#B7B
Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder.
Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...
Matapos ng isang oras na pahinga at pag tingin ko sa paligid ay nag umpisa ng magyaya ang mag kakapatid na pumunta ng beach. Nakaready na yung sasakyan. Sabi ni Bryon na kagagaling lang sa labas. Bakit pa sasakay? Nanjan lang naman yung dagat sa malapit ah. Tinignan ako ni Zac saka bumewang at tinuro ang sarili nya. Ito? Itong mukha at katawan ko itatago ko? Tss no, no, no way! Saka sya umiling at hinubad ang shirt nya sa harapan ko.
Mabilis namang lumapit si Jaythan at tinakpan ang mga mata ko. Ay wag ganyan! Wag mong tinatakot ang baby natin Zac. Sabi nya pa saka ako pinaharap sa kanya. Buti nalang at mabilis natakpan ni Jaythan ang mga mata ko, kung hindi baka tumutulo na ang laway ko ngayon. Inuumpisahan ko lang. Baka himatayin sya mamaya pag nilabas na natin ang mga bench bodies natin tsk tsk.
Mga Bitch bodies. Dagdag pa ni Jaythan habang pinatatabi ako kay Galen na nag hahalungkat sa bag nya. Naupo ako sa tabi ni Galen. Anong hinahanap mo? Baka pwede kitang tulungan. Nakanguso syang tumingin sakin saka muling nag halungkat sa bag nya. Wala kasi akong maisip na maisuot para mamaya eh. Malungkot na sabi nya sakin saka isa isang nilabas ang gamit nya.
Tumayo din sa aking likuran si Bryon habang nakatingin sa labas mula sa malaking bintana. Ay, mag bbrief nalang ako hehe Sabi naman ni Galen na nakangisi pa sa akin. Yuck. Maumay ka nga Galen. Sabi naman si Bryon mula sa likod ko. Hindi ko napigilang tumawa sa kanilang dalawa.
Pero agad ko ring napansin na wala ang dalawa sa mag kapatid. Si Vicku at Alexus. Dahil may kanya kanyang ginagawa ang mag kakapatid at ako ay parang pusa na panay ang lakad at lapit sa kanila dahil hindi ko alam ang gagawin, ay lumabas nalang ako ng bahay para hanapin ang mag kapatid.
Napaka ganda dito. Makakapag pahinga ka nga talaga at malilimutan mo ang stress sa buhay pag dito ka nag bakasyon. Para kang wala sa Boracay pag dito ka nagpunta dahil walang bakas ng turismo dito. Malayo layo din siguro ang beach kung nasaan ang mga tao kaya kaylangan pang sumakay.
Tuloy tuloy lang ako sa paglakad pabalik sa dinaanan namin kanina nung papunta palang kami. At nakita ko ang dalawang sasakyan na tingin ko ay gagamitin papunta sa beach. Napaka gaganda ng mga sasakyan na iyon, pero hindi ko na siguro kaylangan magulat dahil wala namang pangit sa sasakyan sa Mansion. Yung sasakyan na ginamit ni Bryon habang nakasakay ako ay isang araw lang din at mabilis na napalitan. Talaga sigurong nag uumapaw ang yaman ang mga Ryder.
Riley? Napalingon ako sa lalaking nag tanggal ng sun glass na palapit sakin. Si Vicku pala. Bakit nandito ka? Hindi ko pa naman kayo pinapatawag ah. Sabi nya sakin. Ah wala kasi akong magawa dun eh kaya nag lakad ako. Paliwanag ko sa kanya na tumango lang.
Oy babae. Anong ginagawa mo dito? Nakita ko si Alexus na galing sa pababang kalsada. Dun siguro dadaan ang sasakyan mamaya. Hindi ata sya pinapansin nung apat dun kaya lumabas. Paliwanag si Vicku sa kanya. Ngumiti lang ako habang nakakunot ang noo ni Alexus habang papalapit samin. May susuotin kana ba? Wag mong sabihing yan na yun? Saka nya tinuro ang damit ko. Bakit? Maayos naman ah.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Natawa si Vicku sa sinabi ko at tinignan ko lang sya dahil hindi ko maintindihan kung ano bang ibig nilang sabihin.
Mag bihis na ng bagay sa Beach. Meron ka bang damit pang beach? Alam ko yun? Yung pang swimming? Yung madali kang makakagalaw? Yung mukha namang pang swimming. Meron? Pakiramdam ko inaasar ako ng dalawang ito. At mas nakakapikon sila kesa sa iba nilang kapatid. Lalo na dahil minsan ko lang naman sila makitang ganito di gaya ng iba nilang kapatid.
Meron syempre. Babalik na ko mag bibihis ako ng bagay sa swimming! Pasigaw kong sabinsa kanila na halatang pinipigilan ang pag tawa. Pero nang humakbang ako ay hindi ko napansin na may natapakan pala akong bilonggang bato at nawalan ako ng balanca.
Napapikit nalang ako at nag aantay sa mangyayaring kahihiyan. Pero hindi yun nangyari. Dumilat ako at nakita ko sa harapan ko si Vicku na hawak ang kamay ko at naka alalay sa aking likod. Para nya akong sinasayaw sa itsura namin. Pero napansin ko si Alexus. Naka hawak sya sa bewang ko at sa kanya ako tuluyang napasandal kaya hindi ako natumba.
Nagtinginan ang dalawa at hindi ko halos maigalaw ang katawan ko dahil pareho silang mahigpit ang hawak sakin. Bitawan mo si Riley. Narinig ko si Alexus sa likod ko at mukhang seryoso sya. Umalis ka sa likod ni Riley. Kaya ko syang alalayan para tuluyang makatayo. Sagot sa kanya ni Vicku. Pumapa-gitna ako sa dalawa na mukhang nag kakainitan.
K-kaya ko na. Ako na bahala. Salamat. Saka ko kinuha ang balance ko para makatayo sa sarili kong mga paa. Tumingin sakin si Vicku saka muling kumalma ang itsura at bumitaw na sa pag kamahawak nya sa aking likod. Pati si Alexus ay unti unting niluwagan ang pagkakahawak sa bewang ko at umatras para makatayo ako ng maayos.
Pakiramdam ko pulang pula ang mukha ko sa hiya. A-alis na ko. Sabi ko lang sa kanila at nag bigay ng maikling ngiti at kaway saka ako dali daling lumakad pabalik sa bahay. Panay ang pag inhale- exhale ko habang nag lalakad para lang makalimutan yung nakakahiyang pangyayari hanggang sa naka balik na ako sa bahay at nasa lubong ang nakashorts lang na si Jaythan, Galen at Zac. Si Bryon ay nakasuot ng puting sando.
Hey gorgeous. Parang hihimatayin kana agad aah. Singit ni Zac at saka nag tinginan sakin ang iba pang magkakapatid. Pero imbis na mag react ako sa mga nasa aking harapan, ay hindi maalis ang isip ko sa nangyari. Alam kong nag uumpisa nanaman sila mag biruan, pero napaka manhid ang utak ko sa ngayon.
Mag asikaso kana Riley. Sasama ka diba? Tanong sakin ni Bryon na nag sabit ng tuwalya sa balikat nya. O-oo mag bibihis na ko. Saka ako dali daling pumunta ng banyo dala ang bag ko. Sana hindi na ganito ka grabe yung pakiramdam ko mamaya. Ayoko ng ganito ka awkward na feeling lalo na mamaya. Kaylangan ko mag enjoy, kaylangan namin mag enjoy lahat.