#B7B
Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder.
Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...
"Namiss kita. Pakiramdam ko mamamatay ako pag hindi pa kita nakita ng mas matagal pa."
Yun ang mga katagang lalong nag pamiss sa akin kay Bryon. Halos maluha ako nang muli ko syang makita. At ngayon ay yakap ko rin sya ng mahigpit.
"Kamusta kana?"
Tanong ko sa kanya nang napalingon ako sa kanya na hindi halos maipaliwanag ang itsura habang tinitingnan ang paligid ng aking mukha. Hinaplos nya ang aking pisngi saka sumagot.
"Maayos na. Kahit sandaling makita kita okey na yun para sa ilang araw."
Sabi nya sakin. Kumunot ang noo ko at napabitaw sa pag kakayakap nya sa akin.
"Aalis ka nanaman?"
Tanong ko sa kanya na malungokot ang itsura.
"Pero bakit?"
Muli kong tanong sa kanya na napahawak sa batok nya saka napayuko at bumuntong hininga.
"This is not the right time for you to know Riley. "
Malungkot nyang sabi sa akin. Muli syang tumingin ng diretso saka nya ako muling niyakap ng mahigpit.
"Bryon, ano ba talagang problema?"
Tanong ko habang nakayakap sa kanya. Nanatili lang syang nakayakap sakin.
"Bryon."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Muli kong sabi sa kanya saka ko tinapik ang likuran nya. Pero hindi sya sumasagot, nanatili lang syang nakayakap sakin. Pumikit ako, pinakiramdaman itong pag kakataon na nandito sya sa harapan ko. Nahahawakan ko, nakakausap at nayayakap ko.
"Sana tumigil ang oras, sana ganito nalang. Sana, wala ng sana."
Mahina nyang sabi sa akin. Saka ko naramdaman ang malalim nyang pag buntong hininga saka sya mulinh humarap sakin.
Nakatingin lang ako sa mga mata nya, at sya naman ay parang may pinahihiwatig mula sa mga titig nya.
"Ngayon ko nalang ulit natignan ang mukha mo."
Sabi ko sa kanya saka ako ngumiti. Ngumiti sya pabalik sa akin, hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilang mamula mung mga panahon na yun. Pero nalungkot din ako kahit may ngiti sa aking mga labi.
Hamggang sa bigla kong naisip ang mga kapatid nya at bigla akong napaturo mula sa pinang galingan ko.
"Nga pala. Dapat sabihin natin sa mga kapatid mo na nandito ka!"
Excited kong sabi sa kanya saka ako humakbang pero agad nyang hinawakan ang kamay ko at napatingin ako sa kanya.
"Diba ang sabi ko wag mong sasabihin sa kanila?"
Seryoso nyang sabi sakin. Napahinto ako sa plano ko sanang sabihin ang magandang balita.
"Diba sinabi ko rin sa'yo na wag kang tatawag sakin? Hayaan mong ako ang tumawag sa'yo."