Tama na Riley!
Wag mo na isipin.
Diba nga yung dapat iisipin mo ngayon ay kung paanong sasabihin mo sa mag kakapatid na papunta na dito si Trician at susunduin ka samantalang kagabi palang ay sinabihan kana ni Daemon na wag sumama?Hay naku.
Hindi ko mapigilang mabatukan ang sarili ko kakaisip.
Parang nag iisip lang ako kanina, ngayon parang ang bilis ng oras.
Bawat tik ng kamay sa oras ay nag ti-tik din ang kabog ng dibdib ko.
Hindi lang si Daemon ang magagalit, pati na si Alexus.
Nakita ko na sila kagabi magalit at ang mga itsura nila, hindi mo talaga maiipinta."Hay naku Riley. Mag isip ka naman."
Halos sabunutan ko ang sarili ko.
Hindi ako pinapayagan ng mag kakapatid, pero hindi ko naman magawang pigilan si Trician sa pag punta.Sa kalagitnaan ng pag lusaw ng utak ko dahil sa stress dulot ng mga nangyayari, ay may biglang kumatok sa pinto.
"Sino yan?"
Unang inisip ko ay si Aling perla na mag tatanong kung may mga labahan ba ako para maisabay.
Pero imbis na pumasok ito, ay muling may kumatok.
Lumapit na ako sa pintuan saka binuksan.
At bumungad si Daemon sa harap ko, napa atras ako dahil sa shock."B-bakit?"
Garalgal na ang boses ko. Makita ko palang syang nakatayo sa harap ko ay nanginginig na ang aking kalamnan, para akong may naririnig na malakas na kulog at nakikitang sumusunod na itim na ulap sa kanyang likuran.
"Dahil sinabi ko na iti-treat kita dahil nanalo ka sa Deal, ngayon ay gagawin ko ang aking pangako."
Sabi nya sakin at tinaas pa ang kilay.
"ano? Treat? Yung as in libre?"
Gusto ko lang manigurado, kahit sa totoo kung ano ano ng pagkain ang pumapasok sa utak ko.
Maging matatag ka Riley.
Mag pakipot ka.
Pero paano yun?
Ano kaba Riley?Kabahan ka nga.
Kanina problema mo lang ay kung paano mag papaalam sa kanila.
Ngayon hindi mo na alam kung sinong ipag lalaban mo."So, mag ayos kana. I'll wait for 30 mins."
Saka sya kumindat at pinakita ang relo nya bago muling lumakad ng nakangiti.
"After 30 mins. Nandito narin si Trician. Ano nalang sasabihin ko?"
Pwede ko kaya sabihing nag eentertain ako ng suitors?
Napapakamot nalang ako at pakiramdam ko dumadami ang wrinkles ko sa batok.
Teka? May wrinkles ba sa batok?"D-Daemon kasi... Pupunta dito si Trician eh. Pero s-sasama ako sa'yo."
Tado practice ako ng sasabihin.
Pero imbis na maging effective, mas lalo kong naiimagine ang magiging reaction nya sakin pag sinabi ko na yun.Pinilit kong umupo.
Kumalma, mag concentrate, tumingin sa good side ng mga nangyayari.Wala Riley. Walang Good side! Tanggapin mo na bibitayin kana talaga mamaya pag nag tagpo yung dalawa.
Kaylangan ko ng humingi ng tawad sa mag kakapatid pati na sa mga nakaaway ko noon palang.
Kaylangan malinis ang konsensya ko sa mga huli kong sandali.Kung ano ano na ang ginawa ko, tumalon sa kama, gumulong, iuntog ang ulo sa salamin at kahit pumasok sa ilalim ng kama para lang kumalma.
Pero na haggard lang ako lalo.
Hanggang sa may narinig akong boses mula sa labas."Si aling perla!"
Napasigaw ako at nakaramdam ng kaunting pag asa.
Kaykangan ko ng counseling kundi baka mag bigti na ako.
Dali dali kong binuksan ang pinto at nakita ko nga si Aling perla na walang ka emo-emosyon.

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...