Okey now?

1.8K 51 3
                                    

"Okey na? Alam mo na? Masaya kana ba huh?"

Tanong ko kay Galen habang pupunas punas pa ako ng luha at may tissue sa ilong matapos ng usapan namin kanina.
Buong puso kong kinuwento ang buong detalye.
Buong buo!
Tapos sya, wala manlang ibang reaksyon kundi tumango at akbayan ako.

"Okey lang yan. Ayaw mo nun, kapatid mo na si Vicku? Ibig sabihin kapatid narin kita."

Nakangiti nya pang sabi.
Cheer na cheer sya with may pa heart heart pa na shape ng braso sa kanyang ulo.
Napangiwi nalang ako sa kanya.
Nakaupo lang kami ni Galen sa gilid ng hallway nang mapansin ko na nag lalakad si Bryon at may kausap papunta sa dereksyon namin.

Hindi ko maiwasang mag taka dahil parang galit ang itsura nya.
Naririnig ko sya habang papalapit sya ng papalapit.
Halata sa mga kilos nya at sa pag hawak nya sa batok pati na sa masasamang tingin sa paligid.

"Don't give me a shit you Bitch!
You can't scare me like that tss."

Matigas nyang sabi.
Nag katinginan nalang kami ni Galen dahil sa mga naririnig namin.

"Tang*na, ano bang pinag mamalaki mo?! Wag mo kong gaguhin dahil mas gago ka sakin!"

Dagdag pa ni Bryon.
Nakakatakot sya mag salita at hindi ko sya narinig na mag salita ng ganun noon.
Kahit sa mga lalaking nakaaway nya nung dati kaming mag kasama at mapa-away sya.
Naninibago ako sa kanya.
Sinusundan ko lang sya ng tingin habang nag lalakad sya.
Nagulat lang sya at natigil sa pag sasalita ng nakita nya kami ni Galen na nakatingin sa kanya nang matapat sya sa amin.

Itinago nya kaagad ang kanyang cellphone sa bulsa at humarap sa amin.

"Anong ginagawa nyo jan?"

Tanong nya ng kalmado sa amin.
Nakatingin lang ako sa kanya na sandaling tumitingin sa akin at muling haharap kay Galen.

"Nag kkwentuhan lang kami."

Sagot ni Galen sa kanya.
Napahawak lang si Bryon sa kanyang batok saka tumingin sa akin.

"Ikaw? Bakit jan nyo naisipang maupo? Maraming mauupuan at kwarto jan ah. Para naman walang makarinig sa pinag uusapan nyo at hindi kayo nakakakalat."

Masungit nyang sabi.
Seryoso ba sya?
Para naman walang makarinig sa pinag uusapan namin o para walang makarinig sa kanya?
Hindi na ako sumagot sa kanya dahil mukhang mainit ang ulo nya.
Bigla nalang syang lumakad at hindi na nag paalam.
At naiwan kami ni Galen.

"Galit yun? Nag away kayo?"

Tanong ni Galen.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi naman sya madalas ganun."

Sagot ko nalang.
Wala akong idea kung sinong kausap nya o kahit ang mga kaybigan nya dahil wala pa naman akong nakikitang kasama nya kahit sa school.

"May nakikita ka bang mga kaybigan nya? Madalas kasi kayo lang nakikita kong kasama nya."

Tanong ko kay Galen.
Sandaling tumingin sa kisame si Galen at nag isip nang biglang nanlaki ang mga mata nya at tumingin sakin.

"Oo meron. Marami! Pero ngayon hindi na sila mag kakasama, syempre may kanya kanyang priorities, may kanya kanyang yaman na inaasikaso.
Alam ko hiwahiwalay na sila eh.
Kaya ayun, walang choice si Bryon kundi sumama samin. Isa pa ikaw, kaylangan nasa paligid sya ng nililigawan nya.
Maraming kaaway yun sa Bryon pero hindi ko na sila nakikita kaya baka wala narin yun. Tumahimik na siguro."

Sagot ni Galen sakin.
Napaisip akong bigla.
Kung wala na ang grupo nila at hindi narin nag paparamdam ang mga kaaway ng grupo nila Bryon,
Bakit sya galit?
May pinag dadaanan ba sya na hindi nya sinasabi sakin?























Beauty and The seven Beast || Complete ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon