"Basta! Pag dating ko nag sasampalan sila nun eh. Tapos yung isa grabe pa naman yung kuko parang kay wolverine."
Kwento nya sakin habang nakaupo kami sa kama nya.
Alam ko na kung akong ginagawa nya pag may kasama sya sa kwartong babae.Makipag chismisan at mag kwento ng walang katapusan.
Nung una ay mayabang nya pang ipinag mamalaki ang mga babaeng nag kakandarapa sa kanya.Pero ngayon wala syang ibang ginawa kundi siraan ang mga ito.
Minsan meron pa syang "demo" sa kung paano ang gusto nyang ipakita.
Minsan naman may side A side B pag nag kkwento sya ng dalawang taong nag uusap."Grabe talaga! Pero di ko inawat, wala naman akong pake eh."
Sabi nya. Hindi ko naman naiwasang mapa-hikab na naging dahilan para tignan nya ako.
"Gusto mo ng matulog?"
Tanong nya sakin.
Umiling lang ako sa kabila ng pupungay pungay kong mata at nanginginig na paningin sa antok."Hindi nga Riley. Inaantok kana ba?"
Muli nyang tanong sakin.
Wala na akong ibang magawa kundi dahan dahang tumango dahil hindi ko na talaga kaya.Ngumiti sya sakin saka tumayo at inayos ang inupuan nyang parte ng kama.
"Sige na, matulog kana."
Sabi nya sakin.
Nakatingin lang ako sa kanya, hindi naman pwede na basta nalang akong humilata dahil lang sa sinabi nyang pwede na akong matulog."Ikaw?"
Tanong ko sa kanya.
"Ako?"
Tanong nya saka tinuro ang sarili.
Tumango ako at saglit syang natawa."Syempre matutulog ako. Di naman pwedeng mag salita akong mag isa."
Sabi nya. Yung reaksyon nya ay para bang nag sasabi na "nako maliit na bagay."
Napabuntong hininga nalang ako saka ngumiti sa kanya at nag salita."Zac salamat talaga ah. Pasensya na sa pagiging pasaway ko kasama kayong tatlo, siguradong napapagod na kayo."
Sabi ko sa kanya.
Sigurado ay iisipin nyang nag ddrama ako, pero malaki naman talaga ang pasasalamat ko sa kanila at hindi iyon mapapantayan dahil naging maayos amg buhay ko dahil sa kanilang pito."Naku, maliit na bagay. Para sa taong nag mamahal, hindi mo talaga mararamdaman ang pagod."
Sabi nya sakin habang nakaupo sa paanan ng kama.
At nakangiti sa akin.
Sya ang playboy slash Casanova slash richboy slash hottie na nakilala kong ganito ang pag uugali.Sa kabila ng antok ko ay umusog ako sa tabi nya at naupo ako ng maayos.
"Sigurado ka bang Play... boy ka talaga?"
Pag dadalawang isip kong tanong ko sa kanya.
Sandali syang natawa saka biglang sumeryoso at inilapit ang mukha nya sa aking mukha."Oo, bakit? Nag dadalawang isip ka ba? Gusto mong ipakita ko sa'yo?"
Tanong nya sakin.
Napalunok ako sabay iling sa kanya na unti unting inilalapit ang mukha nya.
Mali ata ang tanong ko sa kanya.Napapikit nalang ako.
Bakit ba pag kaharap ko sila ngayon ay hindi ko na sila magawang patulan? Dati naman ay nasuntok ko na sya pero bakit ngayon ay napakapit nalang ako sa kama at nag aantay ng mangyayari?"Uy, biro lang."
Bigla nyang sabi saka ko naramdaman ang pag pisil nya sa aking ilong.
Dahan dahan akong dumilat at napabuntong hininga nalang ng makita kong nakaayos na pala sya ng upo.

BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Любовные романы#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...