•Floral Gown

1.2K 45 7
                                    

Nakangiti ako kahit hindi ko pa naididilat ang mga mata ko mula sa pag kakatulog.
Napaka sarap gumising lalo na kung napaka saya ng mga nangyari kagabi.

Naupo ako sa kama habang nananatiling nakapikit at kinakapa ang aking tsinelas saka ko ito isinuot.
Humakbang ako ng tatlong hakbang paharap dahil nakatapat lang sa akin ang aking salamin saka ko idinilat ang aking mga mata.

Pero imbis na makita ko ang aking sarili sa harapan ng salamin ay nagising akong masa iban kwarto pala!
Inikot ikot ko ang aking paningin saka ko nakitang nakahiga si Jaythan sa sofa at natutulog pa.
Hindi sya tumabi sa akin pero mabuti narin iyon.

Napansin ko rin ng may mga piraso ng tape ang kamay ko at braso pero hindi naman ito nakabalot sa akin at nakadikit lang.
Nag laro siguro kami ni Jaythan kagabi at sa sobrang saya ay nakalimutan ko na kaya dito ako nakatulog.

Muli kong tinignan si Jaythan habang mahimbing na natutulog at nakatagilid sa sofa.
Mabuti narin at dyan sya natulog kaysa sa tumabi sya sa akin.
Siguradong malalaglag sya pag ganun ang nangyari dahil malikot ako matulog.
Pinulot ko ang kumot na nalaglag sa gilid ng kama at ibinalik ito sa taas.
Anong oras na ba?

Pilit kong inalala ang mga nangyari kahapon pero tinapik ko rin ang aking noo ng maalala ko kung paanong nakita ko si Daemon na nasa likuran namin ni Jaythan kagabi.

"Asan ba yung cellphone ko?"

Tanong ko sa aking sarili saka ko kinapkap ang aking katawan.
Nakasuot ako ng malaking Tshirt ni Jaythan at pajamas ko at nag tataka na talaga ako.
Muli akong tumingin kay Jaythan at pinaki ramdaman kung tulog sya at mukhang mahimbing parin.

Kaya lumakad ako padaan sa harapan nya dahil lalabas na ako ng kwarto at hahanapin ang cellphone ko.
Dahan dahan kong pinihit ang doorknob saka ako lumabas at dahan dahan sanang isasarado ang pinto.

"Hanap mo 'to?"

Biglang may nag salita mula sa aking likuran dahilan para mapatingin ako sa aking likod at masandalan ang pintuan kaya malakas itong sumara.
Si Daemon pala, hawak ang cellphone ko.

"Sssshhhhhhh!!!"

Sabi ko kay Daemon saka ako ng ssshh sign.
Agad namang hinampas ni Daemon ang kamay ko.

"Tumigil ka nga. Ikaw 'tong maingay may gana ka pang mag sshh shh jan. Oh! Sa susunod wag mong iwan sa labas. Burara."

Saka nya iniabot sa akin.
Nilakihan ko sya ng mata saka ko kinuha ang cellphone ko sa kanya.

"Pasalamat ka nakita ko yan at hindi iba. Kung iba ang nakakita nyan baka tinapon na yan. Tignan mo naman huh! Prehistoric time pa ata ginawa."

Sabi nya sakin habang naka kontrabidang tingin at saka lumakad palayo.

Ang aga aga, nan bbad trip. Kitang kagigising lang ng tao eh.

At dahil nakuha ko na ang phone ko ay agad ko itong chineck dahil baka may ginawa sya ditong kung ano o kaya kumuha ng picture ko.
Habang iniisa isa ko ang mga file at mga icons ng phone ko ay may napansin akong kakaiba.
Mga application atang ngayon ko lang nakita, o baka nakuha ko kahapon ng hindi ko matandaan?

At dahil mas madalas totoo ang unang hinala ay hindi ko nalang ito pinansin.
Baka kung ano anong pumasok nanaman sa cellphone ko ka susubok ng mga VPN proxy para lang makatipid sa internet.
Chineck ko ang oras.

6:45 am palang.

Bakit naman ang aga kong magising?
Pag maaga pa naman ako nagigising ang bilis kong magutom.
Eh paano naman sila Vicku? Anong oras sila gigising?
At dahil sa inis ko sa sarili ko dahil wala na halos natiramg antok sakin ay naisipan komg hanapin si Daemon at kulitin.

Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon