babae ang kaylangan marunong mag luto?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bakit ba babae ang kaylangan marunong mag luto?

Problemadong problemado ako habang mag isa sa kusina.
Umaasa ako kanina na tutulungan ako ni Bryon mag luto kaya nya pinaalis si Galen.
Pero hindi pala.
Para lang siguro tumahimik ang bahay.

Pinili kong mag luto ng fried chicken.
Yun lang kasi ang nasa ref na tingin ko ay kaya kong lutuin, saka madalas kong makita sa TV yung mala-"Golden fried chicken"
At bilang isang babae na hindi marunong mag luto, napaka taas ng expectation ko sa sarili ko na magagawa ko yun.

Matapos kong initin ang mantika sa isang malaking kawali, hinanda ko na ang mga manok na ilalagay ko sa umuusok ng mantika.
Hawak hawak ko ang isang sandok ipinatong po ang isang hita ng manok sa sandok saka ako dahan dahang lumapit sa kawali at  inilagay iyon sa mantika.

Isang malakas na tunog mula sa mantika ang pumaibabaw sa kusina.
Para akong ninja na napunta sa kabilang pader ng kusina na kanina lang ay nakatayo sa harapan ng kawali.
Mag tatawag ba ko ng mag rerescue?
Hindi na, dahil walang tutulong sakin.

Lahat na ng klase ng pantakip ginawa ko, mula sa takip ng kaldera, apron, kahit sa gilid ng ref ginawa ko na masurvive ko lang ang pag pprito ng manok.

Uy, tapos kana?

Napalingon ako sa pintuan at nandun si Bryon at naka krus ang mga braso.

Hindi pa po.

Biglang uminit ang ulo ko sa tanong nya.
Stress lang siguro ako dahil hindi ko hilig ang mag luto lalo na bihira lang ako mag luto nung nasa bahay pa ko.

Anong ginagawa mo?

Napatingin ako sa kanya na lumapit sakin saka inagaw ang sandok sa kamay ko.

Do you know "where" to properly use this?

Tinignan ko ang sandok na hawak nya samantalang sya naman ay nag aantay ng sagot ko.

Obvious ba? Syempre sandok yan, pang prito yan.

Anong tingin nya sakin? Tanga?
Nag luluto naman ako kahit papano, kahit na madalas palpak ang kinalalabasan ay marunong akong tumingin ng mga ganun.

Lumapit sya sa isang cabinet at may kinuha.

Ito, ang tawag dito "Tong" ginagamit 'to para makuha ng mas maayos yung pinirito. Get me? Mas madali 'to kasi kaya nyang kunin mismo yung manok at hindi umaasa sa gilid ng kawali para makuha.

Saka nya dahan dahang kinuha ang iba sa mga manok na nasa kawali at inilipat sa isang pansala.

Ito, alam mo 'to? Ang tawag dito Strainer. Do you know its use? Para tumulo yung na absorb na oil ng manok.

Paliwanag nya ulit at saka iniabot sa aking ang strainer at kinuha ang bowl kung saan nakalagay ang iba pang ipprito.

Kung ayaw mong tumatalsik ang mantika, patuluin mo muna ang tubig sa manok. At pinaka importante wag na wag mong hinahagis yung manok sa mantika. Nababaliw kana ba? Para kang di babae ah.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon