Hindi ko napigilang mapa buntong hininga habang tinitignan ang facebook ko at makita ang napaka daming shares ng picture ko kasama ang mag kakapatid.
Hindi ko naman inakala na pipilitin pala ni Zac na mag karoon silang mag kakapatid ng picture na kasama ako.
At ngayon, naging instant celebrity ako."P.A lang bes. May chance pa tayo... "
"Pasikatin natin. Ginalingan eh."
" Nag lalandi siguro 'tong P.A na 'to...""Anong tingin nya sakin? Aso?"
Napayuko nalang ako habang nakaupo sa may kusina.
Kung pwede lang tanggalin ang alaala ng isang tao baka inisa isa ko na sila.
Mag isa lang ako ngayon dahil nauna na si aling perla umalis pagkatapos namin kumain."Anong gagawin ko?"
Alam kong ang tunay na maganda maraming bashers.
Pero wag nyo naman ako biglain.
First time ko lang ito!"Oy babae."
Napatayo agad ako ng may bumulong sa tenga ko mula sa likod.
"Alexus."
Wala akong reaksyon matapos kong makita ang pag mumukha nya na nakanguso sakin. Saka ako muling umupo at napayuko.
Kung tatanungin nya ako kung bakit ako ganito, sasabihin ko talaga sa kanya."Mag reresign kana ba bukas?"
Simpleng tanong nya habang kumukuha ng lata ng softdrinks sa ref. Lumingon lang ako sandali sa kanya at muling yumuko.
Narinig ko ang "hiss" nang inumin nya ng buksan nya ito."Para kasing nalulungkot ka eh."
Pag titripan nya nanaman ba ako ngayon? Kung pwede wag muna kasi wala talaga ako sa mood ngayon at baka masuntok ko sya.
Lumakad sya at tumayo sa harapan ng mesa. Hindi ko sya nakikita pero nararamdaman ko sya sa harap ko.
"Bakit ba?"
Gaya nga ng sabi ko kanina kung mag tatanong sya kung bakit, sasagutin ko talaga yun dahil kaylangang kaylangan ko mailabas ang nararamdaman ko.
Inaangat ko ang ulo ko at nakasimangot na tumingin sa kanya na wala manlang reaksyon."Dahil lang sa picture, ang dami ko ng Bashers."
Mangiyak ngiyak ako sa sobrang problemado.
"Oh? Ano naman kung may Bashers ka?"
Yung pag hikbi ko biglang naputol sa sinabi nya at tiniginan ko sya ng blangko at uminom sa harap ko.
"Seryoso ka ba?"
Anong akala nya sakin?
Natutuwa sa nangyayari sakin ngayon?"Tanungin mo si Zac kung bakit ginagawa nya yan sa'yo."
***
"Nakalimutan mo na ba? Sinuntok mo ko.
Tingin mo magiging mabait ako sa'yo ng ganun ganun lang?"Confirm. Isang pag hihiganti pala ang ginawa nya sakin.
Kaya pala parang naninibago ako sa kanya at napaka bait nya ng mga panahon na yun.Napaka galing na pag hihiganti Zac.
"Ngayon, anong masasabi mo? Anong feeling na kinakain kana ng mga Bashers huh? Masarap bang palibutan ng mga Fans at mga taong patay na patay sakin?"
Yabang na yabang ang itsura nya habang nakaupo sa harap ko.
Oo na. Lahat sila nandun pati na sa Vicku na tahimik na nakikinig.
Mas nakakahiya pa dahil nakatingin talaga sya sakin di gaya noon na nag bibingi bingihan lang.
Parang maiiyak ako."Ilang parusa ba ang kaylangan mo para masabi mong nakaganti kana?"
Nagawa na nya akong imudmod sa pagkain noon.
Hanggang ngayon ba hindi parin sya kuntento sa bawi nya sakin?"Forever's not enough. I guess?"
Saka sya nag bilang sa mga daliri nya at tumango.
Vicku. Ipagtanggol mo naman ako kahit ngayon lang.
Kung kaya ko lang makipag mind communicate baka lahat ng paninira at sumbong tungkol sa mga kapatid nya ay sinabi ko na sa kanya. Pero hindi eh nakaupo lang sya at nag aantay na sabunin pa ako ng sabunin ng mga kapatid nya.
"Mag resign kana kasi para matapos na."
Gustong gusto na akong paalisin talaga nitong si Daemon. Hindi ko alam kung ilang beses nya na sinasabi sa isang araw sakin na mag resign na ako.
Pero hindi! Hindi ko yun gagawin.
Kaylangan maging matatag ako.
May tiwala ang mga magulang nila na kaya ko silang pag tyagaan."Hindi ako mag reresign, Kaya wag na kayong umasa."
Saka ko pinag krus ang mga braso ko sa harap nila. Laban ito ng isa laban sa pito.
Laban ng maganda sa pitong nag ggwapuhang halimaw."Paano ka makakasiguro dyan huh?"
Napaisip ako sa tanong ni Zac sakin.
Pero paano nga ba? Hindi ko alam basta. Basta hindi ako aalis.Isang malaking hamon ito para sa akin.
Kaaway ko sila pati na ang mga Fans nila. Wala ata akong ibang kakampi kundi ang sarili ko dahil kahit si Aling perla sukong suko na sa kadaldalan ko."Oo nga pala. Meron nga pala tayong kasunduan na hindi kana namin aasarin pag umabot ka dito ng isang linggo."
Paalala ni Daemon sakin saka tumingin kay Alexus.
"Hindi kana namin aasarin, pero hindi ibig sabihin titigil na ang mga alagad naming pahirapan ka."
Dagdag pa ni Alexus.
Alagad? Sus alagad mo mukha mo.
Ang sarap pag uuntugin ng mga lalaking 'to.
Ang yayabang takot naman sa ipis."Sana ngayon palang, nag si sisi kana na dito ka nag trabaho. Dahil hindi lang yan ang aabutin mo pag tumagal ka pa."
Pag babanta muli ni Zac sakin na masamang nakatingin.
Si Galen naman nakasimangot habang nakatingin sakin na para bang nalulungkot sa mga pangyayari. Hindi ko naman sya sinisisi. Gusto nya lang siguro na makaranas ako ng ganun. Sya lang naman kasi ang pinaka madaling kausap dito sa mag kakapatid kaya may tiwala akong wala syang gustong masama para sakin kaya nya yun ginawa.Nag si tayuan na ang mag kakapatid at isa isang lumabas ng kwarto. binangga pa ako ni Daemon habang nakayuko ako.
Pero nagulat ako ng hawakan ni Vicku ang balikat ko saka lumagpas sa gilid ko. Hindi ko naiwasang sundan sya ng tinging nakasunod sa mga kapatid nya habang nakabulsa papalabas ng kwarto.
Alam ko ang ibig sabihin nun, gusto nya akong damayan.
Nararamdaman nya siguro ang hirap ko.
At dahil sa kanya kaya hindi ako basta basta sumusuko. Dahil alam kong isang araw magagawa ko ring mapangiti sya.
Alam ko yun.Sa ngayon kaylangan ko maging matatag sa sarili ko. Kaylangan kong ipaglaban ang tunay kong kagandahan.
Kaylangan kong maging mabuting halimbawa sa lahat. Ipakikita ko na I am naturally beautiful, with a heart.
Thank you.
BINABASA MO ANG
Beauty and The seven Beast || Complete ✓
Romance#B7B Mag alaga ng pitong anak ng mag asawang mayaman. Yan ang magiging trabaho ni Riley sa pag pasok nya sa buhay ng pamilyang Ryder. Pero ang akala nyang normal na pag aalaga ay hindi pala gaya ng pag aalaga ng mga batang sampung taon ang gulang, k...