Vet

2.5K 89 18
                                    

Umuwi kami sa mansion ng wala akong ibang iniisip kundi ang sinabi ni Bryon.
Bakit may nararamdaman akong ganito sa dibdib ko?

Napahawak ako sa aking dibdib habang nakatingin sa bintana.
Saka ako tumingin kay Bryon na nakasandal sa upuan at natutulog.

Puyat silang lahat dahil sa nangyari at may pasok pa kami mamaya.

Habang malalim akong nag iisip, nakaramdam ako ng pag sandal mula sa aking balikat napatingin ako at si Vicku pala.

Natutulog sya at mukhang hindi nya sinasadyang mapasandal sa akin habang tulog.

Napangiti nalang ako dahil hindi ko naiwasang mapaisip, bakit ko nga ba gusto si Vicku?

Ah dahil sa nung una palang ay sya na ang handang mag tanggol sa akin mula sa mga kapatid nya na ngayon ay isa isa ng nag papakita ng feelings sa akin.

Sya talaga ang tanging pinangarap ko sa mag kakapatid.
Para sa akin sya ang nangingibabaw.

At dahil sa mga sunod sunod na pag amin na nangyayari sa pagitan ko at ng mag kakapatid pakiramdam ko unti unting lumalayo ang chance na makapag sabi ako kay Vicku ng totoo kong nararamdaman.

Bigla akong namroblema, ang hirap pala mag kagusto ng palihim.
Bigla akong napatingin kay Vicku na mukhang naalimpungatan at nagising.

Naku pasensya na Riley.

Sabi nya saka sya dumiretso ng upo.
Ngumiti lang ako sa kanya, ang awkward talaga ng feeling pag masa paligid sya.

Nga pala Vicku.

Nagulat ako sa sinabi ko, anong bang iniisip ko at bigla akong nag salita?
Lumigon sya sakin.

Hmm?

Sagot nya.
Baliw ka talaga Riley. Kahit kaylan.
Humigpit ang pag hawak ko sa gilid ng upuan, anong sasabihin ko?
Hindi naman pwedeng aminin ko sa kanya kung anong nararamdaman ko.

Aah, w-wala wala.

Sabi ko nalang sa kanya saka ako tumingin sa bintana.
Natanaw ko na rin ang mansion mula sa bintana, malapit na kami.

Riley.

Tawag nya sakin saka ako lumingon.
Kalmado lang syang nakatingin sa akin.

B-bakit?

Tanong ko sa kanya.

Pwede ba kitang makausap mamaya?

Bigla akong kinabahan sa sinabi nya.

S-sige.

Sagot ko sa kanya.
Sa pag kakataon kaya na ito pwedeng mag tapat sya sa akin?
Siguro napaka disperada kong babae para mag kagusto sya sa akin.
Alam ko naman na hindi lahat ng bagay umaayon sa kung anong gusto ko.

Nang makarating kami sa Mansion, bumalik sila sa normal nilang mga ginagawa, si Bryon man ay muling tumahimik na para bang walang nangyari.
Ako naman ay mabagal na nag lalakad sa hallway at nag aantay na tawagin ako ni Vicku na may pinuntahan pa mula sa ibang parte ng mansion.

Riley.

Napalingon ako sa likod ko at nakita ko si Alexus na papasok sa library area.
Sumenyas sya na lumapit ako kaya dali dali din akong lumakad at sumunod sa kanya.

Naupo kami sa harapan ng mga asong tahimik na natutulog sa mga cage nila.
Nakangiti si Alexus habang tahimik silang pinag mamasdan. At nakakatuwa syang makita na hindi mainit ang ulo nya.

May sasabihin ako sa'yo.

Sabi nya sa akin saka habang nananatili ang atensyon sa mga asong nasa harapan nya.

Ano yun?

Tanong ko.
Saka sya humarap sa akin ng pag kakaupo.

Sayo ko 'to unang sasabihin.

Hindi ko naman naiwasang mapaisip.
Ano kaya yun? May girlfriend na ba sya at tinatago nya sa mga kapatid nya?

Ang alin?

Tanong ko ulit sa kanya na bumuntong hininga.

Aalis na ko.

Maikling sabi nya sakin.
Nag salubong naman ang mga kilay ko sa sinabi nya.

San ka pupunta?

Tanong ko sa kanya.

Pangarap kong maging veterinarian. Kaya mag aaral ako sa Canada.

Wala akong naisagot sa sinabi nya sakin.
Nakatingin lang ako sa kanya.

Ayokong mabigla sila, dahil nag bigay ako ng pangako na sama sama kami kung saan man kami pupunta.

Ramdam ko ang pag mamahal ni Alexus sa mga kapatid nya.
Kita sa mukha nya ang lungkot na kaylangan nyang pumunta sa Canada dahil sa pangarap nya.

Napaisip isip ko na, itutuloy ko itong pangarap na ito para din naman sa kanila.
Sigurado mag tatampo sila, pero alam ko namang maiintindihan nila ang desisyon ko.

Malungkot nyang sabi sa akin.
Namumula ang mga mata nya at pinipigilang umiyak, ayaw nya naring tumingin sa akin at nanatiling nakayuko.
Hinawakan ko ng mahigpit ang mag kabila nyang kamay saka ako ngumiti.

Pag naging isa kang veterenarian, siguradong magiging proud sila sa'yo.

Sabi ko sa kanya na ngumti sa akin sabay ng pag tulo ng kanyang luha.
Habang tinitignan ko syang ganun ang kalagayan sa harap ko, hindi ko maiwasang maging proud sa kanya.

Isa syang mabuting kapatid, na merong plano hindi lang para sa sarili nya kundi pati na sa kanyang pamilya.
Inilahad ko ang aking mga braso para mayakap sya.
Agad naman syang yumakap sa akin at merong ibinulong.

Kung lalaki lang ako, siguradong magugustuhan kita.

Bigla akong nanigas sa sinabi nya.
Humiwalay sya ng pag kakayakap sakin at nakangiting tumingin sa akin habang ako ay parang natulala at nakatingin sa hangin matapos ng sinabi nya.
Bakla si Alexus?

I- isa kang... Isa kang...

Pautal utal kong sabi sa kanya saka ko sya tinuro na para syang isang multo sa harapan ko.
Muli syang lumapit sa akin saka bumulong.

Alam mo na yun.

Sabi nya sakin.
Kaya pala parang iba ang buhok nya sa mga kapatid nya, mas mahaba kaysa sa iba at mas maganda kung ikukumpara sa buhok ko.
Kaya pala malambot ang puso nya sa mga hayop dahil isa syang sirena.

Para akong naiiyak na hindi ko maipaliwanag habang nakatingin sa kanya na hinahawi at hinahagis hagis ang buhok nya sa harapan ko.

Wag ka mag alala, alam nilang lahat yun pwera sa mga maids kaya hindi na sila magugulat.
Pero sana yung nauna kong sinabi sa'yo. Wag mo munang sasabihin sa kanila, ako ng bahala.

Sabi nya sakin saka tumayo at nag unat.
Ako naman ay halos natulala sa kanya dahil sa mga sinabi nya.

Yun lang. Yun lang ang sasabihin ko.

Biglang bumalik ang boses nya sa pagiging masungit at walang pakialam na si Alexus.

Labas na. Labas labas.

Masungit nyang sabi sa akin.
Dali dali naman akong tumayo at nanatiling nakatingin sa mukha nya habang binubuksan nya ang pinto.

Labas.

Huli nyang sabi saka ako tinulak palabas ng library at binagsakan ako ng pintuan.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon