•Alexus the great

3.4K 91 3
                                    

"Hala! Kalapati yan ah! Yan yung lagi kong nakikita sa kapitbahay namin eh tapos nag papalakpakan sila ng ganito oh"

Chaka ako pumalakpak sa harap ni Alexus habang nasa kwarto nya ako.
Agad nyang hinawakan ang kamay ko para tumigil.

"Taga san ka ba?"

Bigla nyang naisingit na tanong at napatahimik ako.
Wala kaya akong bahay hello.

"Para kang tambay na ewan eh. Sigurado ba si mommy sa pagkuha sa'yo?"

Hindi ako nakasagot sa tanong nya.
Nakaramdam ako ng hiya sa sinabi nya.
Nakakabawas ng kagandahan ang sinabi nya sakin.
Anyway...
Nag dala sya ng kalapati at tinatago nya ito sa mga kapatid nya. Pilay ito at mukhang hinuli ata ng pusa.

"Nakita ko sya sa may gate kanina nung ilalabas ko sana ang kotse ko."

Nilagyan nya ng bandage ang maliit nitong paa.
Nag pupumiglas ito at lumilipad kaya hinawakan ko ang katawan nito.

"Kung hindi kalang sana chismosa, sana walang gumugulo sakin ngayon."

Pasensya na.

"Dadalhin ko sya sa shelter."

Chaka nya ito muling ipinasok sa cage na nakapatong sa mesa.

"Sama 'ko! "

Wala kasi akong magawa dito sa mansion lalo na kung hindi naman nila ako kaylangan.
Madalas meron kaming kanya kanyang buhay.
Sinamaan nya ako ng tingin na nag patingin sakin palayo.
Napansin ko ang kacute-tan ng kwarto nya.
May mga stufftoys ang kama nya.
Pati ang bedsheet nya sky blue na may mga starfish design na para bang nasa dagat sya nakahiga. Meron syang dollphin stufftoys at kung ano ano pang animals gaya ng unicorn.

"Hala meron kang unicorn!"

Saka ako gumapang sa napakalaki nyang kama para kunin iyon.

"National animal kasi yan ng Scotland. Mag aral ka nga! "

Kasalanan ko bang nasa pilipinas ako kaya wala akong alam sa Scotland.

"Saka umalis ka jan. Nakikipasok ka na ngalang sa ibang kwarto, napaka likot mo pa."

Sorry na po ulit.
Ibinalik ko ang stufftoy sa kanyang kama saka ako mabagal na lumapit sa kanya na para bang tutang may kasalanan.
Tumingin sya ng masama sa akin.
Ngumiti lang ako saka lumingon muli sa ibang lugar.

"Hindi ba kayo naboboring dito sa Mansion? Alam nyo ba kung gaano 'to kalaki huh? Hindi pa ba kayo naliligaw dito?"

Sumilip ako sa malaki nyang bintana at natatanaw doon ang garden at ang iba pang pasikot sikot sa harap ng mansion.

"Nababaliw kana ba?"

Biglang kumunot ang noo ko sa narinig kong sinabi nya saka ako lumingon sa kanya na nilagay na ang kalapati sa kulungan.

"Dito kami nakatira, panong maliligaw kami."

Hello! Riley? Tulog ka pa ba? Anong klaseng joke nanaman ba ang sinabi mo kay Alexus. Syempre hindi sya maliligaw!

"Lumabas kana. Pupunta kong Shelter. "

Saka nya muling tinakpan ang kulungan at saka tumayo.

"Sama ko!"

Gusto ko makita yung shelter ng maliwanag pa, saka umiiwas din ako kay Zac. Mahirap na.

"Tumigil ka nga."

Saka nya hinawakan ang door knob para buksan ang pinto.

"Sige, pag di mo ko sinama sasabihin ko sa lahat na may pinasok kang kalapati sa mansion."

Siguro naman ay effective yun bilang panakot sa kanya.
Nilapit nya ang mukha nya sakin pero imbis na iwasan ko ang tingin nya ay tinignan ko rin sya ng diretso.

"Subukan mo. "

Aba, nanghamon pa!
Sige Alexus Ryder hamunin mo ko, hindi mo siguro alam na palaban ako sa ganyan.

"Talaga! Buksan mo nga yang pinto, sasabihin ko sa lahat na may dala kang kalapati sa mansion. Alam mo ba ang gagawin nila? Magagalit sila at sasabihin sa'yo na "nakakahiya Alexus bakit may dala kang ganyan?"

Saka ko pinag krus ang braso ko dahil proud na proud ako sa plano ko.

"Talaga Riley? Tingin mo meron silang pake?"

Tama si Alexus Riley. Tingin mo sinong may pake maliban sa'yo?

Binuksan nya ang pintuan at nag aantay ng pag labas ko.

"T-talaga. Sasabihin ko talaga!"

Tapos tumango lang sya sakin na para bang "sige na. Nag aantay ako"
Humakbang ako palabas ng kwarto at nakikiramdam kung pipigilan nya ko.

$Ito na, nakalabas na ko. "

Ulit ko sa kanya, pero wala syang emosyon.

Nasa gitna na ako ng hallway nang biglang lumabas ng kwarto si Zac.
Dali dali akong bumalik sa harap ng pinto ni Alexus.

"Alexus parang awa mo na. Isama mo na ko."

Pabulong kong sabi sa kanya na nakakunot ang noo sakin.

"Saan kayo pupunta? Mag d-date ka'yo huh Riley babe?"

Kinilabutan ako sa boses na narinig ko.
Si Zac yun at nag eecho sa hallway ang yabag nyang papalapit samin.

"May saltik si Riley. Dalhin mo na sa mental, ako naman ang naisip guluhin matapos kang puntahan sa kwarto kanina."

Nanatili akong nakayuko at halos manigas habang nakaharap sa nakabukas pang pintuan ni Alexus.

"Pansin ko rin yan. Kanina nung nasa kwarto sya, sabi nya halikan ko daw sya. Diba Riley?"

Saka ako kinalabit ni Zac sa tagiliran.
Gustong gusto ko na sya sipain pero hindi mo magawa dahil natatakot akong lumingon sa kanya.

"Iiwan ko sa'yo si Riley. Aalis ako, ikaw nang bahala."

Bilin nya kay Zac saka nya nilock ang pintuan.
Mabilis akong yumakap sa braso si Alexus at nanatiling nakayuko.

"Inlove ata sa'yo yan eh. Tignan mo, parang linta makakapit sa'yo hehe"

Sige na, nakakahiya na kung nakakahiya. Pero hinding hindi ako lilingon kay Zac at makita ang mga mata nya.

"Hoy, babae umalis ka nga."

Saka pilit na hinila ni Alexus ang braso nya, pero hindi ako bumibitaw sa kanya.

"Sige na Axe. Isama mo na, baka umaasa pa syang may makilalang mas gwapo pa satin."

Tinapik nya ako at umikot ako sa likod ni Alexus ng hindi tinatanggal ang pag kakayuko sa braso nya.

"Bye Riley Babe. See you at the school tommorow."

Bulong ni Zac sakin saka ito lumakad.
Nang hindi ko na naririnig na nasa paligid sya ay agad akong tumingin kay Alexus na ang sama ng tingin sakin.

"Hehehe."

Inayos ko ang sleeves ng braso nyang kinapitan ko at kunwari ay tumatawa na para bang joke ang nangyari.

"Nababaliw kana Riley. Tama na, wag kana lumapit sa'kin. "

Saka nya hinila ang braso nya at mabilis na lumakad at naiwan akong nakatayo sa harap ng pintuan nya.

"Alexus, sama 'ko. "

Pero di sya lumingon sakin at tuluyan nang umalis.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon